Friday, December 14, 2012

KAPAMILYA Ako

Isang beses pa lang ako nakapunta sa opisina ng ABS-CBN (Star Cinema) sa tanang buhay ko.  Ito'y noong nagwagi ako sa pakontes para sa promo ng Tanging Ina, The Movie. 


Our TANGING INA Winning Photo


Simple lang ang mekaniks nito: Picture ni Inay + eksplenansyon kung bakit si Inay ay isang Tanging Ina = 2 Premiere Night Tickets + Poster.  Ang simple lang ng premyo no, pero napasaya nito si Inay ng sobra dahil nakita na niya si Ai Ai delas Alas ng personal at isa siya sa mga unang humagalpak ng tawa sa tuwang dulot ng Tanging Ina.  

Pero teka, hindi lang pala si Inay ang naging masaya sa pangyayaring ito sa buhay namin.  Pati pala ako.

Tandang-tanda ko pa noong pumasok ako sa gate ng ABS-CBN.  Otomatiko talaga ang ngiti sa mga labi ko.  Magaan ang pakiramdam.  Parang pakiramdam na at home ka.  Bawat hakbang ko parang sigurado.  Parang matagal na kong nakapunta don.  Para akong taga-roon.  Nagpalinga-linga ako.  Umasang makakita ng iniidolo.  Pero wala.  Gayunpaman, noong nakarating ako sa opisina ng Star Cinema, lalo akong sumaya.  Nakahirit kasi ako ng isang ekstra tiket para sa kapatid ko.  Dito ko lalong napagtantong iba talaga ang Kapamilya.  Hindi madamot.  Tunay na mapagbigay.  Galante.

Bakit ako masaya bilang Kapamilya?  Kasi 'pag Kapamilya Star, siguradong Star.  Star sa kantahan.  Sa sayawan.  Sa artehan.  Sa hosting.  Dito ang mga Star ay versatile.  Hindi importante ang panlabas na kaanyuan.  Kasi kahit hindi ka nakasalo ng kaiga-igayang face value, basta ba't may Star quality ka, pak na pak ka na.  Parang ganito lang:  kailangan marunong kang magGangnam Style habang tumutulay ka sa alambreng nanggigitata sa kalawang at nag-aantay sa 'yo ang jumbohalang si Lolong na mataimtim na nanalanging magkamali ka sana sa dance step o mapigtal na sana ang kalawanging alambre para may pang-minindal na sya sa araw na iyon.  Madali lang 'di ba?  Kaya nga taon-taon, laksa-laksa ang mga nagbabakasakaling mapabilang sa hanay ng mga maririkit na Bituin ng ABS-CBN.  

Gusto ko rin bang maging Bituin ng ABS-CBN?  Bakit naman hindi ahahaha.  Pero sa totoo lang, mas gusto kong magtour-tour with tour guide sa studio nila.  Makapanood lang ba ng taping ng ASAP o ng Showtime tapos makapagpa-picture sa mga makikinang na Stars.  Alam mo 'yon, yung bisitang expected ka na parating, hindi naggate-crash o namilit makapasok, at bibigyan ka ng pinakamatinding pang-iistima bilang importanteng panauhin nila.  Imposibleng mangyari pero nangangarap lang naman.  Malay mo.

Sa totoo rin, gusto ko lang talagang sumuporta at ibigay ang aking boto sa ABS-CBN bilang Most Favorite TV Station of 2012.  Parang pasasalamat na rin sa patuloy nilang pagsasahimpapawid ng mga palabas na de-kalibre, napapanahon at walang kupas --- In the Service of the Filipino, Worldwide.



  



Ang proyektong ito ay sa kagandahang-loob ng

20 comments:

  1. I love the photo! Swerte ka talaga sa mga contest madalas ka manalo! Maka ABS-CBN din ako!

    ReplyDelete
  2. Nakow, kontrapelo pala tayo, KAPUSO ako eh, haha all caps pa talaga eh. Good luck sa station mo McRich pero sa 7 pa rin ako. Hehe...sana nman di mo delete comment ko. ;)

    ReplyDelete
  3. Wow sir isang certified Kapamilya ka din pala, same here hehe :)

    Naku hindi ko pa nararanasan mag studio tour sa ABS-CBN, mahal yata ang bayad hehe. Pero na experience ko nang makadaan sa harap ng ABS, sa may Sgt. Esguerra gate nila, at nakakuha ng picture ng PBB House hahaha!

    Tumpak lahat ng sinabi mo sa galing at husay ng mga Kapamilya Stars. Now wonder namamayagpag at makinang ang kanilang mga bituin. Saka kung mago-observe ka sa mga tv ads ngayon, mostly mga Kapamilya stars/talents ang nandun hehe.

    good vibes lng parati!

    P.S.
    --> parang naaalala ko yang underwater pic nyo dati sa Tanging Ina pa contest nila :)

    ReplyDelete
  4. haha ako KAPATID! haha maiba lang haha
    ewan ko mas ginugugol ko na time ko sa net naun ee

    ReplyDelete
  5. Kapuso ako. dyuk! Thanks sa TFC at nakakapanood ako ng palabas sa Pinas. Goodluck ser :)

    ReplyDelete
  6. ako... di ko alam kung kapamilya or kapuso. Maybe ayoko lang na nasa isang panig lang. hehehehe.

    eto yung may prize na studio tour sa selected side according sa SBA kagabi.

    Pero kung studio tour, parang trip ko sa ABS, sa studio ng ASAP or ng Showtime, ganyan. hahahaha.

    Nice meeting you sir McRich. nanalo ka pala sa isang mini award kagabi, nalimutan ko yung award. haha

    ReplyDelete
  7. ako certified kapamilya din.

    tama si gelo ito iyong iprinomote so ci mcrichard kagabi...

    ikinagagalak kong makilala ka sa personal sir mcrich :)

    may award ka pala kagabi sa kalabasa award hahaha.


    jayrulez

    ReplyDelete
  8. hahaha natuwa ako sa picture na yon! no wonder bakit tanging ikaw!! hahahaha at nga pala, oo ako yong sa gov't lels!! nagbabalik ako blogsphere!! namiss ko mga kwento ninyo.

    ReplyDelete
  9. Winning talaga yung picture kasi naman effort hehe. Ako may times napadaan na rin sa ELJ Building pero hindi pa rin nakapasok. Dati akong Kapuso na naconvert hehehe.

    ReplyDelete
  10. Certified kapamilya din ako eh! Cheers! Tama ka...face with talents talaga ung mga stars nila...:) Inggit tuloy ako sa bisita mo sa abs..:P


    xx!

    ReplyDelete
  11. magandang choice ng channel.

    hahaha

    isang beses pa lang ako nakapasok sa abs. nung nag-apply ako sa kanilang writing workshop. pero di ako natanggap. lol :)

    ReplyDelete
  12. parehas tayo ng pangarap kuya. hehehe

    Certified kapamilya din ako :)

    ReplyDelete
  13. may bahid din ng pagka-Kapamilya ang dream ko na nabuo noong grade 3 ako. dahil gustong-gusto ko yung TV personality na yun (ewan ko lang kung nasan na sya)

    siguro may maibabato kang isyu sa ibang areas ng ABS pero pagdating sa entertainment department, hands down! parang pagsama-samahin mo na ata ang young actors sa ibang channel pero wala akong maisip na maitatapat mo sa acting ni John Lloyd. Eh may Piolo, Echo at Coco Martin pa sila bukod sa mga next in line.

    maraming programa sa kanila ang kinalakhan ko rin ( kahit nga anime e).

    ReplyDelete
  14. Naks! Naaliw naman ako sa post na to, certified Kapamilya ka pala!

    Anyways, belated Merry Christmas! And hope you have a joyful New Year!

    ReplyDelete
  15. this is such a pivotal moment for you and your family. I agree I do love channel 2 my mom...love watching this station and she even dream to watch live show;)

    Wishing you a joyous holiday season and smashing new year!

    ReplyDelete
  16. Tao po!
    Mlaigyang Pasko at Masaganang Bagong Taon :)

    ReplyDelete
  17. Happy 2013! All the best for you and your family this new year. :)

    ReplyDelete
  18. Yes kapamilya tayo.. :)

    ReplyDelete
  19. count me in. kapamilya din ako, though pinapanood ko yung temptation of wife.

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?