Miss ko na yung luto ni Ma sa umaga. Yung tipong paggising ko, handa na lahat at kulang na lang e subuan ako para lang kumain. E dahil sa layo ng trabaho ko mula Pque at kailangang makaalis na ako agad dahil sa traffic, ang ending e baon na lang at sa office na lang mgbfast.
Miss ko na ang itlog at tocino. Ang mainit na pandesal with meyoneys. Ang sinangag. Ang Enervon HP ko!
Miss ko na ang traffic. Ang daang Fort going C5. N-rerelax ako pag doon ako dumadaan. Lalo na yung circle sa American Cemetery. Parang napaka-peaceful, haha :D
Miss ko na yung nagmamadali lalo na pag coding. Tapos magtatago ako sa mga big cars para hindi ako mahuli ng MMDA. Alala ko tuloy nung birthday ko last year na natapat sa coding day ko. Bago pa man, naghanda na ako ng litanya kung sakali mang matyambahan ni Manong MMDA. Sabihin ko na bday ko at kailangan lang talagang pumasok. Ayun, nagkatotoo ang hinala ko at hindi ako pinalampas ni Manong. Alang bday-bday! So inisip ko na lang, treat ko na lang yung nakotong nya sa akin hahahaha :D
Miss ko na ang mga pamatay na kainan sa UP. Ang isawan. Ang beach house. Choco Kiss. Pati na rin si Mamang Sorbetero.
Miss ko na ang Pirated at Videocity DVD Marathon. Tapos yung mga junk foods na binibili ko. Taquitos, Mr. Chips, Nova, V-Cut, Chippy. Tapos meyoneys ulit. Tapos magkulong na ko sa kwarto hanggang sa sumakit ang ulo ko kakanood. At alam na ang kasunod na bawal akong istorbohin.
Miss ko na ang kulitan naming magkakapatid at pamilya. Si Pa na puro ngiti lang sabay labas ng bahay. Si Ma at Ate na korni ang mga jokes. Si Leng na kabatuhan ko naman. Tapos tawanang walang humpay!
Miss ko na ang ever energetic kong Ate na pagdating sa bahay e matutulog na agad. Ang linya nyang We Got it All for You kapag inaasar namin sya tuwing may pasok siya kahit na buong bansa ay idineklara nang wala ng pasok. Ang libre nya sa amin dahil truly blessed ang kapatid kong ito. Ang sama-sama naming gala para magpa-foot spa, gupit, kain o shopping lang. Tapos yung kwento nyang super-huli at aasarin namin syang ulit na luma na yung binabanat nya. Tapos tawanan na nman kami lahat.
Miss ko na kaagaw si Leng sa lappy. O kaya yung midnight snacks namin. Yung favorite naming White Cheese ng Brooklyn o kaya Manhattan Meatlovers ng Yellow Cab. O kaya yung magluto si Leng ng tortang itlog tapos ipalaman namin sa tinapay. Isa sa akin, 2 sa kanya :D
Miss ko na dumaan sa canteen nina Nanay. Tapos papakainin nya ko ng sangkatutak. Syempre ako naman as a future son in law e uubusin ang lahat ng inihain sa akin. Ending, bundat. Tapos magkwentuhan kami ng kung anu-ano. Si Tay magkwento rin sya sa akin. Sabi nila tahimik lang daw si Tay. Pero ewan ko ba't di ko maramdaman. Magandang senyales ba ito? hehe (",)
Miss ko na manood ng sine mag-isa o kaya maghanap ng sale items sa SM Bicutan. Mga favorite shops kong Solo at Artwork. Di talaga ako bumibili kung hindi 50% off o kaya e sobrang gusto ko talaga. Tapos pag napagod e kain naman sa Mcdo, French Baker, Kiosks sa Hypermart, Ted's La Paz Batchoy. Yung Pearl cooler na Chinese --- limot ko ang name. Basta favorite ko yung Super Taro nila!
Miss ko na yung buwanang foot spa sa Reyes Haircutters (ang mura, P200 lang), magpa-massage sa Humanessence sa West Triangle, magpa-Let's Face It at pagupit o pakulay sa Fix. Tapos gala-gala minsan para magpalipas ng traffic sa EDSA.
Miss ko na ang comfort food ng Better Living. Tal's, Eton's, Sinangag Express, Bastille's, Jollibee, Brooklyn, Bibingkinitan, Segie's, Coupe, Chowking, Pan de Manila.
Miss ko na ang murang gym malapit sa amin. P40 lang + 5 para sa tubig. Yung manual na paglalagay ng mga bakal. Pero the best talaga tong gym na to dahil malapit lang talaga sa amin at okay naman ang mga nagbubuhat dahil halos kilala ko naman lahat. Yung manonood kami ng Animal Planet habang nagpapahinga after every routine. Yung mga casual talks para makapagpahinga pa rin. At yung halos di ka na makagalaw pag marami ang nagbubuhat.
Miss ko na yung church namin at mga preachings nina Pastor at Pastora. Pati yung mga kanta ng P&W. Galing pala talaga nila at talented. Yung cellgroup ko with Docs Bong and Celli, Memer at Greg. Yung kwentuhan namin, sharing at prayers. Pati na yung minsanan naming labas.
Miss ko na ang mga automatic friends, cream of the crop friends, college friends, Culdesac friends, VK friends, TMMC friends, MIT friends, RFM friends, PG friends. Dami ko palang kaibigan.
Miss ko na ang TF. Ang galing kasi. Yung pagtalon-talon, yung kainan, yung languyan, piktyuran, serfingan, trekingan, walang artehan, PAITIMAN. Eto ang tunay na sagot sa kahirapan!
Miss ko na si Chloei. Yung paggising nya sa akin pag iihi or pupupu especially sa umaga. Kakagatin nya yung paa ko tapos papalabasin ko sa kwarto. Si Ma naman papapasukin ulit dahil umiiyak daw. ang sarap kasi makipaglaro kay Chloei. Kahit na puro kagatan lang ang gusto nyang laro. Yung bi-weekly check up kay Doc kahit madugo ang bayaran pagtapos. Okay lang Chloei basta healthy ka.
Miss ko na ang Pilipinas.
Pero sana MISS nya rin ako.
No comments:
Post a Comment
Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?