Meron akong kaututang-dilang PUTI na lagi na lang linalait ang Pinas.
Hindi naman siguro lait. Siguro e nagsasabi lang ng totoo. Prangka.
Nitong nakaraang buwan lang ay dumalaw sya ng Pinas para magrecruit ng mga tao para sa planta.
More or less, eto ang usapan namin at tatagalugin ko na lang para hindi na ko duguin sa pangalawang pagkakataon:
PUTI: Hindi kita nakita sa Manila a.
KAYUMANGGI: Narinig ko nga. Galing ka raw ng Pinas. Kung alam ko lang, sana pinasyal kita.
PUTI: Hindi ko nagustuhan ang Manila.
KAYUMANGGI: San ka nag-base?
PUTI: Sa Quezon City.
KAYUMANGGI: A, kasi yung Manila at Quezon City, mga lumang lungsod na kasi. Sana sa Makati ka nagpunta. Mas moderno.
PUTI: Galing na rin ako dati sa Makati. Merong mangilan-ngilang building, pero, yun na yon. Di ko rin nagustuhan.
Sa puntong yon, WALA na kong nasabi at pinilit na lang na ibahin ang usapan.
Oo nga, kung ikukumpara ang Makati sa ibang mga lungsod sa Pilipinas, masasabi ngang mas maganda ito at mas commercialized nang di hamak. Pero kung ikukumpara mo ang Makati sa mga major cities sa buong mundo, tulad ng Dubai, medyo malayo na nga tayo sa pamantayan ng kagandahan at modernisasyon.
Yun siguro ang pamatayan ni PUTI.
Superficial. Unnatural. Temporary.
Di lang kasi nya alam. Na ang kagandahan ay di laging nasa panlabas lang. Sa maraming pagkakataon, kailangan lang hanapin.
Dahil natatago.
Because It's HIDDEN!
Superficial. Unnatural. Temporary.
Di lang kasi nya alam. Na ang kagandahan ay di laging nasa panlabas lang. Sa maraming pagkakataon, kailangan lang hanapin.
Dahil natatago.
Because It's HIDDEN!
Minsan naman, di lang napag-uukulan ng tamang atensyon at pagpapahalaga.
Na kung bubuksan lang talaga natin ang ating mga mata, siguradong, tayo'y magugulat, sa kagandahangkanyang hatag ating makikita.
Na kung bubuksan lang talaga natin ang ating mga mata, siguradong, tayo'y magugulat, sa kagandahang
Ano ngayon ang pipiliin mo?
*** Isang lamyerdang pang-Splash Island
(na sarado pala nung araw na yon),
na naging joyride, at nauwi sa overnight sa
HIDDEN VALLEY ***
ang cute ng baby! ganyan na gnyan din ako nungg baby ako :) hehe
ReplyDeleteweh pruweba? haha!
Deleteang ganda ng place. :D sarap mag-unwind dyan sa hidden valley. sana makapamasyal dyans. :p
ReplyDeleteoo mura lang day-trip try mo!
Deleteging hatag, bisaya ka man dong? hehehe
ReplyDeleteenchanted beuty talaga ang hidden valley, favorite na naten sila after la luz!
from mcaim :)
haha bisaya, pinaltan ko na be!
DeleteSuperficial. Unnatural. Temporary - kung yan ang batayan ni puti di niya makikita yan sa QC or Makati.Lumipad siya ng malayo layo pa sa palawan baka magiba ang pamantayan niya sa kagandahan.
ReplyDeletekorek brother, maganda nga sa palawan, or sa iba pang scenic spots natin, walang panama ang bansa nila for sure!
DeleteAng pintasero naman nyang kaututang-dila mo McRich, hanap ka na lang ng iba, hehe...jowk lang. Next time, ask mo kung san sya, tas research mo lahat ng pangit sa lugar nya, tas pintasan mo rin, para patas. Hehe...
ReplyDeletemay katungkulan kasi kaya hindi ko maboldyak haha pero mabait naman sya, may pagka-prangka lang talaga.
Deletewow galing ha, such a nice vacation!
ReplyDeleteyes sir, ikaw kelan bakasyon mo?
Deletepadamihan ata ng building ang sukatan ng ganda ni puti! natuwa ako sa name mo para sa kanya, parang naging aso, parang Tagpi lang :) happy weekend! :)
ReplyDeletepara ding BAKA, batibot days, hindi ko sure kung alam mo to :)
Deleteganda ng place mcrich, sa Laguna ba ang Hidden Valey?
ReplyDeleteoo sa alaminos, madali lang puntahan!
DeleteThanks for sharing this with us. Ganda.
ReplyDeletesalamat Rence!
Deletekung pagandahan ng buildings oo talo tayo. pero kung pagandahan ng likas na yaman at pabaitan ng mga tao eh pilipinas ang lamang. =D
ReplyDeletedi lang lamang, panalong-panalo!
DeletePupunta din kami jan! hehe. Inggitera. Sana sa short vacation namin this coming october makapag unwind din.
ReplyDeletehahaha kelan ka manganganak?
Deletemasyadong mababaw ang kaalaman ng puti na yan sa pinas. 2nd world country na ang Pinas. at di lang lungsod at establishments ang basehan ng kagandahan ng isang bansa
ReplyDeletetalaga 2nd world na? woot!
DeleteYay! Sarap ng tubig!
ReplyDeleteesp ngayon, summer na!
DeleteI agree, na mukang nakulangan lang si puti ng nakita sa bansa natin. Pero ganun talaga, may kanya kanyang opinyon ang tao. Tayo man kung mapunta sa ibang bansa. I'm sure di natin maiiwasan makakita ng mga bagay kung saan masasabi natin na mas maganda pa din sa pinas kasi ganito ganyan. So I think ganun din sya.
ReplyDeleteAng ganda ng hidden valley. parang paraiso.. :)
pero alam mo, wala talagang gaganda pa sa pinas, pwamis :)
DeleteIlubog ko kaya sa dagat ang puting yan. Na high blood ako sa kanya.
ReplyDeleteo kalma lang sey haha :)
DeleteHay, ok na rin na hindi maganda ang QC, Manila at Makati- gawa lang ang mga yan ng tao. basta marami pa rin tayong pinagmamalaking natural beauties, mga lugar na wala sa iba o di maikumpara ang kagandahan - hindi man made. Kahit gaano sila kayaman they can't magic those places, they can only imitate.
ReplyDeleteBTW, ang ganda ng family mo =)
korek po :) salamat kelan uwi nyo saten?
DeleteLovely photos!
ReplyDeletePS, I feel so sad for Puti because he's totally missing something good if he's not seen anything attractive in our country. Buildings are definitely not the basis of a beautiful city, wish he explores more of the Philippines next time and proves himself wrong. :)
salamat mars, he should definitely explore our country more!
DeletePurkit konti ang establishments di na maganda???
ReplyDeleteHindi ko naman siya masisisi kung ganun ang batayan niya, marahil sa ganoong mundo siya lumaki. bahala siya, basta its more fun in the philippines :))) Kamusta kuya richard!
mabuti naman jheng, pauwi na kme ulit sa May yey :)
DeleteKung ako dun sinabi ko ke puti, "Marunong ka bang maggoogle? E pano ang blogging? I'm sure hindi, malas mo lang di mo naenjoy ang ganda ng Pilipinas. (Buti dika nadukutan *pabulong*)". Have a nice weekdays ahead po, enjoy your vacation!
ReplyDeletenasanay na lang ako kay PUTI kaya dedma lang ako sa mga sinasabi nya hehe :)
Deletewoot nice! sarap magrelax jan. ganda ng pics. =)
ReplyDeleteui si idol napadaan, salamat ng marami :)
Deletesayang naman kung makamodern talaga yung mata ng puti sana di nalang siya pumunta...
ReplyDeletenagrecruit kasi sya, business trip lang!
Deletereal beauty is skin deep...
ReplyDeletebello??
heheh ...
prangka nga si puti...
korekek!!
DeleteYun ang pananaw nung puti kaya hayaan na lang natin sya. Totoo ang sinabi mo na ang kagandahan ay di laging nasa labas lang. Kung nag explore lang sana syang mabuti makikita nya ang kagandahan ng isang lugar. Di lang lugar pati ng mga pinoy na din! Been to hidden valley twice and would like to go back again! Ang mahal na siguro nagyun!
ReplyDeletewow sarap naman, 1st time lang namin, 10K overnight pero mura lang yung day trip nila 2K each!
Deletesabi ko sisilip lang ako heto kung san san nako napunta. mula sa surfing nakilala ko tuloy si "PUTI" ha ha. pakisabi sa kanya hinahanap sya ng isang pinay na nagngangalang balut at pakakainin ko sya ng isang basket na balut na may sukang maraming siling labuyo he he.
ReplyDeletenadalaw na kita dati, hindi lang ako nag comment kasi nagbasa ako ng nagbasa. sarap kasi basahin ng blog mo. followed u pala I'm #66.
salamat sa pagdaan sa blog ko & for leaving a comment , it meant a lot to me :) makipitas ka na lang ng flowers sa Google garden ni hubby ko and paki-abot dito sa dalawang beautiful creatures sa post mo na to :)
see you around bro!
marami ngang nagreact kay puti pero mabait naman sya, iba lang kasi culture nila kaya ganon, kanina nga lang umaga nakita nya yung otmeal drink ko nagtanong kung ano raw yon, di nya raw kayang inumin, arte!
Deletehehe salamat po sa pagfollow at salamat din po sa flowers for my wife and kid :)