Showing posts with label Balai San Juan. Show all posts
Showing posts with label Balai San Juan. Show all posts

Tuesday, November 13, 2012

Better LATE and Pregnant

Sensya na po, sobrang inaagiw na 'tong mga photos namin.  Gusto ko lang i-share baka sakaling interesado kasi kayo. 

Gusto ko rin sanang magbigay ng BABALA na nakakaumay ang pagmumukha namin.  Try nyo munang magBonamine bago magproceed further. 


1. Nakipagkita kay EMPI sa SM Bicutan para sa donasyon naming old toys ni Caleb para sa proyektong Isang Minutong Smile ni Lord CM.  Nag-very-quick-bite na rin sa Jollibee para makipag-very-quick-kwentuhan na rin kay Empi.










2.  Tuloy pa rin po ang pagbebenta ko ng laman pero nagko-concentrate na po ako sa paggawa ng Burger Patties.  Kung pamilyar kayo sa Angel's Burger (Buy 1 Take 1 Burger), balak naming gumawa ng ganong klaseng negosyo at pangalanan naman itong --- Anghel's Burger






3.  Natutuwa kaming naka-attend na ng Sunday School si Caleb.  Gusto kasi namin na at least once a week ay may makasalamuha syang mga bagets of his age. 







4.  At long last ay nadala na rin namin si Caleb sa Barber's Shop.  Lakas-loob lang 'to kasi madali syang katihin at ayaw nya ng tunog ng razor.  Salamat sa lollipop.   







5. Nagpa-Happy Birthday Caleb sina MA at PA sa Batangas.  So nice na makita ulit ang mga kamag-anak lalo na't game na game sila sa mga palaro.  Musta naman, nung August pa 'to LOL. 








6.  Nagpa-swimming naman kami nung Birthday ni Ate sa Balai San Juan.  Huling swimming din before manganak si Aimee.  Musta ulit, nung September pa 'to.









7.  Syempre hindi mawawala ang  mga photos ng isa pa naming bida na si ETHAN RICH at ng aming SuperAimee .  Salamat BE for being strong all throughout  the 9 months and on the day of the delivery.  And until now. 

We LOVE You MOMMY! 









Maraming SALAMAT din pala sa lahat ng mga bumibisita sa munti kong blog.
1 YEAR na po tayo dito sa Blogspot yey!

Wednesday, August 8, 2012

Mga DAPAT Gawin sa Tag-ULAN

1.  MAGPAGAWA NG BAGONG CRIB - dahil mas mura ang mga materyales kapag tag-ulan! 

Di na talaga matawaran ang pag-iibigan nina Ma at Pa na kahit dinidelubyo na, ng bagyong Gener at andyan din ang umaatikabong si hanging Habagat, e tuloy pa rin ang crib-building sa aming hacienda sa Batangas.  Humahacienda?  Nyaha. 








2.  MAG-OUTING SA BEACH - para paniguradong KAYO-KAYO lang ang mga guests sa resort!

Napadpad kami sa Balai San Juan after bisitahin sina Ma at Pa sa Batangas.  Dito kami napunta dahil tinatamad na kong magmaneho at hindi naman masamang mag-try ng ibang resort for a change.  Kaya kahit mahal na mahal namin ang La Luz, pikit-mata na lang kaming naglunoy sa tubig ng Balai.  Arte.  Pikit-mata talaga.

Ang verdict, BABALIK kami dito, malimit!!!













3. Makipag-REUNION with old Friends - dahil hindi kayo sure kung kelan na ulit kayo magkikita-kita!

Sobrang na-miss pala namin ang isa't isa.  Sa Abu Dhabi kasi, isang tambling lang, kitakits na kami agad.  E dito, sa traffic pa lang, tatamarin ka na. 

Pero dahil ito ay para kina Kumpadreng Kuya Je at Kumadreng Ate Grace, kahit harangan pa kami ng nagliliyab na sibat o kumain ng dinikdik na bubog, hindi namin talaga palalagpasin ang pagkakataong makita sila muli. 

Ganon namin sila ka-love!   

Kumpadreng Kuya Je at Kumadreng Ate Grace, lagi kayong mag-iingat ha.  Alagaan nyo ang sarili nyo lalo ngayong andyan na kayo sa tugatog ng tagumpay.  'Wag kayong magpapapawis.  Especially na sobrang lamig don.  At siguraduhin nyong kumain ng go-grow-&-glow- foods.  Kasi.  Wala kami don.  Tandaan nyo yan ha.  You will be missed.



Waiting.  Thanks Kaye & Ian for the photos! 

Kumadreng Ate Grace - Beauty-in-Violet

Kumpadreng Kuya Je - Handsome-in-Red



Syanga pala, kaya ako sinipag magpost e para hikayatin na rin ang tatlo (3) kong mambabasa, na mag-usal ng munting panalangin at tumulong, in their own little way, sa mga biktima ng baha.

Wag tayong mawalan ng pag-asa dahil There's a RAINBOW, always , AFTER the RAIN!