Wednesday, December 7, 2011

Shake, Rattle & BARGE

La Luz Beach Resort ang aming Happy Beach.  Dito kasi nabuo ang lahat: ang muling pagtibok ng aming mga puso, ang unang day-trip lamyerda with Caleb at ang unang overnight excursion, muli, with Caleb.    


Ang Muling Pagtibok ng Aming mga Puso

"Dinaan nya ko sa dahas.  Nagpaubaya naman ako. 
Anong magagawa ko?  Gusto ko rin naman." 


Yinaya nya kong lumangoy patungo sa barge.  Gusto nya raw tumalon.  Samahan ko daw sya.  E sobrang lalim don.  As in kasya ata ang Burj Khalifa sa lalim.  Tiim-bagang na lang akong sumunod.  Nagpa-ubaya.

Pagdating ng barge, don na nya isinakatuparan ang maitim nyang balak:  nagtatalon nang naka-intertwine ang aming mga daliri; at sa tuwing pag-ahon nama'y hahanapin syang muli para ipanhik sa barge. 

Paulit-ulit naming ginawa yon.  Inabuso nya ako!




Ang BARGE.




Sa eksenang yon, bumalik ang malisya, alaala ng kahapon at nung kami'y college pa.  Biruin mo yon, may pag-ibig pa pala!  Kaya after 2 years, itinuloy na namin ang saya. 



Ang Unang Day-Trip with Caleb

"Muntik nang tumawag sa Bantay Bata 163 ang mga nakarinig; dahil sa
sobrang lakas na palahaw mula sa dalampasigan."   


Literal na dinala namin ang buong bahay sa unang Day-Trip namin with Caleb.  Sinigurado naming lahat ng pangangailangan nya ay abot-kamay.  Lalo na, na ang resort ay lubhang malayo sa syudad.  Walang lugar sa pagkakamali.  Lahat dapat planado.




Sa resort, matapos ma-ayos ang lahat.  Tumungo na kami sa dalampasigan.  Naglaro-laro na kami sa tubig.  Nung una ay walang kasing saya ngunit maya-maya'y, ayun na.  Umiiyak na sya.  Hindi lang basta iyak ha, nagwawala na ang Bida.

Anong nagawa naming mali?

Ayun, isang eureka moment, hindi pala dapat binibigla ang bagets.  Dapat hayaan munang mag-adapt.  Eto ang natuklasan namin pagkagaling nya ng tulog.  Dahil nung sumubok muli kami, eto na ang naging eksena:






Ang Unang Overnight Excursion with Caleb

"Parang andaming nagbago.  Sa loob lang ng isang kisap-mata." 


Muli kaming bumalik nung Hulyo sa lugar na yon.  Ganung-ganon pa rin.  Parang, nung huli kaming andoon.  Pero si Caleb, eto na sya:




Sabi nila, tayo raw ang gumagawa ng sarili nating kapalaran.  Kung ganon, pano kaya kung hindi kami naakit ng mapanghalinang BARGE?

Siguro, hindi kami ngayon ganito kasaya!  



Ang BARGE at aming PAMILYA.


27 comments:

  1. wehhhh! ako? eh walang malisya saken yon, sayo pala meron na, hehe.

    La luz.....hays..... see u soon!
    Miss ka na ng MCs!

    ReplyDelete
  2. ang barge! hahahahaha nice one be!

    ReplyDelete
  3. weh ikaw kaya nagyaya, ibig sabihin may malisya talaga hahaha, syempre balik la luz tayo sa bakasyon! salamat be :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. La Luzzzzzzz!

      Heto na ulit ang mga MCs!!!!!!!!!!! ilang tulog nlng!

      excited much? nde nmn..hehe

      From Mcaim

      Delete
  4. wow ang saya saya nyo naman diyan... nakakingit..

    ReplyDelete
  5. hi albert, actually sa laiya-batangas to, punta ka para ma-experience mo din!

    ReplyDelete
  6. Bakit mo naman binigla si Caleb an lagay walang introduction.

    buti di ka nabantay bata.Pero mukha naman ang enjoy ang bida sa picture sa mga ngiti niyang kay tamis.

    Ang cute.

    ReplyDelete
  7. hahaha feeling kse namin no need for introduction kasi napakahilig nya maligo sa bahay, di namin na-realize na yung sa dagat bale 1st time nya lang talaga.

    buti na lang mana kay mommy kaya cute :)

    ReplyDelete
  8. naks, gandang love story, happy ending. ngek, mali, mali...erase kase ala pala dapat ending, happiness forever dapat. :)

    ReplyDelete
  9. amen to that, forever & ever happiness!

    ReplyDelete
  10. Super naaliw naman ako sa mga kwento mo,kakatuwa naman kung paano tumibok ang puso mo sa barge ,ikaw nga naman ang may malisya dyan at may maitim na balak ,hehehe.Si Caleb mo ,bakit walang salawal pero talagang tuwang tuwa naman.

    ReplyDelete
  11. hi tess you're so nice :) i know cut off na db? but still you commented, thanks ha!

    baka kasi ginawin kaya di namin dinamitan and sobrang bilis lang talaga ng ligo nya :)

    ReplyDelete
  12. @jyppe - oo punta kayo sa batangas to at ang sarap magsnorkel, daming isda!

    ReplyDelete
  13. lagi fully booked dito so sa blue coral resort kami nagstay. =) pero nagpunta din ko la luz at napapicture dun sa rock formation nila. thanks for the visit.

    ReplyDelete
  14. what a love story! nakaka-aliw pag ganitong in love ang mga tao masaya at nababawasan ang lungkot sa mundo. parang d ko makita link mo du'n sa fbw page but i see you've been to my post from there. thanks for dropping by.

    ReplyDelete
  15. eiiik... hahah ang sweet naman... nice yung place ha...

    ReplyDelete
  16. @iya - napunta yung comment mo sa spam, bakit kaya hmm?

    @michi - oo mahirap nga magbook sa la luz, kami rin meron sa rock formation haha :)

    @hazel - aww salamat po, dapat laging happy talaga :)

    @c5 - o why not go ka na rin sa laiya, enjoy a bit po!

    ReplyDelete
  17. natatawa ako sa mga comments pati, lalo na ng nabasa ko ang "salawal" hahahaha. :D

    So happy, keep in love...at uu nga wala doon sa fbw ang link. Enjoy!

    ReplyDelete
  18. @kikx - sensya na sa keso, sa laiya-batangas lang to, go na sir!

    @chan - thanks, talagang hinabol nya ang comment, sa uulitin!!

    ReplyDelete
  19. ang sarap nga naman abusuhin ng iyong mahal LOL...ang saya!!! stay happy & in love.

    ReplyDelete
  20. mahirap na masaya ang may kasamang baby sa mga bakasyon.

    salamat pala sa pagdalaw at pagbackread sa mga post ko. appreciate it!! :)

    ReplyDelete
  21. Ang saya, ang gandang pagmasdan ang mga larawan, syempre lalo na si Caleb.

    Kailan kaya ang sequel? :-)

    Maraming salamat pala sa pagdaan sa aking blog...

    ReplyDelete
  22. Galing kaming Laiya December last year, pero sa Sabangan Beach Resort kami. Namiss ko tuloy bigla sa Pilipinas. Btw, thanks for the blog visit and I hope you enjoy the photography talk in the Philippine embassy tomorrow.

    ReplyDelete
  23. @arcee - hahaha sorry kung masyadong cheesy ang post na to :)

    @gillboard - thanks din sa pagvisit idol, no worries kasi ansarap naman i-backread ng mga posts mo :)

    @gremliness - sana malapit na ang sequel yey! sana ma-meet ka namin kung sakaling magka-EB ulit ha :)

    @wits&nuts - opo, mag-aayos na ko in a while :) sana ma-meet namin kayo sa susunod na EB!

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?