Tuesday, December 27, 2011

NGASAB Training

Ang hirap gumawa ng intro kaya sasabihin ko na lang na galing ako ng Safety Training for 3 consecutive days. 

Sobrang nakakaantok yung trainor.  As in.  At---ang---bagal---nyang---mag---salita!  Kulang na lang e hiwain ko yung braso ko, at patakan ng lemon (wala kasing kalamansi sa Mid East), dahil sa mala-ibong-Adarnang arrive nya.  

Oo, yung boses nya, kaya kang gawing bato.  Batong humihilik.  Ganon katindi ang powers.

Pero dahil matindi pa rin naman ang kagustuhan kong matuto, pinilit ko talagang magfocus sa mga sinasabi nya.  Kahit ga-balde na ang linuluha ko sa kakahikab.  May kalso na ng toothpick ang talukap ng mga mata ko sa kakahikab.  At kahit halos mawarak na ang makipot kong labi sa kakahikab pa rin.

Sino ba naman ang hindi hihikabin?  Bukod sa bagal magsalita, lagi pang nakaupo.  Tamad much?


Ayun sya sa harapan, kita nyo ba?
  

Bawi na lang sa pagkain.


Sa 2nd Day naman ay nagulat ako.  May BIBO-Moment pala.  Pinagpartner-partner kami at sinabihang pag-aralan ang manipestong binigay sa amin, tapos ay ipi-present sa harap.  WHAT? 



Ang  mga  BIBO Kids.  Parang United Nations lang.

Syempre alangan namang hindi ko itayo ang bandera ng Pilipinas.  E nag-i-isa lang akong Pinoy don.  Kaya nung time na namin nung partner ko, nagTAGALOG ako. 

Natahimik silang lahat.  Di nila ko maintidihan.  They need an interpreter daw.  Sabi ko, no need. I can be my own interpreter. 

Eksena di ba?  Yun e kung nangyari talaga.  

Syempre hindi ko ginawa yon.  Basta I explained everything sa pinaka-simpleng paraang alam ko.  Swak naman kasi there was a moment na natahimik silang lahat.  No kidding.  As in.  Nadama kong tumigil silang lahat, nanahimik at nakinig sa akin.

Yun lang, wala akong proof.  Pero I hope that you'd believe me, that I made our Country proud.     




   
 
Yung 3rd Day naman e kasama ko na ang Mrs ko.  First time ko syang nakasamang magtraining sa labas.  Syempre no dull moment.  At dahil medyo forte talaga ng trabaho ko ang Safety, I let them claim all the glory.  Basta sinuportahan ko ang mga ka-groupies sa ano mang tanong ng trainor at mga activities.  Wagi naman kami ng mga pamigay na chocolates. 





So ano ba ang Moral Lesson ng Blog ko today? 


Na wag na wag na wag nyo kaming iimbitahan sa mga kainan. 
Dahil kaya naming lumafang kahit walang inuman.


Salamat sa NGASAB Training.

24 comments:

  1. hehehe kaya ko din yun lumafang ng walang inuman, sana nangayari yung agaw eksena talaga

    ReplyDelete
  2. nagutom ako pre...ikaw na ang nagseseminar at pagkain lang ang habol...LOL

    ReplyDelete
  3. naks...naka-picasa na ang photos nya, ASTIG!! dali lang noh? heheh!!

    ReplyDelete
  4. Buhay OFW...:) palakpakan ka parekoy!

    Tinatamad maglog in: AKONI

    ReplyDelete
  5. Baka kulang ka sa tulog kinagabihan kaya ka inantok sa training.

    ReplyDelete
  6. ang galing... congrats kua...

    ReplyDelete
  7. astig.

    pero bahagya akong naglaway.. dahil sa mga pagkain.lol

    ReplyDelete
  8. nakaka antok talaga minsan ang seminar or training.. hehe

    ReplyDelete
  9. huwow! dami na nya commentators!

    kakatawa nmn nito be! hehehe

    so next training ulet! yahu!

    ReplyDelete
  10. Hirap pag boring ang speaker no? Lubos ang tawa ko dun sa kunwa ay nagtagalog ka. Talagang nanlaki ang mata ko and all that jazz. Kala ko trulili. ^.^ Pero tama, magingat sila sa pinoy sa kainan baka mangailangan ng mas maraming serving.

    ReplyDelete
  11. Nakakagutom naman! Gusto ko ring kumain ng ganyan! XD.

    ReplyDelete
  12. Medyo matagal nang pinalabas ang The Island... somewhere in 2005 yata. Saka, meron yan sa torrent, doon ko nga rin nadownload ung akin eh! :) Enjoy!

    ReplyDelete
  13. ang safety nasa pagkain din. :P pag sumobra ka, di na safe yun.

    ReplyDelete
  14. Naku, Pinoy + Kainan? Good luck na lang sa nag-imbita. Pilipino nga lang yata ang may ugaling gumawa ng balancing act sa taas ng pagkain sa plato kapag buffet eh. Hahaha!

    ReplyDelete
  15. astig naman. iba talaga pag nasa seminar ka. di pwedeng pintasan ang pagkain.

    ReplyDelete
  16. Congrats sa pag tataguyod ng bandera ng pilipinas :) you made our country proud bro :) At ang sarap naman ng food diyan :) nakakgutom tuloy.

    ReplyDelete
  17. ano sinabi mo?

    anyway, sarap ng deserts.

    Happy New Year!!!

    ReplyDelete
  18. @chrisair - walang inuman para makarami!

    @engr moks - saka training certificate haha!

    @talinggaw - salamat sa tutorial ha!

    @akoni - senyales yan ng old age pre haha :)

    @gracia - talaga? seryoso kaya ako dito, nyaha :)

    @gasdud - hindi bro, kakatamad lang talaga yung facilitator!

    @cuteberl - congrats saan? nagskip-read ka ha, aminin hahaha :)

    @neneng - sarap no?

    @mommy - di ba? kaya patawarin na ko :)

    @mcaim - tapos hindi na ko namimilit magpacomment sa inyo ngayon :)

    @pinaywriter - guni-guni ko lang, try ko rin gawin minsan :)

    @lysafae - oo ansarap talaga, salamat!

    @c5 - a inaral ko rin ang safe eating, kaya mandirigma ako sa kainan :)

    @tim - tapos di uubusin no?

    @rence - oo yum talaga!

    @shirgie - haha wag na mainggit :)

    @promking - ansarap talaga pre pwamis!

    @rah - salamat pre, syempre lagi dapat para sa bayan!

    @gillboard - a nagpaliwanag lang pre sa pinagawa, tulad nung mga bibo kids sa photos.

    ReplyDelete
  19. @diamondr - salamat bro :)

    @jay - congrats san? nagskip-read ka rin no hahaha :)

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?