Showing posts with label Manila Ocean Park. Show all posts
Showing posts with label Manila Ocean Park. Show all posts

Wednesday, August 22, 2012

BIDA is 2!

Nag-2 si Caleb last August 12. 

Mas pinili naming i-celebrate ang kanyang birthday with only a simple pasabog.  Pakiramdam kasi namin, mai-stress lang si bagets kung magpa-party kami.  Di pa naman talaga nila mai-enjoy yung mga Jollibee or McDO or any kind of theme party sa edad nyang 2. 

Naku maniwala kayo.  Tutulugan lang yan ng celebrant.  O mas matindi pa, cry-me-a-river ang emote ng inyong bagets sa buong party-party.  

It's either matakot sya sa mascot, or matakot sya sa guest!  (Malamang sa alamang e mas magiging rason yung pangalawang nabanggit hihi.)

Sa experience kasi namin, di naman talaga yon ang gusto ng bagets.  Yung mga magulang lang nila ang may gustong magpa-happy-fiesta.  E sino ba talaga ang may birthday?  Yung bagets ba o yung parents? 

Kaya para maiwasan ang mga ganitong eksena, buy na lang kami ng cake, sindi the 2 candles, magpakitang-gilas sa pag-blow ng 2 candles (na aming prinactice way before), picture-picture ng slight (para may remembrance ang BIDA), gawin ang mandatory yearly height measurement at onteng salo-salo na lang sa bahay.





Sina Lola Monica at  Lolo Renato
     
Mandatory YEARLY Height Measurement

From MANGO  to  CHILI yey!


Tapos dinala namin sya sa Manila Ocean Park dahil mahilig nga sya sa tubig pati na sa mga lamang-tubig.

Anong nangyari?  E di, HAPPINESS! 

Obvious naman sa pagtakbo nya, pagtalon, pag-split at pagtambling nung nakita na nya ang sari-saring kamag-anak ni Aryana.











Share ko na rin na mahirap palang maging driver, tour guide, photographer, yayo ng bagets at caregiver ng buntis, all at the same time.

Ito pa yung iba kong kuha na pumu-photographer ang peg.  Yung iba, kuha ni MRS Buntis when I needed to be a Yayo naman.



Dog Fish

Shark sacs

Stone Fish

Sharks

Ray & Shark


Ang pagbalik ko dito also brought back happy memories nung linibre namin ni Ate sina Ma & Leng nung newly-opened pa lang ang Manila Ocean Park.  Alam mo naman kami, aktibo.

RIP na rin yata ang sosyal na de-aircong Japanese Crab (na malamang ay linahok na sa sinangag) at ang lone Tiger Shark (na malamang ay ginawa nang siomai).  Di ko na kasi sila nakita ulit.



MA, Ate & Leng

Japanese Crab

Tiger Shark


Nostalgic talaga just looking at these photos of THEN...  And how wonderful to have experienced it again, NOW.


Oh  YUPPY Day

Oh  DADDY  Day


* * * * *

Nga pala, in the coming days, malungkot man isipin, e magre-reformat na raw ang MULTIPLY.  E dito kaya namukadkad ang aking blogging career.  Sayang naman kung idi-delete ang aking mga obra :)  Kaya ngayon pa lang e pipilitin kong ilipat ang sandamukmok kong photos at mga blogs ko. 

Please bear with me at wag kayong magulat kung luma ang mabasa nyong mga posts ha.  I-import ko nga kasi ang mga old blogs ko from Multiply. 

At good luck saken kung kakayanin pa ba ng aking hectic schedule!