Laging handang, tumulong sa inyo.
Kilala nyo ako, kilala nyo ako;
Ako'y isa sa kapitbahay, kapitbahay ninyo.
Ako ay kapitbahay, laging handa;
Laging handang, tumulong sa inyo.
Kilala nyo ako, kilala nyo ako
Ako'y isa sa kapitbahay, kapitbahay ninyo.
Kung habang binabasa mo ang nasa itaas, at bigla ka na lang napabirit ng kanta, napangiti at naalala sina Pong Pagong, Kiko Matsing, Ate Shienna at Kuya Bodjie, aba'y walang pag-aalinlangan, isa ka rin sa napakaraming nag-BATIBOT nung kabataan mo.
Kung sa kabilang banda nama'y oblivious ka sa mga pinagsasabi ko, marahil isa ka sa mga fetus pa lang nung panahong yon. O di kaya'y nagti-Teach-Me-How-To-Dougie pa lang ang mga magulang mo sa Obando, upang mabiyayaan na sila ng cutey-cuteyng anak sa katauhan mo.
Kung hindi mo pa rin ako maintindihan (Oo, IKAW na ang BAGETS!), for your sake, at sa kapakanan ng ibang ka-batch ko (memory gap?), ang kanta sa itaas ay gamit sa isa sa mga segments sa programang BATIBOT. Ito ang segment kung saan kailangang mahulaan ng mga manoood ang hanapbuhay o trabaho na isinasalarawan sa episode na yon.
Meron din bang premyong 1 TB Western Portable Hard Drive + 1 Singapore Shirt sa portion na ito ng Batibot? WALA.
Kaya dadako na tayo sa tunay na dahilan kung bakit may pakanta-kanta pa ko sa umpisa: Alam nyo ba kung ano ang hanapbuhay ko?
Ako ay nagta-trabaho sa isang kumpanyang sumusuporta sa pagdi-drill ng petrolyo o langis. Kami ang nagpo-provide ng mga drilling fluid chemicals, engineering equipment at service manpower sa ilan sa mga pangunahing oil drillers sa Gitnang Silangan at ilang bahagi ng Africa.
At sa araw-araw na ginawa ni BRO, ito ang mga ginagawa ko sa laboratoryo:
1. Magtimbang ng mga rekado with accurate precision. Bawal magkamali. Dapat tandaang mga kemikal ang tinitimbang. At onteng pagkakamali lang ay maaaring magresulta ng fireworks display sa lugar-trabahuhan.
2. Paghalu-haluin ang mga rekado na parang gumagawa lang ng shakes. Wag iinumin. Paalala, kemikal ang hinahalo.

![]() |
Analytical Balance |
2. Paghalu-haluin ang mga rekado na parang gumagawa lang ng shakes. Wag iinumin. Paalala, kemikal ang hinahalo.
![]() |
Multimixer |
3. Pagtapos haluin, kailangang alamin kung tama ba ang lapot ng ginawang formula. Di pwedeng sobrang lapot, o sobrang labnaw, dahil maaari itong maging sanhi ng pagka-stuck ng drill sa butas. Paalala muli, hindi ito shakes.
4. Sunod ay kailangan namang malaman ang mud weight ng formula. (Opo, ang larawan sa ibaba ay hindi po seesaw.) Nakakaapekto rin ito sa drilling dahil anumang bagay na ipinapasok natin sa drilling hole ay dapat muling lumabas. Kung mabigat masyado ang formula, hindi na nito kakayaning ilabas ang mga cuttings (mga rock formations at drilling fluids) na mula sa ilalim ng lupa.
Kung inyo pong matatandaan, according sa ating Science Class, ang petrolyo ay produkto ng natabunang flora at fauna milyon-milyong taon na ang nakakaraan. Kaya isipin nyo na lang kung gaano katigas ang lupang kailangang i-drill. At kung gaano kapanganib dahil sa mga gases na produkto naman ng mga nabulok na flora at fauna milyon-milyong taon na ang nakakaraan.
Idagdag mo pa na may mga pagkakataon na ang drilling ay nagaganap sa gitna ng karagatan (offshore). Syempre, mapanganib na nga magdrill tapos ang tatalunan mo pa e dagat. E paano kung may emergency? Good luck na lang kung biglang mag-hello si Jaws sa yo.
So ano ang point ko? Na muli, ang larawan sa ibaba ay hindi seesaw. Yun lang yon actually, medyo napahaba lang ang paliwanag ko hehe.
![]() |
Rheometer |

Mud Balance |
5. Test naman tungkol sa filtration control ang susunod. Dapat malaman ang kakayanan ng formula na makapag-imbak ng fluids. Tandaan na ano mang fluids na maiiwan sa butas ay maaaring magdulot ng permanenteng damage sa hole at sa kalikasang nakapalibot. Kaya dapat very minimal lamang ang fluids na maiiwan.
![]() |
API Filter Press |
6. Last but not the least, kuhanin ang pH. Dapat ang formulang ginawa ay hindi acidic. Kung acidic ang timpla, maaari itong maging sanhi ng pangangalawang ng pang-drill. E sobrang mahal nito. (Opportunity na rin para bumati sa celebrant haha.)
Ang boring no, hay?
Actually, isa pa lang ito sa napakaraming proseso sa pagdi-drill ng langis. Hindi pa kasama dyan ang pagri-refine ng petrolyo, para maging kerosene, gasolina, lubricants, asphalt, etc., sa prosesong ang tawag naman ay fractional distillation.
Ocia, tama na ang paliwanagan dahil ako'y pagod na.
At ngayon, kaya nyo na bang hulahan kung Ano ang Trabaho ng Kapitbahay Nyo?
At ngayon, kaya nyo na bang hulahan kung Ano ang Trabaho ng Kapitbahay Nyo?
* * * Ito ang aking lahok sa MADUGONG Patimpalak ni GASOLINE DUDE. * * *