Ang dami kong nagawa today. Sa sobrang dami napa-blog tuloy ako :D
1. Nagcomment, nang-view, nag-invite, nagblog, tumingin ng ibang pics, nagpost ng album na hindi pa tapos.. sa Friendster at Multiply. Di ako masyado aktibo sa Facebook pero kung nangyari yon baka pati Facebook napatos ko.
2. Nakipagkwentuhan sa katrabaho. Nagkwentuhan about sa buhay may asawa. Ang hirap nang may kasamang ibang lahi sa flat sabi nya. Nagkwentuhan about sa lunch. Nanghingi ng baon ng kasama ko. Konti lang. Sawa na rin kasi ko sa chicken --- fried, roasted, broasted. Haaay, chicken! Tapos harap ulit sa computer. Browse, browse ulit.
3. Pero nakausap ko naman ang dalawang sub-contractors na ka-meeting ko today. Diniscuss ang mga kailangang ayusin sa mga offices. Bulol-bulol sa ingles para lang maintindihan ng mga PANA. Nanghingi ng business card. Tapos binilin sa kanila na magpadala agad ng proposal para sa project.
4. Dalawa pa ang inaantay ko today kahit na 1 hour na lang at uwian na. Ewan ko ba, 'yung mga tao dito e hindi punctual! Sabagay, ano pa bang ekspekin mo, e di ba mga PANA nga sila? So ibig sabihin, mga INDIANERO talaga sila, hahaha :D
5. Since malapit na ulit ang uwian, isip ulit kung anong lulutuin mamaya. May mga activities later pero mukhang sa kwarto lang ako. Masyado kasi akong napagod today :D
6. Bukas nasa planta naman ako. Sana naman may magawa na ako. O may iutos ang amo ko sa akin. Sana magkaroon na rin sya ng pakialam sa akin. Pero nga pala, after meeting with the GM e nag-iba ang ihip ng hangin. Ang mga concerns ko e inaasikaso na nya. Siguro dahil na-hotseat nga sila nung isang manager. Natawa nga ako kanina dahil tumawag sa akin ala-English-accent. Syempre 'di ko nabosesan. Sabi ko bakit nanloloko sya. Sabi nya --- "Just to get rid of some pressure off me." Hmmmn, pressure from pinuno siguro??
7. Gusto ko magbuhat ulit kaso kakabuhat ko lang kahapon. Siguro mag-upload na lang ako ng ibang pics mamaya habang nagluluto.
8. Painit na ng painit. Yung tipong nakatayo ka lang pero tatagaktak ang pawis mo. Sarap sana magswimming kaso sa dagat din e hindi naman ako nakatagal kahapon. Parang sandaling langoy lang, nagsawa na agad ako. Ang init kasi talaga. Parang nagka-sunburn nga ako agad sa maikling sandaling nababad ako sa dagat.
9. Kailangan ko nang tapusin 'to. Kasi mag-uwian na. Kailangan ko pang tawagan ang driver namin para sunduin ako dito. Time Check: 1625H
10. Pero Lord, salamat po at may trabaho ako. Though alam ko hindi ako naging fruitful today, babawi na lang po ako sa mga future utos ng amo ko. alam ko may purpose ako kaya ako nandito at alam kong may itinuturo Ka sa akin sa bawat araw ko sa mundo. Salamat po dahil kahit nabo-bore ako lagi, I still know that You are always in control. I trust You.
No comments:
Post a Comment
Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?