Showing posts with label Eye Ball. Show all posts
Showing posts with label Eye Ball. Show all posts

Sunday, February 12, 2012

EB sa PHILS

Panandalian akong tumakas para kitain ang mga BIBO Kids ng aking Pakulo

Out of 5 bloggers e 3 lang ang nakapunta.  Si Taribong had some family concerns samantalang si Edgar Portalan naman ay hindi nakayanang makipag-meet dahil may pasok pa sya sa trabaho.

Gayunpaman, TAGUMPAY ang aking 1st ever EB experience sa Phils!


LESLIE's EB Dinner and Kape/Tsaa sa Starbucks



Rence of MAD


Natuwa ako kay Rence of MAD sa pagiging very open nya.  Ganon siguro pag marami na talagang pinagdaanan sa buhay.  Marunong magdala ng conversation.  Walang arte.  What you see is what you get.  Down-to-earth.  Manager ng isang Chinese Fast Food chain.

Kung ano man ang nakwento mo sa amin, dalangin ko na mabigyan na ng kasagutan ang mga tanong mo.  At sana, matagpuan mo na rin kung ano ba ang hinahanap mo. 

Good luck sa balak mong MAMUNDOK! 




MJ of HEAVEN KNOWS

Ang tanging ROSAS amongst the thorns.  Bagay na bagay ang suot nyang kakulay ng rosas.  Si MJ of Heaven Knows

Palangiti.  Kung si Melissa Cathedral daw ang EB Queen, si MJ naman daw ang EB Princess.  Lately kasi e makikita mo sya sa iba't ibang EB events sa kalakhang blogosperyo.

Hope nag-enjoy ka at sana e nabusog kita teh.  Sensya na kung hindi kita nahatid sa Cavite ha.  Medyo malayo na kasi yon.  E di ba, takas nga lang ako.



  
Bino of DAMUHAN

Si Bino of Damuhan ata ang tunay na depinisyon ng Curacho --- ang lalaking walang pahinga!

Blogger, BPOer, English tutor, tatay, anak at mabait na apo ng kanyang lola.  Pero di pa dyan natatapos ang lahat.  Nakukuha nya pa ring magtravel at maki-EB!  Natutulog ka pa ba BINO?

Salamat sa mga kwento mo.  Marami kaming natutunan.  Lalo na ang mga inside scoop sa blogosperyo pati na rin sa buhay mo :)  At sensya na rin kung ikaw naman ang sinalang namin sa mainit na upuan

Muli, maraming salamat sa inyong tatlo at sana ay nagustuhan nyo ang dinner natin, pati ang kape/tsaa natin, pati na rin ang goody bag mula sa isang OFW.

Gang sa muling pagkikita!

Friday, January 13, 2012

EB with McRICH, BAKIT???

Ikaw ba'y nalulungkot at walang makausap?  Adik ka ba sa Eat-All-You-Can-Buffet?  Willing ka bang dumayo ng Alabang, Muntinlupa?  At higit sa lahat, gusto mo bang makipag-EB?

Kung TSEK ka sa lahat ng mga nabanggit, sundin lang ang mga sumusunod na PANUNTUNAN para sumali:  

1.  I-BLOG ang SAGOT sa tanong na ito:  EB with McRICH, BAKIT???
2.  I-LINK ang aking blogsite sa inyong entry sa pamamagitan ng phrase na:   Ito ang Aking Sagot sa Tanong na:  EB with McRICH, BAKIT??? 

3.  Mag-comment sa post na ito with the following details:
  • Pangalan or Pen Name
  • Titulo ng iyong Blog
  • Link ng iyong Entry
  • Your E-mail Address

4.  Deadline of Entries:  31 January 2012 



PRIZES:   

1.  Limang (5) BIBO bloggers ang pipiliin to have an Eat-All-You-Can-Dinner with The MCs at LESLIE's RESTAURANT, Alabang.  Para mas intimate.  Para mas madaling makipagkwentuhan habang umaatak tayo sa buffet!






2.  GOODY BAG - mawawala ba naman ito mula sa isang OFW?  Syempre asahan nyo na ang pamatay na sabon, corned beef, tang, etc.  


The five (5) BIBO Winning Bloggers will be notified through e-mail and will be asked to disclose their contact details.  Tentative dinner will be scheduled on a Weeknight of FEBRUARY 2012 or as agreed by all EBers. 

If in case of a NO-Show, please note that PRIZES are not convertible to CASH.  (May ganon?  Mahirap na baka mademanda pa ko haha.)   

Basta, it doesn't matter kung nagko-comment ka sa mga eklat ko o hindi.  O nga-ngayon-ngayon mo lang nalaman ang site ko.  Kahit hindi kita kilala e oks lang yon.  Ang importante lang talaga saken e yung magiging sagot mo sa tanong ko at kung papasa ang inyong entry sa mga HEBIGAT Judges.





HEBIGAT JUDGES
Clockwise:  ARLEEN (Registered Nutritionist - UST), RACHEL (Industrial Engineer - MIT),
ROSE (Registered Nurse - AdU) & AIMEE (Chemical Engineer - MIT) 
  

O ano na? 
EB tayo ha!

Monday, December 5, 2011

EB sa UAE

Tulad ng EB namin, na talagang madalian at straight to the point, nais ko pong ipakilala sa inyo ang mga butihing blagera't blagero sa kalakhang UAE:


IYA ng When She Cries... She Writes.

Sa totoo lang, akala ko, emo girl si Iya.  Yung tipong makikipag-EB nga pero lagi namang nakatunganga/nakatingin sa kawalan o kaya e gugustuhin na lang kitilin ang kanyang buhay dahil sa ka-emo-han nya. 

Sa totoo ulit, binalak kong magbaon ng tissue, kasi ang akala ko, tipong MMK UAE Edition ang magiging usapan namin sa araw na yon.  Nagdalawang-isip nga ko kung pupunta ba talaga ko o hindi.  Ano ba naman ang ii-expect ko kay Iya, gayong pati pakontes nya ay tungkol sa patak ng luha, hagulhol, pighati at kung anu-ano pang kalungkutan sa mundo.

Pero mali pala ko.
  


Pati tuloy KAMI, nahawa.
 


Isa pa sa mga sikat na blogger na nakilala ko nung araw na yon ay si Rommel.  Sabi pa ni Iya, Project Manager si Rommel sa isang construction company.  Pagkasabi ni Iya nito, bigla akong nagkaroon ng lighbulb moment.  Ayus, meron nang manlilibre! 

Kung ang maraming taong kilala ko e may BUSILAK na puso, ang kay Rommel naman, DIAMANTE.  Hindi dahil sa ubod ng tigas ng puso nya, bagkus ay dahil sa dami nyang datung haha.  True to his name, inilibre nya kami sa Sbarro (pati na rin sa taxi papuntang Al Wadha Mall) at sya pa ang aming official photographer, gamit ang kanyang pamatay na Nikon DLSR. 

He is a man of few words pero dama mo ang kanyang kabaitan.  Hihirit ng onte pero most of the times ay nakikinig lang.  Sabagay, bakit naman sya mag-aaksaya ng panahon, gayong nasa harapan nya ang isang pretty at dalawang gwapong 'subjects'. 

Kaya ayun, kinodakan nya na lang kami ng kinodakan.  Kami naman, pose lang ng pose (kahit ayaw namin at napilitan lang). 

Si Rommel na ang inspired! 



SHERWIN of Mokong

Ika nga nya sa EB blog nya, sya ang VIP.  Oo, dahil sya ang pinakahuling dumating sa aming apat.  Pagbigyan na.  Tutal, balita ko, sya naman ang taya sa susunod naming labas, nyaha.

Si Mokong ang pinakamakisig sa amin.  Ikaw ba naman ang sumakay sa libreng ride na ito:   


Pakaway-kaway pa sya dito.

Dito TISOY na sya.

Hahaha.  


Sa maikling panahong nagkasama kami, pakiramdam ko, matagal na kaming magkakakilala.  Instant yung closeness.  Wala ng arte-arte.  Hindi na kailangang magpa-cute.  What you see is what you get. 

DUGUAN moment kaya siguro seryoso sila.


Kaya kung sa susunod at mamarapatin muling makasama ko ang tatlong to, aba walang dalawang-isip at makiki-EB ulit ako.  Lalo na kung LIBRE ulit!


DiamondR, Mokong, Iya_Khin at McRICH


   
At kami ang bumubuo ng... 
UAE U-Bloggers!