Ikaw ba'y nalulungkot at walang makausap? Adik ka ba sa Eat-All-You-Can-Buffet? Willing ka bang dumayo ng Alabang, Muntinlupa? At higit sa lahat, gusto mo bang makipag-EB?
Kung TSEK ka sa lahat ng mga nabanggit, sundin lang ang mga sumusunod na PANUNTUNAN para sumali:
1. I-BLOG ang SAGOT sa tanong na ito: EB with McRICH, BAKIT???
2. I-LINK ang aking blogsite sa inyong entry sa pamamagitan ng phrase na: Ito ang Aking Sagot sa Tanong na: EB with McRICH, BAKIT???
3. Mag-comment sa post na ito with the following details:
- Pangalan or Pen Name
- Titulo ng iyong Blog
- Link ng iyong Entry
- Your E-mail Address
4. Deadline of Entries: 31 January 2012
PRIZES:
1. Limang (5) BIBO bloggers ang pipiliin to have an Eat-All-You-Can-Dinner with The MCs at LESLIE's RESTAURANT, Alabang. Para mas intimate. Para mas madaling makipagkwentuhan habang umaatak tayo sa buffet!
2. GOODY BAG - mawawala ba naman ito mula sa isang OFW? Syempre asahan nyo na ang pamatay na sabon, corned beef, tang, etc.
The five (5) BIBO Winning Bloggers will be notified through e-mail and will be asked to disclose their contact details. Tentative dinner will be scheduled on a Weeknight of FEBRUARY 2012 or as agreed by all EBers.
If in case of a NO-Show, please note that PRIZES are not convertible to CASH. (May ganon? Mahirap na baka mademanda pa ko haha.)
Basta, it doesn't matter kung nagko-comment ka sa mga eklat ko o hindi. O nga-ngayon-ngayon mo lang nalaman ang site ko. Kahit hindi kita kilala e oks lang yon. Ang importante lang talaga saken e yung magiging sagot mo sa tanong ko at kung papasa ang inyong entry sa mga HEBIGAT Judges.
![]() |
HEBIGAT JUDGES Clockwise: ARLEEN (Registered Nutritionist - UST), RACHEL (Industrial Engineer - MIT), ROSE (Registered Nurse - AdU) & AIMEE (Chemical Engineer - MIT) |
O ano na?
EB tayo ha!