Ang buhay, sa opinyon ko, ay parang isang WAVE Lesson.
Sa gitna ng kawalan, makikiramdam. Magmamasid. Magpapatianod. Pilit tatayo sa bawat parating na alon. Babalanse. Tutungo sa dalampasigan kahit ano mang mangyari.
Kung sakali mang bumagsak, tatayo at tatayong muli.
Hindi susuko.
Hindi susuko.
* * * * *
Tatlong beses lang akong nakapag-surfing sa tanang-buhay ko kaya pagpasensyahan na po ang aking porma.
Ansarap lang ma-stoke. Ibang level ang bliss. Pumi-freedom.
1. LA UNION - sumama ko dito sa Travel Factor as a solo traveler. 2nd time kong magtravel with total strangers. Una ko nung sa El Nido.
Tutorial |
Grabbed from Master Jolan |
2. ZAMBALES - solo traveler pa din with Travel Factor. Side trip to ng Anawangin/Capones trip. Malapit kaya dito yung Scarborough Shoal?
3. RIZAL - dahil hindi pwede lumayo, tr-in-y naman sa artificial wave pool. Ansakit sa paa dahil antigas ng semento at yung pintura ng pool nasa talampakan mo na pagkatapos!
Hindi ko alam ang magiging pang-apat pero sana, makapag-wave lesson ulit sa lalong madaling panahon at habang kaya pa ng buto-buto ko.
Bagasbas, Siargao, Baler o Bali --- antay lang ha!