Friday, January 20, 2012

BOURNE L-nido-cy

Excited ako nung nalaman kong ang 4th installment ng Bourne Series ay isu-shoot sa Pinas. 

Iba ang pride dahil lumi-level na tayo sa US, Italy, France, Spain, India, Germany, Russia, Netherlands at Morocco; which were all previous locations of the trilogy.  Ngayon, pagkakataon naman natin para magkaroon ng exposure ang ating Lupang Hinirang sa international scene, yeba!

Medyo bagsak balikat lang.  Parang Slumdog Millionaire ata ang magiging dating ng bansa natin.  Kasi ang mga locations e sa San Andres Market, Navotas Fish Port, Marikina Market, Pasay Rotonda at Jones Bridge.  Medyo may scene rin daw sa MRT Ayala. 

Yung sa Ayala, okay yun.  Atlis makikita nilang we are not-so-provincial-and-barriotic after all.  Yun kasi perception nila sa Pinas.  Kala nila sobrang hirap natin.  Kala nila sobrang left behind.  Di nila alam sobrang ahead nga natin.  Been there.  Done that.  Kaya lang, nag-stagnate.

Tapos nung nalaman kong mag-e-EL NIDO rin sila, napa-yeba ulit ako!  Anganda kaya sa EL NIDO!  Tapos makikita sa BUONG mundo?  PANALO!       


El Nido


Sa palagay ko ang El Nido ang PINAKA sa lahat ng mga beach destinations sa Pinas.  Under rated lang.  Saka mahirap lang marating dahil 5-6 hours ang land travel from Puerto Princesa.  At medyo baku-bako ang daan.  Pero wag ka.  Once andon ka na, sulit naman talaga.     

Babala:  CAM WHORE Ahead.




Topmost LEFT photo (clockwise):  MeTikoy, Louie, Jen & Nonie.  Chinese dude is Joe. 


Ang ganda di ba?

Kaya sa mga bagets na hindi alam kung ano ba ang dapat nilang gawin sa youthness nila, I suggest e libutin na lang ang Pinas.  Medyo magastos lang pero much better kesa mag-umimow o magpakalulong sa kaka-gimik.

And actually ginamit ko lang talaga ang Bourne Legacy para ma-post ang mga old Multiply photos ko hehe.  Pasensya naman. 

At kung nag-skip-read ka, gusto ko rin sanang magpromote ng PAKULO ko.  Click nyo lang at sali na!

42 comments:

  1. Palawan!!!! Naku, kuya.. isa yan sa gustong-gusto kong puntahan. Wala nga lang diretsong byahe from Iloilo-Palawan.. Dadaan pa ata muna sa Manila ang plane. Pero ayos lang. Kelangan lang munang paghandaan.. like sa budget, you know. hehe..

    Hinanap ko nga yung Bourne Legacy story.. yun pala ang connection, ginamit lang. hihi! istrategi! :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo simula ka ng puerto princesa, ganda din don, tapos sunod mo na yung el nido and coron!

      Delete
  2. palawan ang province ko pero di pa ako nakarating sa el nido. haaaist. sa future mararating ko rin yan.

    ReplyDelete
  3. balita ko nagshoot din sila sa naia 3. ganda talaga ng palawan!

    ReplyDelete
  4. wow el nido!!! astig!!!! :D di pa ko nakakapunta dyan hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. punta ka bino, napakaganda talaga, wag magpahuli sa mga foreigners na halos don na nakatira.

      Delete
  5. Ayos ng El Nido. isa ak sa excited sa Bourne L na mapanood.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kelan nga ba showing, siguro late 2012 or early 2013 pa.

      Delete
  6. hintayin ko itong bourne..so far napanood ko na ang trilogy, titingnan ko kung ano hitsura ng Pinas sa Hollywood film.ahehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya excited rin ako mark, di kse natin sure ano treatment nila sa mga shoots na ginawa nila, positive ba or nega, we will know.

      Delete
  7. wow,. ganda ng place. Puerto prinsesa pa lang napupuntahan ko. Yung el nido di ko pa napupuntahan. sana mapasyalan ko na! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. feeling ko mas enjoyable sa el nido, di lang kse accessible.

      Delete
  8. hanep sa segue...heheh! ang ganda naman ng mga pics, ganda talaga ng Palawan kahit sa pics ko pa lang nakita un iba lugar. I've been to underground river though, medyo matagal na nga lang. :)

    abangan ko din bourne, kahit sigurado ko na mas maganda ang pocketbook version nya, kasali Pinas eh. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. a sa puerto, anong verdict mo? ai di ko nabasa pa, oo ganon lagi, mas maganda pag sa book.

      Delete
  9. maganda naman talaga ang pilipinas, ang kailangan ng mga tao disipline at pagmamahal sa bansa-that will be the root for becoming a concerned citizen in keeping our place clean and not looking shabby

    ReplyDelete
  10. korek carla, yun lang ang kulang, at siguro patriotism.

    ReplyDelete
  11. punta din pala sa palawan ang mga kumpare kong mga namahala ng Bourne Legacy?! haha! hanep ganda ng pics, gusto ko ung under the sea..

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat mommy, gusto ko rin yung under the sea pic :)

      Delete
  12. tama ka na dapat imbes na magpaka sira ay i-explore na lang ganda ng Pinas. positive balik nun sa iyo at sa bansa.

    okay lang kuya, nagawan mo naman ang paraan ang pasakalye mo, hehehe swabe nga ang flow. wahahaha.


    mabuhay 'Pinas

    ReplyDelete
  13. Ako din sobrang tuwa ko ng malaman na iso-shoot ang Bourne Legacy sa Pinas. In fact, gusto kong tumalon-talon habang sumisigaw ng "Yehey, Yehey". To think na 30% ng movie iso-shoot sa Pinas. Actually, may explanation yung producer kung bakit sa mga (no offense meant) slums sila magso-shoot. Gusto daw kasi nilang ma-capture yung essence ng place. And according to him, maganda visually ang Manila. Perfect daw sa story ng film. :)

    Excited na kami ng family na mapanood yung movie. Kelan kaya ang showing? Sa US, sa August 3 na.

    ReplyDelete
  14. pangarap ko makapunta ng El Nido kasi di mo aakalaing nasa Pinas ka, and that's makes me feel a vacation to the fullest

    ReplyDelete
  15. nainggit! di pako narating sa paraisong yan

    ReplyDelete
  16. ay na envy ako ateh!! il add that to my list to travel!! thanks for sharing nakaka-engganyo!! hehehe

    ReplyDelete
  17. Kung ako siguro maraming kayamanan, lilibutin ko ang buong Pilipinas. Ang daming magandang lugar sa Pinas na talagang world class.

    At panonoorin ko ang Bourne Legacy, by hook or by crook. Iniisip ko baka mapatalon ako sa tuwa pag nakita ko ang Pilipinas sa big screen.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kahit di naman sobrang yaman pwede preng lumibot sa pinas!

      Delete
    2. Oo nga tama ka. Naisip ko kasing paglibot sa Pinas yung one time big time lahat. Dadaanin ko sa ipon ipon tapos gala. Tas ipon ulit tapos gala nanaman. Hehehe.

      Delete
  18. hahah gusto ko sanang makapunta sa palawan./. pero mas trip ang all expenses paid sa EB.. ahahha

    ReplyDelete
  19. gusto kong makapunta dyan sa El nido!!

    uy namiss kong magbasa dito ah!!

    ReplyDelete
  20. ayun ikaw na ang nag el nido.. Ang sarap nga sanang libutin ang buong pilipinas kaso ang mahal. nakakalungkot na kung minsan nauuna pa ang mga taga ibang bansa na marating ang magagandang lugar kesa sa ating mga pinoy. bitter lang hehe.. poor kasi.

    Pero I'm proud to be pinoy at talagang maraming magagandang lugar sa atin.

    I'm excited to watch bourne legacy syempre masarap makita ang familiar places sa isang Hollywood film.

    Next give away mo trip for two to el nido.. Haha.. joke lang. :)

    ReplyDelete
  21. oo puro foreigners don actually, kya wag n magpahuli :)

    ReplyDelete
  22. ayos atleast may el nido .. bawi.

    hays ang sarap mg unwind sa mga ganyang lugar.

    :D

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?