Andami na namin ngayon dito sa UAE yey!
At sa totoo lang e hindi pa rin ako makapaniwala kapag nakikita ko ang mga kapatid namin na nagkwe-kwentuhan o naghahagikhikan o basta andon lang sila. Napapangiti lang ako lagi ng puro at wagas. Parang adik lang. Parang Ako Budoy.
Malayo kasi ang ganitong scenario sa kung ano kami ng Mrs ko dati. Tinginens nyo:
Dati kasi, nakiki-share lang kami ng kwarto with other couples. Nagtitipid para mas maraming ipon. Ang importante lang naman kasi sa amin e comfort at yung may matutulugang maayos. Defensive? Nakiki-PARTITION. Literal na dingding lang ang pagitan. Konting kibot, konting kilos, dama na agad ng kabilang-ka-partition-mo. Pati usap, dapat mahina.
Musta naman nung nagkaroon kami ng diskusyon ni Mrs? Alangan namang sa labas kami umeksena. Syempre don kami nagtuos sa partition namin. Ayun, silent diskusyon. More on facial expression lang na diskusyon. Taas ng kilay. Lisik ng mata. Hand gestures. Tiim-bagang. Haha. Kaya nyo yon? Hindi kasi pwedeng umeksena. Maririnig ng kabila.
Kaya ngayong lumipat na kami sa room of our own, natatawa na lang kami ni Mrs sa tuwing maaalala namin ang diskusyon moment namin noon. Hay, those were the days.
At since andito na sila, pwede na ulit kaming gumala!
So far, heto ang mga kung anik-anik na ikot-ikot, pigging-out at iba pang adventures namin simula nung dumating si Rachel nung September at nung dumating sina Rose & Arleen nung October.
Corniche (Abu Dhabi) |
Aquaventure, Atlantis (Dubai) |
Ngayong andito na sila at lagi na kaming masaya, napapaisip tuloy kami sa mga plano naming mag-asawa.
Why not Caleb Rich?
gnun partition room? buti naman nakakuha na kau ng sarili niyong room, hehe! ganda ng mga pictures!!! love ko ung naka-abaya si MRS, happy new year McRich..
ReplyDeleteuy pare magkano upa nyo dyan? ayus na yang ganyang partition..maluwang naman pala...
ReplyDeleteayos! buti pa sila magkakasama na :)
ReplyDeletegusto ko rin sana dalhin pamilya ko d2 sa Palau kaso parang probinsya eh, di pa maayos ang education.
grabe andaming pagkain tas parang ang healthy lusog ng lahat :)
ReplyDeletehehe happy new year sir!
talaga namang very detailed ang kwento at nakakatuwa at nakakaintriga ang partition story chardy.naalala ko ang kwentuhan namin ni aimee at sheila about sa inyo if ever meron kayong diskusyon mag asawa.hehe but thank God dahil meron na kayong kasama at meron na kayong sariling room,naks naman dina puro gesture and making faces if ever meron usapan seryoso.hehe you are blessed! :-)
ReplyDeleteganda ng unit niyo.
ReplyDeletea one big happy family.☺
ReplyDeletewow naman congrats nakalipat na kayo at mas congrats kasi kasama mo na sila =D ganda ng pics at mukhang ang saya saya nyo talaga =D
ReplyDeletehaha nakakatawa naman yung pagtutuus na lisik at taas lang ng kilay hihihi, ang mahal kasi ng sariling room di ba kaya partition nalng mabuti at magkasama kayu ni misis
ReplyDeleteMas maayos pa ata 'yung kuwarto niyo kesa sa kuwarto ko. LOL
ReplyDeletehappy! naku nagsama sama ang mga mahihilig gumala!at abangan ang isa pang napakahilig din gumala na ayaw ng pumasok sa gate ng bahay... sino kaya sya? ang aming bida! Pinagpepray na :)
ReplyDeleteoo nga hirap ng umaatikabong diskusyunan sa partition, whew!
ReplyDeleteNaku, nagsama sama ang mahihilig gumala, at abangan ang isa pang mahilig din gumala na ayaw ng pumasok sa gate ng bahay, ang aming bida!
Pinagpe-pray na! :D
happy new year ganda ng unit, congrats
ReplyDeletePartition room . wow.. mukhang masaya.. Buhay na buhay ang mga pics nyo.. Ang galing.. ang gaganda pa ng mga kwarto. :)
ReplyDeletekakatuwa naman yung pag-aaway na ganun..
ReplyDeleteparang ang hirap mag-diskusyon ng ala salita at puro facial expressions lang, parang kakaloka...hehe!
ReplyDeleteang saya saya nyo lang...
ReplyDelete:)
hello sir mcrich :)
hindi ko alam kung kakayanin ko 'yung malayo ako sa pamilya ko at kay dude pero tingin ko naman, kaya ko. para rin naman sa kanila 'yun eh.
ReplyDeletekaya nga natuwa ako sa pekpektyurs mo ser kasi magkakasama na kayo ng misis at mga kapatid mo. congrats sa bagong room. iniimagine ko 'yung diskusyon niyong puro facial expressions lang, natawa ako. parang pigil na pigil kasi; hindi mailabas 'yung emotions. lol!
pinuyir ser mcrich! XD
Hahaha! natawa naman ako.. hindi talga pwedeng umeksena kasi maririnig sa kabila. hihi. :P Pero tama rin yan, diskarte. partition room.. para makatipid din. :)
ReplyDeleteDaming food!!!! Dami ding gala! :D
happy 2012 po! :D
Awww, ang hirap nga nun no? feel na feel mo na umeksena pero pigil ka pa din. Anyway, hindi lang naman kayo ang may ganyang story sa middle east and bilib ako sa tyaga nyong mag-asawa. At dahil matyaga kayo, look at you now? Happy and papasyal pasayal na lang. hehe.. I love your stories. I love the way you write your post... keep it up.
ReplyDeletewow kabayan! ang saya-saya nyo naman! ang dami nyong gimik at trips! sama naman ako next time hihihi!
ReplyDeletenaku matindi ata yung pagtitiis nyo sa partition dati. ako nga dati may kapit kuwarto, hirap na talaga. pigil pati utot. hehehe
ReplyDeletehappy new year nga pala! mabuti at naging mas merrier ang mga bagong kabanata ss inyong mag-asa dyan. God Bless po!
ReplyDeleteAlam ko yang feeling na ding-ding lang ang pagitan. Kami nga e, kurtina lang ang pagitan e, pero sa awa ng Diyos kahit kakarampot ang kwarto namin ngayon, kaming dalawa lang at solo na namin.
ReplyDeleteKayo na ang hindi gala!
Kelan kaya kita makakasalubong sa daan kasama si Mrs?
ang saya naman :D at ang ganda ng mga photos :)
ReplyDelete@mommy-razz - andito na po kasi ang mga hebigats!
ReplyDelete@engr moks - 1300 pre!
@LordCM - dama ko, malapit na rin kayong magsama-sama!
@zyra - haha sumbong kita :)
@marz - kwentuhan tayo pag uwi :)
@empi - salamat!
@albert einstein - thanks!
@superjaid - ansaya na talaga :)
@gasoline dude - talaga? hehe :)
@mcaim - caleb rich yey!
@cna training center - naks salamat!
@icarus - try nyo minsan, kakatuwa talaga :)
@talinggaw - sinabi mo pa!
@jay rulez - hello jay!
@l - laking sakripisyo pero dapat kayanin, salamat sa dalaw!
@leah - oo tipid tipid talaga para makauwi na sa lalong madaling panahon :)
@mayen - naku, salamat naman at nagustuhan mo ang mga posts ko :)
@jowyow - uy parang ex-ofw a!
@hitokirihoshi jr - haha pati utot talaga, salamat :D
@ayie - game, eb tayo!!
@bino - salamat :)
sino pa gustong magpakuha sa abu dhabi?
ReplyDeletetumatanggap kami ng 2 gives, package for 1 or 2 months tourist visa plus accomodation plus printing ng CV hehehe
negosyo na pala :D why not?
from Mcaim :D
haha magtayo na tayo ng travel agency!
DeleteIts meaningful and somehow sharing this to readers like me, makes me want to surf the web to be able to get more wonderful ideas.Thank you for posting this. Thank you Angeles City Pages
ReplyDeletethanks for dropping by hilda!
Deletedaming gala.Wohh.Di ko mapigil ang tawa sa silent action na banyayan hahahha.Ibang klase yan siguro pagkatapos lalabas kayo para tumawa lang sa pinagagawa niyo. Panalo yan.
ReplyDeleteoo parang ganon na nga, buhay mag-asawa :)
Delete