Showing posts with label Atlantis. Show all posts
Showing posts with label Atlantis. Show all posts

Friday, January 6, 2012

PARTITION Room

Andami na namin ngayon dito sa UAE yey! 

At sa totoo lang e hindi pa rin ako makapaniwala kapag nakikita ko ang mga kapatid namin na nagkwe-kwentuhan o naghahagikhikan o basta andon lang sila.  Napapangiti lang ako lagi ng puro at wagas.  Parang adik lang.  Parang Ako Budoy. 

Malayo kasi ang ganitong scenario sa kung ano kami ng Mrs ko dati.  Tinginens nyo:


Partition Room

Dati kasi, nakiki-share lang kami ng kwarto with other couples.  Nagtitipid para mas maraming ipon.  Ang importante lang naman kasi sa amin e comfort at yung may matutulugang maayos.  Defensive?  Nakiki-PARTITION.  Literal na dingding lang ang pagitan.  Konting kibot, konting kilos, dama na agad ng kabilang-ka-partition-mo.  Pati usap, dapat mahina.

Musta naman nung nagkaroon kami ng diskusyon ni Mrs?  Alangan namang sa labas kami umeksena.  Syempre don kami nagtuos sa partition namin.  Ayun, silent diskusyon.  More on facial expression lang na diskusyon.  Taas ng kilay.  Lisik ng mata.  Hand gestures.  Tiim-bagang.  Haha.  Kaya nyo yon?  Hindi kasi pwedeng umeksena.  Maririnig ng kabila. 

Kaya ngayong lumipat na kami sa room of our own, natatawa na lang kami ni Mrs sa tuwing maaalala namin ang diskusyon moment namin noon.  Hay, those were the days.

At since andito na sila, pwede na ulit kaming gumala! 

So far, heto ang mga kung anik-anik na ikot-ikot, pigging-out at iba pang adventures namin simula nung dumating si Rachel nung September at nung dumating sina Rose & Arleen nung October.


IKEA with Rachel (Abu Dhabi)
 
Chili's with Rose and Arleen (Abu Dhabi)

TGI Friday's (Abu Dhabi)
Corniche (Abu Dhabi)
Grand Mosque (Abu Dhabi)

Burj Khalifa, Burj Al Arab & Dubai Mall (Dubai)


Aquaventure, Atlantis (Dubai)


Ngayong andito na sila at lagi na kaming masaya, napapaisip tuloy kami sa mga plano naming mag-asawa. 

Why not Caleb Rich? 

Thursday, November 17, 2011

Let Me EXPLAIN

Maraming nagtatanong

May tatlong readers na nagtanong

(Okay, magpapakatotoo na nga ko dahil hindi ako sure kung meron talagang nagbabasa ng mga blogs ko at ultimo misis ko e busy.)

Kung sakali lang naman at gusto mong itanong, gusto ko sanang ipaliwanag kung bakit puro old gala photos ang mga pino-post ko.

Ganito nga kasi yon.

Una, napansin ko lang na panahon na para mag-iba ako ng platform sa pagba-blog.  Medyo limited na kasi ang pwedeng gawin sa Multiply.  Old school na old school na.  Nahahalata tuloy lalo ang edad ko hehe. 

Pangalawa, marami rin akong gala photos na nasa Multiply din.  E natatakot akong maging mala-Friendster ang Multiply kaya minabuti kong hanapan ng panibagong tahanan ang mga sweet memories ng aking bagets life.  (Tamad pa naman akong magtransfer ng photos, yung sa Friendster ko nga hinayaan ko na lang hehe.)

Ngayon, sa pagsali ko sa PEBA, napansin kong lahat na lang ng nominees e either naka-blogspot o naka-wordpress o may sariling domain (e hindi naman ako ka-yamanan).  Kaya naisip ko tuloy na magsimula na rin ng panibagong kabanata sa buhay ko.

Kaya eto, taran, Travel Blog!


Aquaventure, Atlantis

Syempre, eemo pa rin ako paminsan-minsan, maglalagay pa rin ng mga hinaing/saloobin/rants/kuro-kuro na sa palagay ko e hindi naman nalalayo sa adhikain ng blogsite ko.

Ang buhay naman kasi e isang malaking adventure. 

Lahat tayo, nagtata-travel lang sa mundo. 

At sa bawat yugto ng buhay natin, maraming lessons, maraming picture-picture, maraming facets. 

Minsan masaya, minsan naman, mas masaya.

Pero kahit ano pa man ang magiging rason ko sa bawat ipo-post ko, sana, makapagdulot ito ng inspirasyon, makapagpasaya, at makapagbigay ito ng rason sayo na ituloy lang ang buhay.

Tuloy lang ang lakad.  Tuloy lang ang takbo.  Kung kinakailangan tumalon, talon lang.  Kung kailangang lumangoy, langoy lang.  Kung hindi talaga kaya, manghiram ka na lang ng salbabida.

Kasi ang totoo, we were ALL created NOT to merely EXIST; but to LIVE the full LIFE that we HAVE.

Kaya:

MagBulakbol, mag-Excursion, Gumala, magLamyerda, mag-Outing, at higit sa lahat, i-enjoy lang ang Travel ng Buhay. 

Samahan mo ko!