Nagtatampo ang MRS ko. Hindi ko raw kasi na-appreciate yung regalo nya saken.
Ikaw. Sa palagay mo. Kung bibigyan ka nito. Hindi mo ba to magugustuhan?
Ikaw. Sa palagay mo. Kung bibigyan ka nito. Hindi mo ba to magugustuhan?
Sabi pa don sa envelope, BIG things come in SMALL packages. Kaya naman pala ganon ang entrada. Groupon pala ng BB Playbook ang nasa loob.
Pero alam nyo, hindi ako don sa laman ng envelope na-excite. Mas nakatawag-pansin pa nga sakin yung nakasulat sa envelope.
Thank you raw dahil AKO raw ang HUSBAND nya. At thank you raw dahil hindi nya lang daw ako basta husband, kundi, BESTFRIEND pa.
Kinilig ako. At isa pang KILIG. Na-touch ng sobra ang puso kong in-ECG kamakailan para sa aking offshore rig license. Oo, walang kinalaman ang license ko sa istorya. Wala lang kasi akong maisip na adjective for my heart hihi.
Di ba? Kumbaga sa friendship, pag sinabing BESTFRIENDs na kayo, ibig sabihin, to the highest level na ang friendship nyo.
Yung tipong wala nang lihiman. Alam nyo kung sino ang crush ng isa't isa. Tapos ipi-FLAMES nyo ng sabay. Then iho-HOPE or pwede ding i-CAMEL.
Pati favorite color, book, author, singer, actor, actress, director, cinematographer at screenplay ay dapat alam nyo. Pati birthday, birthplace, birthmarks, zodiac sign, motto at definition of love o crush e dapat saulado nyo naman. At higit sa lahat ay kaya nyong sagutin ang what, where, how, why, when at please-expound-in-one-word ang kanyang first kiss.
Yun yon. The PACT of being BESTFRIENDs.
Kaya nung nabasa kong BESTFRIEND nya na ko, yii, answeet lang.
Kaya nung nabasa kong BESTFRIEND nya na ko, yii, answeet lang.
Very vivid pa rin saken kung pano tayo unang nagkakilala. Andun ka. Sa 3rd floor. Aantay pumasok sa lab. Nag-iisa lang. Papa-cute. Alam kong wala ka pang masyadong friends nyon. Kaya inepalan kita. At nagpa-cute rin ako.
Buti na lang ginawa ko yon. Dahil, it was the BEST decision I have made in my entire life. EVER.
As in.
Kaya kung tatanungin mo ko, kung sino ang BESTFRIEND ko doon? Ang isasagot ko, SYEMPRE IKAW LANG!
Buti na lang ginawa ko yon. Dahil, it was the BEST decision I have made in my entire life. EVER.
As in.
Kaya kung tatanungin mo ko, kung sino ang BESTFRIEND ko doon? Ang isasagot ko, SYEMPRE IKAW LANG!
HAPPY 2ND YEAR WEDDING ANNIVERSARY BE!