Masama bang aminin na sobrang saya ko?
Na napatalon ako ng paulit-ulit (habang lagpas-tenga ang ngiti), nakipagkamay at bumeso sa mga kapatid, at yinakap si misis ng walang kasing higpit (habang tumatalon pa rin).
Dahil kulang pa ang aking pagmu-multi-task noong mga oras na yon, nagthought bubble naman ako: YES, lumi-level na ako kina Jim Paredes (2008), Noslen Santiago (2009) at Danilo Jacob (2010). . . Richard Macarubbo (2011), naks.
AKO na! it's ME already!
Tapos, either mapapaltan na ang aking cellphone, o kaya'y, meron na kaming bagong flatscreen TV, yey!
Pagtawag ko kay Inay, sabi nya wala daw cellphone o flatscreen TV. Maling-akala pala. Mga raffle items lang pala ang mga yon. Pero ang mahalaga, wagi daw kami, kaya yahoo pa rin!
AKO pa rin! It's ME still!
Sa lahat ng bumubuo ng PEBA, maraming salamat po sa dalawang parangal na iginawad nyo sa akin (1st Place - OFW Blogger Division at 3rd Place - NOKIA Essay/Blog Writing Contest). Ang totoo, natakot ako. Baka kasi hindi pa handa ang mga hurado sa paraan ko ng pag-atake sa paksa. Hindi kasi ako magaling sa mga highfalutin words. Pati na rin sa mala-baul na tagalog. Tapos, kung hindi nyo napanood ang ilan lang sa mga na-quote kong pelikula o programa sa TV, paniguradong hindi na kayo makaka-relate sa mensahe ng isinulat ko.
Sa lahat ng mga BLOGGERS na lumahok sa taong ito. Binasa ko po ang bawat entry nyo, at damang-dama ko po ang PUSO sa bawat salitang binitawan nyo. Congratulations at sana, ma-meet ko kayong lahat in the future!
Sa lahat ng aking kapamilya, kapuso, kapatid, kaibigan, kabalitaan, kakampi, kakosa at ka-bagang, maraming salamat po. Thank you sa inyong pagbabasa, pagcomment, pag-like, pag-share ng link at pagboto. Isang malaking utang na loob ito na aking tatanawin sa buong buhay ko. Promise.
Sa aking INAY. Alam kong sanay ka nang umakyat ng entablado pero hindi ko kinaya ang pagkaway-kaway mo. Suma-Shamcey Supsup lang? Kulang na lang, tsunami walk.
|
1st PLACE - OFW BLOGGER DIVISION
Shamcey MAMA Tsup-Tsup |
|
3rd PLACE - NOKIA Essay/Blog Writing Contest
Grabbed from Pete Rahon of PEBA |
Sa aking irog na si AIMEE. My PRECIOUS. You COMPLETE me. You JUMP, I JUMP, remember? Salamat sa suporta at pagproof-read ng aking mga entries. Salamat din sa walang sawang pag-ibig sa akin. Warts and all.
Sa iyo CALEB. The LATTER will be greater than the rest! Receive!
Sa lahat ng mga OFWs. Especially sa aking dalawang kapatid, na sina Rachel at Rose, at pati na kay Itay. Sana ibahin na natin ang style. Given na kasi na mahirap maging OFW. At nung pumirma ka ng kontrata, automatic na pumirma ka na rin sa lahat ng sakrispisyo, hirap, at kung anu-ano pang mala-MMK na moments na mangyayari sa yo.
Tandaan mo lang na Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maaagawan ka, lumaban ka.
Kaya focus lang. Steady lang sa goal. Never forget what you came there for. Mag-IPON. Maging positibo sa lahat ng bagay. Being positive is not just a state of mind. It is FAITH. That as you continue to put your trust in the Lord, He will give you the BEST future that He promised.
At kay BRO, na naging dati ring overseas worker and expat, To YOU Be the Glory and Honor Forever!
* * * hitting-two-birds-with-one-stone * * *