Nag-date kami ni Mrs last Thursday night. Matagal-tagal na rin kasi kaming walang gala. Huling nood pa namin e Harry Potter 7 Part 2. Mga ilang buwan din kaming nagtorrent for the latest movies. Medyo nagtipid kami dahil kinuha nga namin ang aming 3 siblings from Pinas. At ngayong meron na silang trabaho, medyo nakakahinga na kami ng mas maluwag. Mas relaxed na.
Habang nanonood kami, bigla akong nagkaroon ng flashback. Flashback nung 1st time kong nanood ng sine sa UAE. Medyo na-praning lang ba ko noon. Biruin mo naman, sa kadiliman ng sinehan, biglang may lumitaw na naka-full-white robe! Kala ko white lady. Gusto ko na sanang sumigaw at tumakbo palabas. Later na-realize ko, nasa Mid East nga pala ko. At kumusta naman, ang white lady may bigote at balbas?
Haba ng pasakalye no. Actually, ang gusto ko lang sabihin e nanood kami ng Mission Impossible: Ghost Protocol. At naka-relate lang dahil may mga scenes don ng Burj Khalifa (World's Tallest Building).
Biruin nyo, si Tom Cruise, nag-aadik sa pag-scale ng building? Kulang na lang e sapot. Pwede na syang pumalit kay Spiderman.
![]() |
| from Google |
![]() |
| from Google |
Tapos, gusto ko lang i-post ang mga photos ko nung gala ko dati sa Dubai.
![]() |
| Burj Khalifa |
![]() |
| Dubai Metro - Burj Khalifa Station |
Eto naman yung pinaka-recent with the siblings nung pinasyal namin sila.
![]() |
| Sobrang lapit namin kasi. Umuulan pa. |
![]() |
| McAIM. |
Kitam. Architectural wonder talaga ang Burj Khalifa. It's a sight to behold even from afar or from an arm's reach. Kaya kung gusto nyo ring ma-experience ito at mamangha sa mga stunts, nood na ng Mission Impossible.
Sulit pwamis!






