ang pinakapaborito kong Humor blogger sa kalakhang blogosperyo. In fact, sa sobrang kapaborituhan ko sa kanya e kinarir ko ang pagbabasa ng mga posts nya sa Wickedmouth, (simula sa kauna-unahang post hanggang sa kasalukuyan). Peksman kahit magka-quiz bee pa hehe.
Sobrang laugh trip naman kasi.
Yung tipong mapapahagalpak ka ng tawa tapos mapapatingin sa paligid kasi baka akalaing baliw ka. Ikaw ba naman kasi ang humalakhak mag-isa.
Minsan naman may kasama pang luha. Tears of joy. Gumaganong level.
Ang galing nya lang kasing i-turn ultimo ang mga di kagandahang pangyayari sa buhay nya into something funny. Without even trying.
Nakakatawa na, magaling pa ang pagkaka-kwento, at madali pang intindihin ang bawat post, kaya PALAKPAKAN!
* * * * *
Para kumpletuhin na rin ang the-Wickedmouth-experience, pasyalan na rin natin ang hometown ni Glentot... ang BOLINAO.
Sa palagay ko, sobrang underdog ng Bolinao, kasi pag sinabi mong Pangasinan, lagi na lang Hundred Islands ang agad na tumatatak. Don't get me wrong, maganda din ang Hundred Islands pero Bolinao has a lot more to offer na hindi nakakaumay. Ibang level ng adventure kumbaga.
Tulad nitong PATAR Beach. Kung titingnan mo, parang napaka-mahinahon. Mapayapa. Parang chill lang.
Pero try mong lumapit, sige lapit lang.
Kulang na lang pati kaluluwa mo e iwasiwas at ihiwalay sa katawang-lupa mo. Parang may poot. Ayaw magpa-swimming?
Ibang adventure naman ang hatid ng UP Bolinao.
Nalaman kong marami pa rin palang may busilak na puso at ginintuang kalooban, na nag-aalaga sa ating mga likas na yaman, para sa susunod na henerasyon.
|
Giant Clams |
|
Seaweeds |
|
Sea Urchin |
Kung nagsawa ka naman sa kahit anong may kaugnayan sa beach, aba e di mag-Caving ka naman!
Pasok na sa Enchanted Cave.
At lusot na sa kailaliman ng lupa para ma-experience ang malinaw, malamig at malinis na tubig ng kweba.
Sabi ng tour guide namin na European, biruin mo European talaga (binili nila yung beachfront property kung saan kami nagstay, hanyaman, at korek, in English ang tour, buti na lang Best in English si Leng nung elementary kaya may interpreter kami), meron daw movie-ng ginawa dito sa Bolinao Lighthouse. Nalimot ko lang yung title.
Dito pwede ang eksenang mga ganito.
|
Kodak-kodak with Ma, overlooking the Bolinao shoreline |
Sa Villa Carolina kami nag-stay kasi nakakuha kami ng magandang discount. (Di ko na matandaan kung pano ko nalaman na ang kapatid ng may-ari, na asawa nung European, e Mapuan.)
Dito, tunay na mahinahon ang dagat. Excellent for beach-bumming at langoy-langoy-aso.
Kitam. Sobrang adventure-packed ng Bolinao and it is not-your-usual island hopping getaway. Unique ang mga tourist spots. Mura lang ang bilihin. Mababait pa ang mga tao.
At ito siguro ang dahilan kung bakit andaming kwento ni Glentot.
BOLINAO, the TU-TUT of Pangasinan.
(Alamin nyo na lang sa Wickedmouth kung ano yung TU-TUT!)