Saturday, November 19, 2011

Si DONG

ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan sa whole-wide-world.  

Magaling syang kumanta:  Miyembro ng church choir.  Magaling magvideoke.  Minsan na ring na-invite sa isang wedding para bumirit ng mga pa-sweet songs.  Kung meron ngang kantahan sa lamay, sa palagay ko, papatok din sya don.

Magaling syang sumayaw at umarte:  Mga prerequisites sa aming Drama Club (kung saan sya ang main actor).  Alam ko nga, hanggang ngayon, bida-bida sya sa mga MTVs na ginagawa nila, as their special presentation, sa work nya.  Syempre idea nya rin yon.

Magaling sa arts:  sa pagpipinta, pagdo-drowing, pagle-lettering, letter-cutouts at ultimo electrical wire e hindi pinalagpas para isabuhay ang malikot nyang pag-iisip. 

Kaya DONG, Oo IKAW Na, IKAW NA ang ARTIST!

* * * * *

Nung high school, sa isa sa aming mga goodtimes, napagtripan lang naming magbugbugan.  E biglang dumating yung Values teacher namin.  Ang ginawa ni Mr. Values, binalandra sya sa blackboard.  Pagkaplakda nya sa blackboard, nakita ko na lang syang bumagsak ng padausdos.  Parang Pinoy Action Movie lang hehe.

Ending, naghumagulhol kaming dalawa sa Principal's office haha.   

Fickle-minded si Dong.  Ganon raw talaga ang mga maarte artists.  Paiba-iba ang isip.  Pag gusto nya ang isang bagay, todo-bigay sya.  Pero pag nawalan na ng interes, wala na, ba-bye na.  Pero kahit na hindi mo mawari ang takbo ng pag-iisip ni Dong, isa syang SUCCESS Story:

Pabalik-balik sa Tate, palibot-libot sa Europe, may bahay at lupa na sa Pinas, may Dollar-Peso-Euro accounts, at mabait na anak-kapatid-kaibigan.  Pinatunayan nyang ang success ay bunga ng sipag-tyaga-talento at hindi kung ano pa man ang natapos mong kurso.

Kaya Dong, kung san ka man andon ngayon, hope, lagi kang masaya. 

Kasi, miss ko na ang sangkaterbang tawanan natin.  Miss ko na ang bilyar-bowling-bar natin.  Miss ko na ang pagtambay natin sa bahay nyo, sa bahay nina Jason, sa bahay nina Lai, o kaya sa bahay namin.  Miss ko na ang pagkain natin ng lugaw at tokwa sa PRC.

Hay miss na kita!

* * * * *

Ito ang huling gala ko with Dong nung single pa ako.  Kasama rin namin ang mga kapatid ko at ilang kaibigan.  Nagcamping kami sa Taytay Falls sa Quezon Province.



Patayan lang sa pagtalon-talon/lakad sa mga bato.


Andaming nagka-camping nung panahong yon dahil holiday yata.  Di ko na matandaan kasi nung 2008 pa to.  At sa kakahanap namin ng pe-pwestuhan, napunta kme malayo sa falls.  Mas okay pa rin namin dahil solong solo namin yung lugar at okay na rin namang liguan.



Best Camping Food:  Lumpiang Shanghai, KAW Na Ate!



Pwede na rin namang wag na pumunta sa falls pero syempre yun nga ang pinunta namin don.  Kaya talon-lakad kami ulit na parang tipaklong.







Kung pamatay ang pagpunta, mas pamatay ang pauwi.  Ligpit-ayos-dala ng mga basura.  Walang dapat iwan kundi mga bakas ng paa at dalhin pauwi ang mga magagandang alaala.

Balik ulit sa tipaklong mode.







Kaya pagdating sa tuktok, di namin napigilang mag-Pancit Habhab!


This is How to Eat Pancit Habhab.

Si DONG.


Dong sabi pala ni Caleb, Merry Chritmas daw Ninong, haha!  Hanggang sa muli nating pagkikita, ingat ha!

Thursday, November 17, 2011

Let Me EXPLAIN

Maraming nagtatanong

May tatlong readers na nagtanong

(Okay, magpapakatotoo na nga ko dahil hindi ako sure kung meron talagang nagbabasa ng mga blogs ko at ultimo misis ko e busy.)

Kung sakali lang naman at gusto mong itanong, gusto ko sanang ipaliwanag kung bakit puro old gala photos ang mga pino-post ko.

Ganito nga kasi yon.

Una, napansin ko lang na panahon na para mag-iba ako ng platform sa pagba-blog.  Medyo limited na kasi ang pwedeng gawin sa Multiply.  Old school na old school na.  Nahahalata tuloy lalo ang edad ko hehe. 

Pangalawa, marami rin akong gala photos na nasa Multiply din.  E natatakot akong maging mala-Friendster ang Multiply kaya minabuti kong hanapan ng panibagong tahanan ang mga sweet memories ng aking bagets life.  (Tamad pa naman akong magtransfer ng photos, yung sa Friendster ko nga hinayaan ko na lang hehe.)

Ngayon, sa pagsali ko sa PEBA, napansin kong lahat na lang ng nominees e either naka-blogspot o naka-wordpress o may sariling domain (e hindi naman ako ka-yamanan).  Kaya naisip ko tuloy na magsimula na rin ng panibagong kabanata sa buhay ko.

Kaya eto, taran, Travel Blog!


Aquaventure, Atlantis

Syempre, eemo pa rin ako paminsan-minsan, maglalagay pa rin ng mga hinaing/saloobin/rants/kuro-kuro na sa palagay ko e hindi naman nalalayo sa adhikain ng blogsite ko.

Ang buhay naman kasi e isang malaking adventure. 

Lahat tayo, nagtata-travel lang sa mundo. 

At sa bawat yugto ng buhay natin, maraming lessons, maraming picture-picture, maraming facets. 

Minsan masaya, minsan naman, mas masaya.

Pero kahit ano pa man ang magiging rason ko sa bawat ipo-post ko, sana, makapagdulot ito ng inspirasyon, makapagpasaya, at makapagbigay ito ng rason sayo na ituloy lang ang buhay.

Tuloy lang ang lakad.  Tuloy lang ang takbo.  Kung kinakailangan tumalon, talon lang.  Kung kailangang lumangoy, langoy lang.  Kung hindi talaga kaya, manghiram ka na lang ng salbabida.

Kasi ang totoo, we were ALL created NOT to merely EXIST; but to LIVE the full LIFE that we HAVE.

Kaya:

MagBulakbol, mag-Excursion, Gumala, magLamyerda, mag-Outing, at higit sa lahat, i-enjoy lang ang Travel ng Buhay. 

Samahan mo ko!

Saturday, November 12, 2011

DOS Palmas

Ito ang most anticipated part ng aming trip. 

Syempre gusto lang ma-enjoy ang mamahaling resort na to na usually e mga mayayaman at mga artista at mga gustong ma-Abu Sayyaf lamang ang nakaka-experience.





Hindi naman kami nadismaya dahil maganda naman pala talaga ang Dos Palmas.  In fact, kung meron din lang kayong extra money at gusto nyo talagang magrelax, pwedeng-pwede nang hideaway ang island resort na ito.

Maganda ang facilities:


Stilt room for Php 24,000 per night.

Eto naman, Php 8,000 per night, pwede.


Inside.

Cabana for relaxation.  Pwede rin pa-massage dito!

Swimming pool for Php 500 per day.

Banana boat.

Si Rachel na adik sa kayak.


Pamatay din ang kanilang snorkeling area.  Alagang-alaga dahil buhay na buhay ang mga corals at maraming makukulay na sea creatures.  Sakay lang ng lantsa at andon ka na.





Giant clam.

 


Pero eto talaga ang hindi namin makakalimutan.  Sobrang sarap ng food!  Andaming choices, sariwa ang mga seafoods, talo pa ang mga mainland restaturants sa sarap ng luto!

Sobrang sulit ng binayad namin kahit sa pagkain pa lang and actually jumerbs pa ko para masulit talaga ang kain.  Pagkajerbs ay kain ulit haha.





Kaya kung sakaling magagawi kayo ng Puerto Princesa (Palawan), wag kalimutang magDos Palmas!

Tuesday, November 8, 2011

EKSENA sa IMMIGRATION

Papunta ako ng Abu Dhabi nang maranasan kong mainterogate ng bonggang-bongga.  Pakiramdam ko, ultimo kaliit-liitang himaymay ng cells sa katawan ko e nabutingting. 

Yinurakan ang pagkatao, tinapak-tapakan ang self-esteem, inalipusta, nalait, nasigawan, hay sobrang sakit talaga:

Immigration Officer:  San ka pupunta?
McRICH:  Sa Abu Dhabi po.
Immigration Officer:  Anong gagawin mo don?
McRICH:  Magta-travel po.
Immigration Officer:  Bakit marami ka bang pera?
McRICH:  Tama lang po.
Immigration Officer:  Bakit saan-saan ka na ba nakapunta?

Inisa-isa ko sa Immigration Officer ang lahat ng mga napuntahan kong lugar sa buong buhay ko at kinarir pa further ang question and answer portion. 

Later, naisip ko na baka naman suspek ako sa isang krimen kaya nya ako gina-ganito.

Immigration Officer:  Gaano kahaba ang Palawan Subterranean Underground River?

Huwaaat? 

Kahit naman siguro isang libo at isang tuwa akong pumunta sa Palawan Subterranean Underground River, at nasa matino akong pag-iisip, e hindi ko pag-aaksayahang alamin ang kabuuang haba nito.

Buti kung nag-aaral pa ko at ito ang paksa sa Social Studies baka pa.

Besides, ito ba ang kasagutan sa kahirapan?  Bababa ba ang crime rate ng Pilipinas kung iri-recite, with feelings, ng bawat mamamayang Pilipino ang kabuuang haba ng Palawan Subterranean Underground River?  Masu-solusyonan na ba ang kumakalat na dengue sa bansa with this travel fact?    

Ewan ko sa yo Sir.

Basta pagtapos ng eksenang ito with the Immigration Officer, naging gatuldok ang tingin ko sa sarili ko. 

Pero pumasok ako sa boarding area ng may NGITI sa LABI, tagumpay hehe!


 * * * * *

This tour will consume, almost, your whole day. 

Sa dalawang beses ko kasing pumunta don, hindi pa rin ayos ang daan.  May mga areas na bako-bako at maputik (depende sa season syempre) kaya ihanda mo na ang katawang-lupa mo.


Stop-over bago mag-Sabang Port.
Kailangan mag-register dito.

Old Sabang port.


Ito ang lumang Sabang port.  Nung bumalik kasi ako nung 2009, maayos na ito.  Wala na yung mga bato-bato sa paligid.  Parang naging mala-breakwater sa CCP.





Ito ang pathway papunta sa bunganga ng kweba. Parang nature-trail na rin where you can find free-roaming animals like monkeys and monitor lizards.





Ang mga ka-batch naming mga inglesero't inglesera, kung saan literal na sumakit ang ulo ni Rose sa haba ng byahe at pakikipag-usap sa mga englishers hehe.



Nose bleed.


Boat ride to the cave.

Bukana ng kweba.

Manger Scene - Joseph & Mary?

Upos ng kandila?

View from inside.


Marami pang makikitang other rock formations, stalactites and stalagmites sa loob na animo'y onion, garlic, mais, pati na lahat ng gulay sa kantang Bahay Kubo. 

Madami ring paniki.  Lumalabas sila ng kweba sa gabi para manginain.


Hindi kami ang mga paniki ha.
Pero mahilig din kaming manginain hehe.


Tip lang sa pupunta ng kweba, pakiaagahan nyo po, kasi ang alon pag bandang hapon na e talagang pamatay at wari ba'y ayaw ka nang pabalikin sa sibilisasyon.





At tulad ng nasabi ko, bumalik ulit ako sa lugar na to nung pumunta akong El Nido.  Kasama kasi sa package ng Travel Factor.

Inaayos na ang port.  Sana hindi na lang inayos.
Parang mas okay kasi yung dati.  Mas natural ang dating.

Kasama ang ngasab package kahit nung una kong punta. 
Nalimot kong sabihin.

Take Two sa Underground River.

With  Louie, Joe, Tix, Jen, & Nonie.


Sya nga pala, hanggang 11.11.2011 na lang ang botohan sa New 7 Wonders of Nature, at kung hindi mo pa alam (san ka ba nanggaling ha?), nominated ang Puerto Princesa Underground River sa patimpalak na ito.

Boto na!