Wednesday, January 25, 2012

HBD & H2A

Halos mapunit ang makipot kong labi last Friday night sa kakangiti at sa walang pagsidlang kaligayahan!  

Sinorpresa kasi ako ng aking Couple's Core Group at ng aking pamilya (si MRS & the Hebigats) ng isang Birthday-Get-Together (complete with food, merriment, at mga papuri, pambobola at pampalaki-ng-ulong-maiikling-mensahe), yey!

Sobrang SALAMAT po!





Jerry & Grace Bondoc - Sabi ni Te Grace na gusto ko raw ng squid/shrimp balls kaya yun ang shi-nare nyo, answeet naman, talagang naalala.  At ang sauces, perfection na, congrats!

Rem & Ann Pinero - Samba talaga ako sa mga luto nyo!  Last Friday naman, umi-igado?  Kayo na ang pwedeng magtayo ng Del Monte Kitchenomics!         

Mike & Marge Laquindanum - Salamat po sa linuto nyong pancit at pagpapa-ambon ng pamatay na H&M sumbrero/hoodie/cap (hindi ko alam kung anong tawag, sensya).  Simula ngayon i-idolohin ko na si Bob Marley!

Miong & Gret Bondocs - Sa palagay ko e napaganda ang mga mensahe para sa akin dahil sa mahiwagang mint-fruity concoction na ginawa ni Miong.  Patok na patok!

Harold & Rozette Francisco - Antagal na pala nating hindi nag-fellowship!  Salamat sa pagbabasa ng mga blogs ko Harold!  Salamat din sa message ni Rozette.  Hipo ako :)

Jim & Judea Fabra - Ngayon alam mo na Jim kung bakit ako laging nagmamadaling umuwi from our CG dati.  Am glad you are doing the same! 

Rene & Zarah Diaz - Bakit magkahiwalay kayo sa pic?  Dala ba ito ng formulang ginawa ni Miong haha :)

Marts & Cryx Gaac - Ikaw ang may pakana ng honoring-kukuh, salamat ng marami, tumaba ng slight ang puso ko sa mga revelations na hindi ko ini-expect!

Ed & Zai Lusung - Welcome sa magulo, makulit at ma-kaing mundo namin.  Sana next time kasama na natin si Ed no :)  Salamat din pala sa mga pamatay mong kuha sa iyong mamahaling DSLR!   



 
Syempre sa aking mapagmahal na MRS, grabe andami mong surprise ha, mahal na mahal mo talaga ko, the mahal na mahal is mutual be!   

At, ang mga magagaling umarteng the Hebigats, 2 times nyo kong nalinlang, ang gagaling umarte!  Kada aalis kami e pahila-hilata kayo, tulog-tulugan, tapos magugulat na lang ako na andon kayo lagi sa surprisan hay.  Salamat mga kapatid! 

Kay BRO, salamat po sa ika-34th kong Kaarawan at ika-2nd naming Anniversary, and for more years of victories, blessings and favors! 

To YOU be the GLORY and HONOR forever.

Friday, January 20, 2012

BOURNE L-nido-cy

Excited ako nung nalaman kong ang 4th installment ng Bourne Series ay isu-shoot sa Pinas. 

Iba ang pride dahil lumi-level na tayo sa US, Italy, France, Spain, India, Germany, Russia, Netherlands at Morocco; which were all previous locations of the trilogy.  Ngayon, pagkakataon naman natin para magkaroon ng exposure ang ating Lupang Hinirang sa international scene, yeba!

Medyo bagsak balikat lang.  Parang Slumdog Millionaire ata ang magiging dating ng bansa natin.  Kasi ang mga locations e sa San Andres Market, Navotas Fish Port, Marikina Market, Pasay Rotonda at Jones Bridge.  Medyo may scene rin daw sa MRT Ayala. 

Yung sa Ayala, okay yun.  Atlis makikita nilang we are not-so-provincial-and-barriotic after all.  Yun kasi perception nila sa Pinas.  Kala nila sobrang hirap natin.  Kala nila sobrang left behind.  Di nila alam sobrang ahead nga natin.  Been there.  Done that.  Kaya lang, nag-stagnate.

Tapos nung nalaman kong mag-e-EL NIDO rin sila, napa-yeba ulit ako!  Anganda kaya sa EL NIDO!  Tapos makikita sa BUONG mundo?  PANALO!       


El Nido


Sa palagay ko ang El Nido ang PINAKA sa lahat ng mga beach destinations sa Pinas.  Under rated lang.  Saka mahirap lang marating dahil 5-6 hours ang land travel from Puerto Princesa.  At medyo baku-bako ang daan.  Pero wag ka.  Once andon ka na, sulit naman talaga.     

Babala:  CAM WHORE Ahead.




Topmost LEFT photo (clockwise):  MeTikoy, Louie, Jen & Nonie.  Chinese dude is Joe. 


Ang ganda di ba?

Kaya sa mga bagets na hindi alam kung ano ba ang dapat nilang gawin sa youthness nila, I suggest e libutin na lang ang Pinas.  Medyo magastos lang pero much better kesa mag-umimow o magpakalulong sa kaka-gimik.

And actually ginamit ko lang talaga ang Bourne Legacy para ma-post ang mga old Multiply photos ko hehe.  Pasensya naman. 

At kung nag-skip-read ka, gusto ko rin sanang magpromote ng PAKULO ko.  Click nyo lang at sali na!

Friday, January 13, 2012

EB with McRICH, BAKIT???

Ikaw ba'y nalulungkot at walang makausap?  Adik ka ba sa Eat-All-You-Can-Buffet?  Willing ka bang dumayo ng Alabang, Muntinlupa?  At higit sa lahat, gusto mo bang makipag-EB?

Kung TSEK ka sa lahat ng mga nabanggit, sundin lang ang mga sumusunod na PANUNTUNAN para sumali:  

1.  I-BLOG ang SAGOT sa tanong na ito:  EB with McRICH, BAKIT???
2.  I-LINK ang aking blogsite sa inyong entry sa pamamagitan ng phrase na:   Ito ang Aking Sagot sa Tanong na:  EB with McRICH, BAKIT??? 

3.  Mag-comment sa post na ito with the following details:
  • Pangalan or Pen Name
  • Titulo ng iyong Blog
  • Link ng iyong Entry
  • Your E-mail Address

4.  Deadline of Entries:  31 January 2012 



PRIZES:   

1.  Limang (5) BIBO bloggers ang pipiliin to have an Eat-All-You-Can-Dinner with The MCs at LESLIE's RESTAURANT, Alabang.  Para mas intimate.  Para mas madaling makipagkwentuhan habang umaatak tayo sa buffet!






2.  GOODY BAG - mawawala ba naman ito mula sa isang OFW?  Syempre asahan nyo na ang pamatay na sabon, corned beef, tang, etc.  


The five (5) BIBO Winning Bloggers will be notified through e-mail and will be asked to disclose their contact details.  Tentative dinner will be scheduled on a Weeknight of FEBRUARY 2012 or as agreed by all EBers. 

If in case of a NO-Show, please note that PRIZES are not convertible to CASH.  (May ganon?  Mahirap na baka mademanda pa ko haha.)   

Basta, it doesn't matter kung nagko-comment ka sa mga eklat ko o hindi.  O nga-ngayon-ngayon mo lang nalaman ang site ko.  Kahit hindi kita kilala e oks lang yon.  Ang importante lang talaga saken e yung magiging sagot mo sa tanong ko at kung papasa ang inyong entry sa mga HEBIGAT Judges.





HEBIGAT JUDGES
Clockwise:  ARLEEN (Registered Nutritionist - UST), RACHEL (Industrial Engineer - MIT),
ROSE (Registered Nurse - AdU) & AIMEE (Chemical Engineer - MIT) 
  

O ano na? 
EB tayo ha!

Tuesday, January 10, 2012

BESTFRIEND

Nagtatampo ang MRS ko.  Hindi ko raw kasi na-appreciate yung regalo nya saken. 

Ikaw.  Sa palagay mo.  Kung bibigyan ka nito.  Hindi mo ba to magugustuhan?





Sabi pa don sa envelope, BIG things come in SMALL packagesKaya naman pala ganon ang entrada.  Groupon pala ng BB Playbook ang nasa loob. 

Pero alam nyo, hindi ako don sa laman ng envelope na-excite.  Mas nakatawag-pansin pa nga sakin yung nakasulat sa envelope. 

Thank you raw dahil AKO raw ang HUSBAND nya.  At thank you raw dahil hindi nya lang daw ako basta husband, kundi, BESTFRIEND pa. 

Kinilig ako.  At isa pang KILIG.  Na-touch ng sobra ang puso kong in-ECG kamakailan para sa aking offshore rig license.  Oo, walang kinalaman ang license ko sa istorya.  Wala lang kasi akong maisip na adjective for my heart hihi.

Di ba?  Kumbaga sa friendship, pag sinabing BESTFRIENDs na kayo, ibig sabihin, to the highest level na ang friendship nyo. 

Yung tipong wala nang lihiman.  Alam nyo kung sino ang crush ng isa't isa.  Tapos ipi-FLAMES nyo ng sabay.  Then iho-HOPE or pwede ding i-CAMEL. 

Pati favorite color, book, author, singer, actor, actress, director, cinematographer at screenplay ay dapat alam nyo.     Pati birthday, birthplace, birthmarks, zodiac sign, motto at definition of love o crush e dapat saulado nyo naman.  At higit sa lahat ay kaya nyong sagutin ang what, where, how, why, when at please-expound-in-one-word ang kanyang first kiss

Yun yon.  The PACT of being BESTFRIENDs.  

Kaya nung nabasa kong BESTFRIEND nya na ko,  yii,  answeet lang.   
      

Si  MRS.


Very vivid pa rin saken kung pano tayo unang nagkakilala.  Andun ka.  Sa 3rd floor.  Aantay pumasok sa lab.  Nag-iisa lang.  Papa-cute.  Alam kong wala ka pang masyadong friends nyon.  Kaya inepalan kita.  At nagpa-cute rin ako. 

Buti na lang ginawa ko yon.  Dahil, it was the BEST decision I have made in my entire life.  EVER. 

As in.

Kaya kung tatanungin mo ko, kung sino ang BESTFRIEND ko doon?  Ang isasagot ko, SYEMPRE IKAW LANG! 

HAPPY 2ND YEAR WEDDING ANNIVERSARY BE!
     

Friday, January 6, 2012

PARTITION Room

Andami na namin ngayon dito sa UAE yey! 

At sa totoo lang e hindi pa rin ako makapaniwala kapag nakikita ko ang mga kapatid namin na nagkwe-kwentuhan o naghahagikhikan o basta andon lang sila.  Napapangiti lang ako lagi ng puro at wagas.  Parang adik lang.  Parang Ako Budoy. 

Malayo kasi ang ganitong scenario sa kung ano kami ng Mrs ko dati.  Tinginens nyo:


Partition Room

Dati kasi, nakiki-share lang kami ng kwarto with other couples.  Nagtitipid para mas maraming ipon.  Ang importante lang naman kasi sa amin e comfort at yung may matutulugang maayos.  Defensive?  Nakiki-PARTITION.  Literal na dingding lang ang pagitan.  Konting kibot, konting kilos, dama na agad ng kabilang-ka-partition-mo.  Pati usap, dapat mahina.

Musta naman nung nagkaroon kami ng diskusyon ni Mrs?  Alangan namang sa labas kami umeksena.  Syempre don kami nagtuos sa partition namin.  Ayun, silent diskusyon.  More on facial expression lang na diskusyon.  Taas ng kilay.  Lisik ng mata.  Hand gestures.  Tiim-bagang.  Haha.  Kaya nyo yon?  Hindi kasi pwedeng umeksena.  Maririnig ng kabila. 

Kaya ngayong lumipat na kami sa room of our own, natatawa na lang kami ni Mrs sa tuwing maaalala namin ang diskusyon moment namin noon.  Hay, those were the days.

At since andito na sila, pwede na ulit kaming gumala! 

So far, heto ang mga kung anik-anik na ikot-ikot, pigging-out at iba pang adventures namin simula nung dumating si Rachel nung September at nung dumating sina Rose & Arleen nung October.


IKEA with Rachel (Abu Dhabi)
 
Chili's with Rose and Arleen (Abu Dhabi)

TGI Friday's (Abu Dhabi)
Corniche (Abu Dhabi)
Grand Mosque (Abu Dhabi)

Burj Khalifa, Burj Al Arab & Dubai Mall (Dubai)


Aquaventure, Atlantis (Dubai)


Ngayong andito na sila at lagi na kaming masaya, napapaisip tuloy kami sa mga plano naming mag-asawa. 

Why not Caleb Rich?