Friday, May 25, 2012

Sa LOOB ng MUNTI

Habang binabasa mo to e paniguradong andon na kami.  Don kasi namin napagpasyahang manirahan for-the-better.  

And we are taking this time para mag-relax muna ng onte, more bonding with our bagets and magpa-fresh ng utak.  At para malaman namin kung ano ba ang the-next-BEST-diskarte.  

In the meantime, tutal andito ka na rin lang, sama ka na muna saken, tour kita sa LOOB ng MUNTI.



Alabang Town Center


Chill lang dito.  Parang di maarte ang mga tao.  Oo paniguradong maraming mayayaman, at celebrities (as in kada punta mo meron), pero parang di yamang-taga-Makati na kontodo postura.  Chill nga lang.  Parang nagpunta lang ng clubhouse.  Ganong level.





Kita mo ba, anmura no?  Pero okay yung service.  Pwede nang ikumpara don sa dati naming pinupuntahan nung college sa QC Triangle.  Tapos may VENTUSA dito.  Yung lalagyan ng baso yung likod mo tapos hihigupin yung lamig.  Heaven ang pakiramdam pagtapos!  Kaya nga nagpa-lifetime member na kami.



  


Ang porkchop na hindi greasy pero malambot at tamang-tama ang lasa!  Pati yung sinangag nila hindi rin.  Nakaka-2 orders talaga ko pag dito kami kumakain kahit di ako mahilig sa rice.  Parang Php78.50 ata per order.  Sinangag-itlog-porchop na yon.  Bili ka na lang ng panulak at siguradong solb ka na.






Dito naman ang pinaka-da-best na pichi-pichi that will literally melt-in-your-mouth, not-in-your-hands!  Masarap din yung barbeque dito, pati pancit malabon.  Yun lang medyo more antay ka nga lang sa dami nang mga parokyano.  Sabagay, baka natataon din lang.  

Makati Supermart

Gusto namin dito kasi walang parking fee.  Kailangan lang bumili ka ng kahit ano tapos libre na ang parking.  Ang maganda pa sa area na to e andito yung Luk Yuen (para sa chicken feet na sobrang adik kami)!  Okay din sa South Supermarket, libre rin ang parking, pero mas malayo sa lugar namin. 

So far yan pa lang mga na-try ko sa MUNTI na medyo angat sa iba at binabalik-balikan namin.   

Pero higit sa lahat, I take GREAT PRIDE na PLASTIC-FREE ang MUNTI!  Kaya yung mga back-biters, tupperware at mga orocan, mag-ingat kayo :)


* Ang lahat po ng mga PHOTOS ay mula kay GOOGLE at hindi ko po pag-aari. *

Thursday, May 10, 2012

MAMI

MAMI-miss ko...

ang mga buwis-buhay training tulad nito, na kailangan mong mag-chill at kalma lang sa loob ng lumulubog na helicopter-replica at lumangoy afterwards na parang walang nangyari.  




ANSAYA nito pwamis, lalo na nung UMIKOT at NAKATIWARIK ka sa loob!
 
PINATALON din kami sa platform na nasa likod ko, KITA nyo? 




ang magtrabaho sa United Colors of Benetton habang kumakanta ng We are the World, We are the Children and It's a Small World Afterall.  


Kasama ang mga YARD People.


Kasama ang mga PLANT People.

Ito talaga ang UCB:  Algerian, Indonesian, Irish, Nigerian, French, English, Lebanese, FILIPINO at Canadian!

Dunong-dunungan Moment.




ang kumain ng masasarap na sweets na galing sa puwits.






ang mababait na CGmates, mula nung SINGLE to DOUBLE, na walang kahilig-hilig kumain at magtawanan ng walang humpay (habang kumakain pa rin).



Ispeysyal Number with Singles CG.  Si Rogel parang may POOT sa mga mata LOL :)

Kain kina Kumpadreng Kuya Danny (miss na namin kayo), si Marts hindi nag-pray haha :D

Kain sa Beach (nung Surprise Birthday Party ni Mrs)!


Our LAST Big Group (nung Surprise Birthday Dinner ko naman)!




ang i-enjoy ang init ng disyerto lalo pa't kasama mo ang nagse-sexy-han at baba-boom girls, a.k.a. The HEBIGATS.


We LOVE you Hebigats, IPON lang at hakutin ang YAMAN ng UAE!



Pero MAS, SOBRA, LALO, HIGIT, SUPER, OA naming MISS ang aming BIDA, kaya ALAM na.  
  
Di na TAYO maghihiwalay ANAK, PANGAKO yan!


Ang aming BIDA!

Tuesday, May 1, 2012

UWIAN Na!

Oo, kaya halika na, sama na sa amin!  Ito na kasi ang uwi naming NOT JUST FOR GOOD, BUT FOR THE BETTER!


* * * * *

Sana hindi naman kayo napa-HUWWWAT ng bongga tulad ng iba naming kakilala.  At sana wag nyo rin kaming tanungin kung BAKKKIT; dahil sasagutin naman namin kayo ng...  BAKKKIT HINDI?

Wala naman sigurong magiging eksena sa pag-uwi namin na andon kami sa ulan, basang-basa, nakaluhod, may mga putik sa kamay, umiiyak, at sisigaw ng, "Ayokong maging DUKHAAAA!" 

OA di ba?   

Kung maka-WHAAAT kasi at BAKKKIT ang ibang mga kakilala e parang maghihirap kami ng walang kasing-wagas dahil napagpasyahan lang naming umuwi for the better.  At parang ito ang pinakamaling desisyon na ginawa namin sa aming entire married life.

Hindi naman siguro Sir, Mam.  

Wala naman sigurong mali na makasama ang aming bagets for life.  At finally e magka-sama-sama na kami as one-happy-and-loving-family-that-prays-together-and-will-stay-together-and-will-live-happily-ever-after.

Yun lang po.

We choose US.   



Nung BAGETS pa kami.


At ngayo'y MAY Bagets na!



Sabi ng iba, suntok sa buwan daw ang pag-uwi namin dahil walang kasiguraduhan kung anong kapalaran ang naghihintay sa amin sa Pinas. 

But we say, KAPIT kay BRO

Alam naming pagyayamanin Niya pa lalo kung ano man ang aming nasinop sa panahon ng tag-init, dito sa disyerto; at paniguradong magagamit namin ito sa panahon ng tag-ulan sa aming buhay. 

Bibigyan Niya kami ng kapahingahan at katalinuhang matagpuan kung ano ba ang magandang plano Niya sa amin.  Na laging The BEST at hindi mediocre.       

At higit sa lahat, kaya Niya kaming i-BLESS ng MAS sa Pinas, at hindi lang dito sa UAE.

Kaya BRO, BRING IT ON!


* * * * *


Bukod sa HAPPY WELGA LABOR DAY sa lahat ng manggagawa, gusto kong batiin TODAY si MRS ng MALIGAYANG, HAPPY BIRTHDAY





Basta alam mo na yon ha, na MAHAL na MAHAL KITA, IKAW ang katuparan ng mga pangarap ko, ang TANGING taong nanaisin kong makasama habang buhay.

At handa akong harapin ang BUKAS dahil kasama KITA.  

Isang matamis na mwah mwah mwah tsup tsup tsup sa IYO, sa ating BIDA at sa bagong aktibong BINHI sa iyong sinapupunan!