Isang beses pa lang ako nakapunta sa opisina ng ABS-CBN (Star Cinema) sa tanang buhay ko. Ito'y noong nagwagi ako sa pakontes para sa promo ng Tanging Ina, The Movie.
Our TANGING INA Winning Photo |
Simple lang ang mekaniks nito: Picture ni Inay + eksplenansyon kung bakit si Inay ay isang Tanging Ina = 2 Premiere Night Tickets + Poster. Ang simple lang ng premyo no, pero napasaya nito si Inay ng sobra dahil nakita na niya si Ai Ai delas Alas ng personal at isa siya sa mga unang humagalpak ng tawa sa tuwang dulot ng Tanging Ina.
Pero teka, hindi lang pala si Inay ang naging masaya sa pangyayaring ito sa buhay namin. Pati pala ako.
Pero teka, hindi lang pala si Inay ang naging masaya sa pangyayaring ito sa buhay namin. Pati pala ako.
Tandang-tanda ko pa noong pumasok ako sa gate ng ABS-CBN. Otomatiko talaga ang ngiti sa mga labi ko. Magaan ang pakiramdam. Parang pakiramdam na at home ka. Bawat hakbang ko parang sigurado. Parang matagal na kong nakapunta don. Para akong taga-roon. Nagpalinga-linga ako. Umasang makakita ng iniidolo. Pero wala. Gayunpaman, noong nakarating ako sa opisina ng Star Cinema, lalo akong sumaya. Nakahirit kasi ako ng isang ekstra tiket para sa kapatid ko. Dito ko lalong napagtantong iba talaga ang Kapamilya. Hindi madamot. Tunay na mapagbigay. Galante.
Bakit ako masaya bilang Kapamilya? Kasi 'pag Kapamilya Star, siguradong Star. Star sa kantahan. Sa sayawan. Sa artehan. Sa hosting. Dito ang mga Star ay versatile. Hindi importante ang panlabas na kaanyuan. Kasi kahit hindi ka nakasalo ng kaiga-igayang face value, basta ba't may Star quality ka, pak na pak ka na. Parang ganito lang: kailangan marunong kang magGangnam Style habang tumutulay ka sa alambreng nanggigitata sa kalawang at nag-aantay sa 'yo ang jumbohalang si Lolong na mataimtim na nanalanging magkamali ka sana sa dance step o mapigtal na sana ang kalawanging alambre para may pang-minindal na sya sa araw na iyon. Madali lang 'di ba? Kaya nga taon-taon, laksa-laksa ang mga nagbabakasakaling mapabilang sa hanay ng mga maririkit na Bituin ng ABS-CBN.
Gusto ko rin bang maging Bituin ng ABS-CBN? Bakit naman hindi ahahaha. Pero sa totoo lang, mas gusto kong magtour-tour with tour guide sa studio nila. Makapanood lang ba ng taping ng ASAP o ng Showtime tapos makapagpa-picture sa mga makikinang na Stars. Alam mo 'yon, yung bisitang expected ka na parating, hindi naggate-crash o namilit makapasok, at bibigyan ka ng pinakamatinding pang-iistima bilang importanteng panauhin nila. Imposibleng mangyari pero nangangarap lang naman. Malay mo.
Sa totoo rin, gusto ko lang talagang sumuporta at ibigay ang aking boto sa ABS-CBN bilang Most Favorite TV Station of 2012. Parang pasasalamat na rin sa patuloy nilang pagsasahimpapawid ng mga palabas na de-kalibre, napapanahon at walang kupas --- In the Service of the Filipino, Worldwide.

Ang proyektong ito ay sa kagandahang-loob ng
STARMOMETER, SHOWBIZNEST at ng LIONHEARTV.