Wednesday, June 27, 2012

It's MORE FUN in the PHILS... TALAGA!

Sa wakas! 

Narating din namin ang Isla ng Splash (at di na nauwi sa Valleyng Tago) pagkatapos ng dalawa't kalahating kandirit!

Naks, kita nyo naman, may nalalaman pa silang Tambol-tambol Band. 

      

   


At kakaiba.  Ang daming tao kahit weekday.  Meron pang nag-Company Outing.




Naalala ko tuloy.  Bakit pag Company Outing, kailangan laging may PALARO?  Di ba pwedeng magswimming na lang o magrelax o maging malaya pansumandali sa mga office eklats? 

Bakit hindi na lang sa PLAYGROUND ang outing tutal laro-laro naman pala ang emote sa beach o sa pool?

Tapos pag di ka naman sumali e paniguradong may implication yon sa dagdag-sahod o performance mo.  Insubordination.  Dahil syempre, kasama rin ang iyong BOSS sa outing at mapanuri pa rin, as usual, ang kanilang mga mata!

Hay.

Pagtapos kong makipagdebate sa sarili ko na parang doble-oke contestant e inikot ko na lang muli ang aking mga mata.  Bigla naman akong natigalgal.  O hindi. 

Isa na namang tragic water accident is about to happen!  Naging saksi naman ako sa papalubog na...  KAYAK. 






Haler!  First time?  Excited?  Hindi po barko yan.  O kung barko man yan, bawal po ang overloading!  At haler ulit, hanggang tuhod pa lang po ang tubig.  Bakit hindi nyo na lang gayahin si Ateng may swimsuit-na-walang-butas-sa-baywang-at-hindi-umeffort-sa-paghahanap-ng-swimsuit-na-susuotin-sa-Splash-Island?  Pwede namang maglakad di ba? 

Nadako naman ang aking mga mata sa banda pa roon.  Aba't may paparating pa!



* * * * *


Baka sakali lang.   Baka may interesado sa mga pictures namin.  Linagay ko na rin para maumay pa kayo lalo sa pagmumukha namin hahahaha!





As usual, lubog-litaw lang sa tubig.  Andami kasing tao.  Saka ang babaw.  Nasa kiddie pool kasi kami.

Ayun, ang BIDA lakad ng lakad.  Si MRS walang pagsidlan ang kaligayahan.  Ako naman, dakilang taga-kodak, taga-dala ng gamit, tagabantay, taga-bili ng pagkain, at talaga ring walang pagsidlan ang kaligayahan.  Ultimate Bonding Experience.  Precious moment.


Maayos na sana ang lahat ng biglang...







...  may nakita akong lulutang-lutang na PUPU na kulay yellow at kasing laki ng hinlalaking daliri ko sa paa, iww, iww, iww!!!

Wala rin bang pagsidlan ng kaligayahan ang salarin kaya na-PUPU sya?

O hindi.  

Kaya iniahon ko agad ang BIDA, sinabi ang aking nakita kay MRS at umalis agad kami sa scene of the crime. 

Noong mga oras na yon e gusto kong manakit. Gusto kong sirain ang pool.  Gusto kong maligo ng mainit na tubig at ipa-dialysis ang dugo ko.  Dahil ang dumi-dumi ko na!

Gusto kong sumigaw ng:  KATARUNGAN!  KATARUNGAN para sa mga BIKTIMA ng PUPU!

At KAMI yon huhuhu!






Pag nakikita ko pa ang picture na to, o hindi ulit, labas pa talaga ang dila ng BIDA!  Si MRS bukas naman ang bibig! 

Ang dumi-dumi namin!







Para namang narinig ng langit ang aming hinaing.  Di nya napigilan, na minsan pang lumuha, para linisin ang tigang na lupang at pool na...  may PUPU, iww!

It's MORE FUN in the PHILS...  TALAGA! 

Sunday, June 10, 2012

Si MRS at ang BIDA

Nung minsang tumawag ang isang kumare at nagtanong kung anong pinagkakaabalahan ko, na sinagot ko namang nag-a-adjust pa, e pareho kaming natawa. 

Arte.  Kala mo galing US or Europe.  Kala mo antagal nawala sa Pinas.  Nag-a-adjust talaga?  May jetlag? 

E ang init kaya. 

Kahit naman galing kaming disyerto, di naman tumagaktak ng ganito ang pawis sa katawan ko doon.  Antagal ko ring hindi naramdaman ang feeling of wetness.  In fact, pwede na nga akong magsimula ng palayan showcase e.  Kasi may unlimited supply na ko ng patubig kahit magka-el ninyo pa.

See?  Kaya yaan nyo na lang akong mag-inarte ng onte.  Antagal ko rin namang nawala.  Halos 4 years. 

Saka mahirap kayang mag-alaga ng MRS na nagdadalang-binhi saka ng napaka-aktibong BIDA.  Mahirap na masarap na fulfilling.

Kaya pagpasensyahan nyo na kung inagiw ng slight ang blogsite ko.  Ulirang asawa/ama lang muna ang peg. 




At dahil ulirang asawa ako, pinagmaneho ako ni MRS nung minsang lumabas kami para maghanap ng OB-Gyne nya.  Hehe. 

Syempre hindi.  Miss nya na raw magmaneho kaya kahit bundat sya with my binhi, hinayaan ko lang sya.  Syempre love mo.  Kahit minsan ayaw mo, magpaparaya ka na lang. 

Love mo nga kasi e.

Tapos nagpunta kaming barbero para magpatabas dahil mainit nga.




Ang mahal ng gupit ha, 200 na, tapos yung tip pa, haay.




Naku nagquote na si Dra ng 100K for CS at 25K for normal delivery.  Si MRS parang natulala. 

Baka may kilala kayong maayos pero medyo murang doctor sa Munti?


* * * * *

Dahil nagtitipid nga kami, pati sa krudo ng oto, at halos ayaw nang umalis ng bahay para less gastos, at merong pagbabanta ang mga tsekwa sa scarborough eklat na yan, at natalo si Pacman kay Bradley, tinutuon na lang namin ang aming panahon sa pagti-train kay Caleb. 

Inumpisahan namin ang training sa mga DRILLs.



Salamat Nay & Tay for the Play Tunnel!


Salamat PINEROs sa kanyang REUSABLE
SALUMPUWIT.  At Nay & Tay for
the TRAMPOLINE.


Updates on latest technologies.  INTRODUCING:  MacaROBOT!


Salamat Nay & Tay for MacaROBOT.



Wilderness survival.


Thanks Ninong YAJ for the TENT.


Magpa-andar ng iba't-ibang sasakyang pandigma.





Higit sa lahat, tamang pahinga, masusustansyang pagkain tulad ng milkshake at walang humpay na funtime with Daddy!


Salamat Nay & Tay for the CRIB!


Si Mommy may POOT sa mga mata?





We can't get enough of our BIDA.  Obvious naman no.  Kaya pasensya na kung naumay kayo sa pamilya ko at nasayang na naman ang oras nyo.  Sori naman.  Kayo na ang precious ang oras.  Kaya salamat sa dalaw.  

E pano pag lumabas na ang isa pang BIDA?