Monday, March 19, 2012

Si MA

...  sa palagay ko, ang pinaka-gala, kikay, stariray, konpidante, talentada at pinaka-dyaporms na mudrax sa balat ng lupa! 

Di ba nga, nung nakaraang awarding ng PEBA, pakaway-kaway pa sya sa entablado.  Suma-Shamcey?  Maraming fans?  E ang pagkakaalam ko, iilan na lang kaming natira sa Ma-You-Rock! Fans Club na nabuo nung kasagsagan ng Charantia commercial nya.  Sayang.  Ninais ko pa naman sanang maging talent manager.  Oh well.  

Nung nasa Hong Kong naman.  Mali ata ang rinig kay Kuya Kim.  Naka-winter clothes!  MA, may niyebe?  Talagang may fur ang hood?


  

Sa mga swimming namin, kung ilang araw kami mag-i-stay don, ganon din karami ang dala nyang swimsuit.  Iba kada araw. 

Pangit daw kasi tingnan sa album kung isang swimsuit lang ang makikitang gamit nya sa iba't-ibang lugar na pinuntahan nya.  Parang ang dugyot daw.  Sabagay,  may point si MA.      

At partida, 4-times pa syang na-cesarean nyan.  





         
Sya si MA.  Ang aking cool Mama.  Mukha lang syang komplikado saka high-maintenance.  Pero sa totoo lang, napaka-simple lang ng kaligayahan nya.

Mag-malling (kahit walang bibilhin).  Kasama kami.  Manood ng TV o kaya ng sine (o kaya ng pirated CDs).  Kasama kami.  Kumain sa Jollibee (o sa kahit anong resto depende kung sino ang taya).  Kasama kami.  Magpa-foot-spa sa Reyes Haircutters (at umulit-ulit kahit na namerder na ng paulit-ulit).  Kasama ulit kami. 

Ayun kasi talaga ang KALIGAYAHAN ni MA.  Ang MAKASAMA kami.

Napakasimple di ba?

Kaya kung si MA man ang pinaka-gala, kikay, stariray, konpidante, talentada at pinaka-dyaporms na mudrax sa balat ng lupa, BY ALL MEANS, she deserve it... 

For all the sleepless nights when we were still kids.  For every waking mornings to prepare us for each day.  And for letting us find ourselves in this big, big world... 

  


SALAMAT MA!
HAPPY MOTHER's DAY!


***  HMD kasi dito sa UAE ngayong Marso at na-miss lang bigla si MA  ***

Saturday, March 10, 2012

It's HIDDEN

Meron akong kaututang-dilang PUTI na lagi na lang linalait ang Pinas. 

Hindi naman siguro lait.  Siguro e nagsasabi lang ng totoo.  Prangka.

Nitong nakaraang buwan lang ay dumalaw sya ng Pinas para magrecruit ng mga tao para sa planta. 

More or less, eto ang usapan namin at tatagalugin ko na lang para hindi na ko duguin sa pangalawang pagkakataon:

PUTI:  Hindi kita nakita sa Manila a.
KAYUMANGGI:  Narinig ko nga.  Galing ka raw ng Pinas.  Kung alam ko lang, sana pinasyal kita.
PUTI:  Hindi ko nagustuhan ang Manila.
KAYUMANGGI:  San ka nag-base?
PUTI:  Sa Quezon City.
KAYUMANGGI:  A, kasi yung Manila at Quezon City, mga lumang lungsod na kasi.  Sana sa Makati ka nagpunta.  Mas moderno.
PUTI:  Galing na rin ako dati sa Makati.  Merong mangilan-ngilang building, pero, yun na yon.  Di ko rin nagustuhan.

Sa puntong yon, WALA na kong nasabi at pinilit na lang na ibahin ang usapan.

Oo nga, kung ikukumpara ang Makati sa ibang mga lungsod sa Pilipinas, masasabi ngang mas maganda ito at mas commercialized nang di hamak.  Pero kung ikukumpara mo ang Makati sa mga major cities sa buong mundo, tulad ng Dubai, medyo malayo na nga tayo sa pamantayan ng kagandahan at modernisasyon.

Yun siguro ang pamatayan ni PUTI. 

Superficial.  Unnatural.  Temporary.

Di lang kasi nya alam.  Na ang kagandahan ay di laging nasa panlabas lang.  Sa maraming pagkakataon, kailangan lang hanapin. 

Dahil natatago. 

Because It's HIDDEN!







Minsan naman, di lang napag-uukulan ng tamang atensyon at pagpapahalaga. 

Na kung bubuksan lang talaga natin ang ating mga mata, siguradong, tayo'y magugulat, sa kagandahang kanyang hatag ating makikita.  












Ano ngayon ang pipiliin mo?







*** Isang lamyerdang pang-Splash Island
(na sarado pala nung araw na yon),
na naging joyride, at nauwi sa overnight sa
HIDDEN VALLEY ***