Thursday, December 9, 2010

Bagong DADDY Series - To ENGLISH or NOT to ENGLISH




Tanong ko lang naman: 

"Dapat ba o hindi dapat gamitin ang English bilang mode of communication sa pagpapalaki ng bagets?"

Sa Pinas, at lalo na dito sa UAE, halos lahat ng mga bagets na nakakasalamuha ko e puro ume-English.  Minsan nga nagugulat na lang ako dahil duguan na pala ako nang hindi ko nalalaman.  Minsan naman, bigla na lang akong maduduwal 'pag pinilit kong makipag-usap sa kanila.  O kaya, sasakit na lang ang ulo ko tapos hihimatayin na lang ako bigla.

Naiisip ko lang naman. 

Paano kung dumating ang pagkakataong kailangan kong turuan ng leksyon ang anak ko?  Parang ang hirap naman magsermon sa English!  Tapos iisipin ko pa kung tama ba ang grammar ko.  O dapat bang may accent o twang ang sermon ko? 

Tapos syempre sasagutin nya ko in English, e sa sobrang silakbo ng aking damdamin, maaring hindi ko na ma-explain ang point ko, baka mabulol-bulol  pa ko ngayon.  So ano ang gagawin ko?  Siguro ang sasabihin ko na lang, "GO TO YOUR ROOM."  Pero ang 'di alam ng anak ko, matagal ko nang inaral ang ganitong sitwasyon, hehe.

Tapos sa Pinas pa, 'pag spokening English ang anak mo, ang connotation agad --- wow batang bibo, wow anak-mayaman, wow laking-abroad!  Parang may 100% audience impact agad ang anak mo 'pag natsa-challenge silang kausapin sya. 

E syempre ang kinakausap naman ng anak mo, hindi papatalo.  Gagamit pa sila ng mga malalalim na salita tulad ng actually, basically, o sa matindihang usapan, gagamit sila ng pamatay na -- consequently (na may kasamang raised eyebrows for added effect). 

Eto ba ang gusto ko?

Sa palagay ko, hindi naman masamang turuan ang bagets ng English o maging magaling s'ya sa English.  O kahit very deep English pa.

Ang sisiguraduhin ko lang siguro e maging bihasa din s'ya sa Tagalog (at konteng French, aba naman).  Ang pangit naman kasi na Pinoy s'ya tapos puro twang lang ang alam.  

Sa palagay ko rin, wala sa English ang success ng isang bagets.  Ang mahalaga lang siguro ay marunong s'yang makipagcommunicate at kakayanin nyang makipagsabayan ma-Tagalog man or English.

Ewan ko sa inyo pero si Caleb namin, tuturuan ko ng English, Tagalog at French hehe :)

Huling tanong --- magagaling bang mag-English ang mga superpowers sa Asia tulad ng China, Japan at Korea?

No comments:

Post a Comment

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?