From Google |
Isa pa sa mga iniisip ko sa ngayon:
Saan ba dapat pag-aralin ang aming bagets --- sa Public School ba or sa Private School?
Nung kinder ako hanggang elementary, pinag-aral ako ng magulang ko sa Hen. Pio del Pilar Elementary School sa Makati.
Isang public school.
Hindi ko alam kung nagtitipid lang ba sila o dahil malapit lang ang school na yon sa amin. Walking distance lang kasi. Yung tipong ilang tumbling lang e andon na ko sa iskul at pwede na kong magtaas ng kamay sabay sabing "Ma'am, present!"
Maganda ang iskul namin. Modern, kahit circa 80s pa yon. Kumpleto sa facilities dahil alaga ng Makati government.
Meron pa nga kaming canteen na pwedeng sumayd-line ng paghuhugas ng plato para sa extra money (Ngayon nga e napapangiti ako dahil sa mura ko palang edad e rumaraket na ko para may extra baon. E anong edad ko lang nyon, 8 or 9, di ko na matandaan).
May napakahabang library, complete with auditorium. Magandang stage para sa flag ceremony at kalisteniks. Garden para sa tanim-tanim lessons, shop para sa wood-working. Clinic at guidance office. Meron pa nga kaming music and arts room na kumpleto ng mga etnik instruments. Tapos, we had the whole ground floor for PE. (Ngayon I heard e meron na ring gym. Built on top of the library.)
Tapos nung Grade 4 ako, nagtransfer naman kami sa Iloilo kaya lumipat din ako ng iskul. As usual, mga sampung kandirit lang e andon na ko sa Balasan Elementary School.
At as usual, sa public school ulit ako nag-aral. (Mukha ngang nagtipid ang mga magulang ko haha).
Pero hindi rin kami nagtagal don kaya after 6 months e balik Makati kami.
Maganda ang turo sa amin. Kaya nga nung magha-hiskul ako e umepal ako sa magulang ko at sinabing mag-aaral ako sa Pamantasan ng Makati.
Isa namang public high school.
At dahil umepal ako e ako na lahat nag-ayos ng mga requirements: Brgy. Certificates, GMC certificate, Form 138 (Report Card) at Form 137 (Transcript of Records). Hindi naman naging mahirap ayusin lahat ng mga requirements kasi kasabay ko naman ang iba kong classmates and friends.
Nung kumpleto na kami sa requirements, punta na agad kami sa PnM para naman makapagpa-sched ng exams.
Eto pa ang siste: lahat naman ng makakapasa sa entrance exam will be admitted. Pero para sa Top 100 examinees, may chance na mapabilang ka either sa Pilot Class (Section A) or Section B. Pero dadaan muna kayo sa next stage!
Ang next stage: interview with matching talent portion!
Di ko na maalala kung ano ang mga tinanong sa akin. Basta ang naaalala ko, umawit ako sa talent portion habang yung isang ini-interview e sumasayaw naman. Tapos yung isa, nagdo-drawing naman ng puno.
At muli, kung isa ka sa mga mapalad na pumasa sa interview portion, duguan ka naman sa pinakahuling stage --- ang Final Exam!
To cut the mahabang story short, pumasa naman ako sa lahat ng pagsubok at nakapasok ako sa Pilot Class.
At opo, pumasa din ang mananayaw pati ang drawer :)
No comments:
Post a Comment
Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?