Monday, August 29, 2011

Bagong DADDY Series - BUNDLE of JOY (Part 2)





Let’s review!

Natatandaan n’yo pa ba how we defined BoJ? 

Kung hindi, magpatsek-up na sa pinakamalapit na health center dahil maaring sintomas na ‘yan ng dispepsia.  Magsoul-searching din.  Tingnan ang alignment ng mga bituin.  Marahil hindi today ang iyong Lucky Day.

Ngunit ‘wag nang humikbi.  Pwede naman nating ulitin.  Kahit na parang sirang-plaka lang. 

Muli:

Ang BUNDLE of JOY ay kalipunan ng kuntil-butil na mga aktibidades o gawi ng isang Bagets na kung gagawin ng isang Thunder ay OA.  Mga simpleng bagay na magpapangiti sa iyo ng walang halong effort o kaplastikan.  Tapos, mapupunta ka na lang sa isang mundong…  Masaya, makulay at kumukuti-kutitap.

4.  NGITING Colgate – Aminin mo na.  Na kahit ano pang kagimbal-gimbal na kaganapan ang ginawa sa ‘yo ni Bagets.  ‘Pag ito’y nasilayan na.  Wala na.  Suko na. 

Iba kasi ang ngiti o tawa ng Bagets.  Mabango.  Amoy baby.  Sobrang pure.  Walang pinipili.  Hindi nagdadamot.  Walang esta-estado ng buhay.  Basta masaya s’ya at gusto n’yang ngumiti, o tumawa.  Wala na.  Suko na. 
   
Samahan pa ng mga pearly whites.  Isa.  Tatlo.  Lima.  Wala na.  Suko na.

Ngayon, i-visualize mo, kung sa Thunder naman ito.  Ngiting with greasy whites.  Na Fill-in-the-Blanks, na One-Seat-Apart o Wishing-Well.  Tapos binuka ang Well.  Nalanghap mo ang amoy.  Wala na. Suko na!


5.  Baby TALK – Kakaibang moment din ito.  Kapag ang bagets ay unti-unti nang dumadaldal.  Naku ang sarap makipag-usap.  Talaga naman.  Lalo na ‘pag tumitingin sa mata mo.  Eye to eye kayo.  Puso sa puso.  Tapos maririnig mo pang parang may tono.  Na parang may gusto talaga s’yang iparating.  Naku naman talaga.  Heaven.

Heto na nga.  Isang Skype session namin.  Bigla na lang s’yang nagsalita.  Tuloy-tuloy.  Ang haba.  May tono.  May accent.  May twang.  Umi-intonation.  Tumataas.  Bumababa. Kaya tumitig ako lalo sa LCD ni HaPi (our Wonder Lappy).   Binanaag ang mukha ng aming Baby.  Ano kaya ang nais n’yang ipahiwatig sa amin?  Ano kaya ang kanyang mensahe?

Bigla na lang.  Eureka!

“The SUN is the center of the Solar System.  Moving around it are the planets.  Our SUN is a medium-sized star.  And when it reached its full potential, it becomes a SUPERNOVA.”

Kitam.  Pa’no ko nalaman?  Syempre.  Puso sa puso. 

At saka.  Ang gatas n’ya. 

PROMIL   



*** Photo from Universetoday.com ***                              

Saturday, August 13, 2011

Bagong DADDY Series - GOLDILOCKS Moment

Ambilis ng panahon.  Isang taon na pala ang nakalipas.   Parang panaginip lang.  Gusto ko tuloy magbalik-tanaw.  Magreminisce.  Mag-emo.
Cue MMK theme song. 
Isang gabi, napansin na lang naming may kakatwang kaganapan sa belly ni Aimee.  Parang ‘di na yata maganda sa paningin.  Parang parak lang sa kantang Laklak.  Naisip ko tuloy, pumupuslit kaya si Aimee gabi-gabi para mag-1 bottle?  Hindi naman siguro.
Health buff naman kami noon.  Nagwo-walking.  Nagdya-jogging.  Kumakandirit.  Nagka-cart-wheel.  Pero parang wa epek yata lately.  Sabagay, minsan kasi, more kanin-more fun ang trip namin.  Mabe-burn din naman.   ‘Yon ang akala namin.
Dahil sa hinihingi ng panahon, inenrol ko si Aimee sa gym.  Pinakarir ang cardio.  Pinababad sa treadmill.  Pinag-crunches.  Pinag-sit-up.  Pinag-push-up.  Dagdagan pa natin ng stationary bike para mas effective.  At habang nagpapahinga, mag-jumping jack muna!  Pero wa epek pa rin. 
‘Yun pala, nandito na ang aming BIDA!


Naku Caleb, andaya mo.  Wala ako nung pinanganak ka.  Ngayon naman, wala kami sa una mong kaarawan.  Puro na lang kami happy thoughts; para makabalik sa Never Neverland.  Lagi na lang kaming nagwi-withdraw sa ating Memory Bank; buti na lang nakapagdeposit kami last July. 
Gustong-gusto sana naming makikanta ng Happy Birthday; one octave higher.  Tignan ka habang bino-blow mo ang iyong 1st ever candle.  Makitikim sa iyong 1st ever birthday cake.  Magbukas ng regalo galing sa sa mga nagmamahal sa’yo.  Tingnan lang ang reaksyon mo. 
Anak pasensya ka na, I can no longer prolong the agony.  At ayoko na magsenti.  Kaya naman tatapusin ko na agad ito. 

Basta tandaan mo, CALEB RICH:
MASAYA ang aming MUNDO, ngayong IKAW ay NARITO.
We WISH you a HAPPY BIRTHDAY!

Thanks Nina.  Thanks Goldilocks.