Tandang-tanda ko pa Ate Charo. Masakit man sa akin. Mabigat man sa puso ko. Kahit may bumabagabag sa isipan ko. Nagpakatatag pa rin ako. Kailangan kong gawin ito. Para sa pamilya ko. At para sa akin.
Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko? Ng mga kaibigan? Kabalitaan? At kakampi?
Ano na lang ang sasabihin ng SM at ni Don Tomas Mapua? Isa pa naman ako sa mga uliran nilang iskolar noon (hehe mai-plug lang).
Bakit kinailangan kong humantong sa ganito?
Pikit-mata. Tiim-bibig. At kinodakan ko na lang muna sina MRS at ang BIDA, bago ako umalis. Babaunin ko.
Di ko man kayang iwan sila, pero kinaya ko.
Pagdating ko sa aking destinasyon, nagulantang na lang ako kay Ate. Walang habas na nagla-like sya sa FB. Kesehodang andon ako't abot-tanaw sya, ayaw talagang papigil.
At para kumpleto ang ligaya, ayun at nagpalaman pa sa tinapay ng derikrim habang nagko-comment pa rin sa FB. At di man lang nang-alok ha. Makodakan nga.
Pasalamat sya. Medyo malayo ako. Kung hindi, gagawin ko talaga itong viral photo e. Hanggang sa makarating kay PNoy para maturuan sya ng leksyon.
* * * * *
Hihi. OA yung reaksyon ko. Kala mo kung sinong malinis na hindi nag-i-FB sa trabaho. E sa totoo lang, nagba-blog pa nga ako sa work dati. Hihi. Arte ko lang yon. Artista kasi ako dati. Haha. Asa.
At arte ko rin lang ang pasakalye ko sa itaas. Maiba lang ba. Ang totoo nyan. Nagtraining ako sa Technology & Resource Center nito lang July 2 & 3 sa Basic Meat Processing.
Interestingly (makapag-ingles lang), puro ex-OFWs ang mga kasama ko sa training. At pareho ko, gusto nilang maging worthwhile ang kanilang pang-araw-araw sa loob ng bahay.
At pareho ko, pare-pareho kaming walang trabaho hahahahaha.
Ayus naman ang training. Madali lang gawin at paniguradong may kita kung susundin mo lang si Mam (na rumaraket pa sa edad na 70+ at ayaw sabihin kung sino ang supplier ng mga ingredients yun pala e bebentahan nya kami hay) sa binigay nyang formulation at kung may target market ka na.
Eto nga't nagawa ko na sa bahay, on my own, at nakagawa na ko, at nakapagbenta, ng total 20kg ng tocino at longanisa.
Yey mayaman na kami!!!
Canton Longanisa |
Lukban Longanisa |
Tocino |
Finished Product |
Sa ngayon kasi, sobrang labo na talagang mangamuhan kami. At least, kahit nasa bahay lang ako, at nag-aalaga kina MRS at sa aming BIDA, e may added income kami pansamantala. Pagkapanganak na lang ni MRS kami magdadagdag ng iba pang raket.
At malayong-malayo man sa kinikita namin dati, sobrang hindi naman matatawaran lalo na't maaalala ko ang mga scenes na ito:
Sulit naman di ba?
Kaya sa iyo na nagbabasa ng blog na ito, gusto kong ulitin ito: DI MASAMA ANG MAGBENTA NG LAMAN. Lalo na kung mga LAMAN ko ang bibilhin nyo hihi :)
Bili na po Sir/Mam!
Bili na po Sir/Mam!