Iyon 'yung sabi ng guro namin dati sa Biology. Mali raw ang pagsasabi ng I LOVE You With ALL my HEART kasi hindi naman daw HEART ang nagdidikta sa tao patungkol sa emosyon at pag-ibig.
Kung ganon, HYPOTHALAMUS nga kaya ang nagtulak sa akin para walang-pandidiri kong sapuhin sa aking palad ang mamasa-masang jebak ni Caleb noong minsang hindi nya mapigilang maglabas ng sama ng loob (wala syang diaper dahil nagsi-swimming kami at umahon lang para kumain sa buffet area ng resort)?
E 'yung pagpapamalas ko ng aking talento sa pagbirit at pag-indayog sa pagpapatulog kay Ethan kahit pagal na ang aking katawang-lupa para lang makamit ni Bunso ang Sleep in Heavenly Peace?
Ewan ko, hindi ako sigurado.
Kasi kung HEART naman, hindi rin nya kayang i-esplika kung bakit araw-araw ko pa ring pinagsisilbihan si MRS para uminom ng kanyang Vitamins (kahit nagagalit na ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay nate-take for granted na nya ang kanyang sarili).
Hay, ewan ko. HEART nga ba o HYPOTHALAMUS?
Kung alin man sa dalawa ay bahala na kayong humusga. Ang gusto ko lang naman talagang gawin ay batiin ang aking mga Travel Buddies, Eating Buddies at Home Buddies ng Happy Valentine's Day.
At gusto ko ring sabihin sa kanilang I LOVE YOU WITH ALL OF ME!
Sama-sama na dyan ang aking HEART, HYPOTHALAMUS, liver, intestines, kidneys, my 2 cute utongs, my ever kissable lips and even my apdo.
Sama-sama na dyan ang aking HEART, HYPOTHALAMUS, liver, intestines, kidneys, my 2 cute utongs, my ever kissable lips and even my apdo.
Thank you for making my life complete The MCs!