Panandalian akong tumakas para kitain ang mga BIBO Kids ng aking Pakulo.
Out of 5 bloggers e 3 lang ang nakapunta. Si Taribong had some family concerns samantalang si Edgar Portalan naman ay hindi nakayanang makipag-meet dahil may pasok pa sya sa trabaho.
Out of 5 bloggers e 3 lang ang nakapunta. Si Taribong had some family concerns samantalang si Edgar Portalan naman ay hindi nakayanang makipag-meet dahil may pasok pa sya sa trabaho.
Gayunpaman, TAGUMPAY ang aking 1st ever EB experience sa Phils!
LESLIE's EB Dinner and Kape/Tsaa sa Starbucks |
Natuwa ako kay Rence of MAD sa pagiging very open nya. Ganon siguro pag marami na talagang pinagdaanan sa buhay. Marunong magdala ng conversation. Walang arte. What you see is what you get. Down-to-earth. Manager ng isang Chinese Fast Food chain.
Kung ano man ang nakwento mo sa amin, dalangin ko na mabigyan na ng kasagutan ang mga tanong mo. At sana, matagpuan mo na rin kung ano ba ang hinahanap mo.
Good luck sa balak mong MAMUNDOK!
MJ of HEAVEN KNOWS |
Ang tanging ROSAS amongst the thorns. Bagay na bagay ang suot nyang kakulay ng rosas. Si MJ of Heaven Knows.
Palangiti. Kung si Melissa Cathedral daw ang EB Queen, si MJ naman daw ang EB Princess. Lately kasi e makikita mo sya sa iba't ibang EB events sa kalakhang blogosperyo.
Hope nag-enjoy ka at sana e nabusog kita teh. Sensya na kung hindi kita nahatid sa Cavite ha. Medyo malayo na kasi yon. E di ba, takas nga lang ako.
Bino of DAMUHAN |
Si Bino of Damuhan ata ang tunay na depinisyon ng Curacho --- ang lalaking walang pahinga!
Blogger, BPOer, English tutor, tatay, anak at mabait na apo ng kanyang lola. Pero di pa dyan natatapos ang lahat. Nakukuha nya pa ring magtravel at maki-EB! Natutulog ka pa ba BINO?
Salamat sa mga kwento mo. Marami kaming natutunan. Lalo na ang mga inside scoop sa blogosperyo pati na rin sa buhay mo :) At sensya na rin kung ikaw naman ang sinalang namin sa mainit na upuan.
Muli, maraming salamat sa inyong tatlo at sana ay nagustuhan nyo ang dinner natin, pati ang kape/tsaa natin, pati na rin ang goody bag mula sa isang OFW.
Gang sa muling pagkikita!