Saturday, October 15, 2011

Operation: SIBLINGS

Andito na ang aming hebigat na kapatid, si Rose!



Hebigat dahil sya ang namumukod tanging Registered Nurse ng pamilya. Lahat kasi kme inhinyero (oops pwera pala si Ma dahil sya ang bestest nurse naman ever hehe).

Hebigat dahil lagi na lang syang Take 1. Sa Philippine Nursing Board, sa Kingdom of Saudi Arabia Commission for Health Specialties at ngayon naman, sa Health Authority-Abu Dhabi, UAE.

At dahil hebigat nga sya, kinakailangan na naming magtransfer ng mas hebigat na humble abode. Hindi na kasi kme kasya.

Kaya nag-joint forces kami nina McAim, Ate and Me sa paghahanap ng malilipatan:

Sinuyod ang bawat kalsada ng Abu Dhabi hanggang sa mapudpod ang aming Spartan and Rambo flipflops. Nagbasa ng mga ads na nakapaskil sa lahat ng pwedeng paskilan ng mga bibong pinoy (pader, poste, bench, internet). Nag-visitation rites sa mga open houses at inalam kung papasa sila sa aming pihikang panlasa.

Eks.

Ang ending: lumipat kami sa 15th floor ng TGIF building; mula sa dating flat namin sa 14th floor. Anlayo di ba?

Sa paglilipat at paglilinis ng room, joint forces ulit. Kita naman sa picture, na kinarir namin ito talaga:


Andyan din ako. Nagpahinga lang to take the photo :)

Finding an abode in the city is always a choice.

Choice between COMFORTABILITY versus TIPIDABILITY. Living in LUXURY vs. Living FRUGALLY.

And almost always, we always choose the latter.

Pero lahat ng ito nagbago..

Nagpost ng WANTED list sa Abu Dhabi Freecycle; kaso walang nagreply. NagPM sa mga kakosa; pero walang available na pwedeng ipamana. Naghanap ulit sa internet para sa mga second-hand stuff; nakakuha naman kami ng mga great bargains. Inabuso ang Etihad Miles para ma-avail na ang points pangpalit ng furnishings.
At pikit-matang bumili ng iba pang kailangan dahil wala na talagang choice hehe.  




Our SIBLINGS is HOME. Because having them here now, reminds us of that place. That very special place.

Kaya kahit mas magtipid pa kaming mag-asawa, okay lang.

Ang importante makuha namin sila, maging komportable sila and hoping that soon, they would find HOME in the place that we have now.

We may not have everything, pero we have each other. Yun lang naman ang importante.

Next STOP… Project ATALENG!