Thursday, March 31, 2011

Bagong DADDY Series - Ang PAGTATAGPO



Tagal ko nang gustong magblog.  Simula pa nung nasa Pinas hanggang sa pagbalik dito.  Parang wala lang time.  Dami kong naiisip.  Hindi ko lang ma-organize. 

Dami pa rin kasing ginagawang pending jobs.  Mga utos na dapat i-prioritize.  Nag-aaclimatize.  Adjust sa lahat ng gawaing pang-OFW.  Pati na sa oras ng tulog.  Upload ng photos nung bakasyon na hanggang ngayon, di pa tapos.  Sumasakit pa ngipin ko.  Hindi kasi nakapagpa-dentist before kami bumalik.  Inuubo kasi ko.  Tuloy, lalong sumakit ang ngipin ko nung malaman ko kung magkano ang pasta dito --- tumataginting na P4,000, wapak!

Eto na nga nung huling bakasyon namin, first time nga kasi naming magkikita ni Caleb:

Sa eroplano pa lang iniisip ko na, ano kaya ang feeling?  Maiiyak kaya ako?  Sasama kaya sya sa akin?  Kailangan ko pa kayang magShowtime para lang magpapansin sa kanya?  Sya ang judge, ako ang contestant.  Havey ba ako, or Waley?  Kailangan ko pa kayang magbigay ng SAMPLE, SAMPLE? 

Pero lahat ng agam-agam ay nabigyan ng linaw.  Eto na talaga ang moment of truth.  Eto na yung judge's decision.  Bakasyon ba itong luhaan o uwing puno ng ligaya? 

Salamat sa Diyos. Hindi ko na kinailangang tumambling para lang mapansin.  O magcostume ng ala-Boyoyong.  Konting ngiti, onteng pungay ng mga mata, sandaling tawag sa pangalan nya, sumama na agad sya.  Walang fanfare or arte or iyak or pagdadalawang-isip.  Basta sumama sya sa akin.  Ganon lang kasimple.  Hindi tulad ng sa pelikula.  Walang sappy music.  Walang zoom-in ng camera.  Alam nya siguro --- AKO ang kanyang AMA, SIYA ang aking ANAK.  Period.

Ganon pala yon.  Masayang hindi mo maipaliwanag.  Isang milagrong nabigyan ng patotoo.  Ayan na sya.  Hindi na 'to picture o video sa FB or Multiply.  Lahat na, totoo.  Walang delayed reactions.  Walang buffering.  Walang take-two or three or four.  Lahat animated.  Lahat makulay.  Ang sarap nyang panoorin.  Walang inhibitions.  Just pure soul.

Ngayon, hindi ko alam kung paano ko ba tatapusin itong blog ko.  Marami pa kasing emotions ang gusto kong i-share.  Gusto ko sanang maging mas explicit pa sa pagke-kwento.  Kaso indescribable nga.  Mahirap ma-explain.  Basta ang alam ko lang, sobrang saya.  Saya'ng di talaga maipaliwanag.  MASAYA na finally nakaharap, nakalaro, naalagaan namin SIYA --- kahit mahigit-kumulang isang buwan lang.  At MASAYA, na lahat ng pagtitiis namin sa ngayon, e para sa magandang kinabukasan NIYA.

Ang saya, saya!