Friday, October 12, 2012

LAKBAY ng BUHAY

Welcome ETHAN RICH sa LAKBAY ng BUHAY!




Ito ang mga bugtong ng higit pitong libo’t isandaang kariktan;
Likha ng pagal na katawan-lupang tigang.
Ito ang tula ng pagkamangha, pasasalamat at pagdakila;
Sa Inang likas ang lakas sa pagkalinga.
Ito ang panaghoy ng pagsusumamo sa parating na bukas;
At sa tunay na paglalakbay na kung tawagin ay buhay.

Bulkang may perpektong kono, handang lumaban sa Fuji ng Japan.
Hinulmang hagdan patungo sa kalangitan, isa palang palayan.
Burol na berde, minsan’y tsokolate, lalaruin ang iyong kukote.
Dagat ng ika-siyam na glorya, iwawasiwas pati kaluluwa.
Pinakamaliit na bulkan sa buong mundo, kung bumuga ay todo-todo.
Ilog sa loob ng kwebang nakakakaba, isama na sa iyong lamyerda.
Islang puting-puti, paborito ng mga Puti.
Ilabas ang talino at pagkatuso, gawin lahat para manalo.
Sa pusod ng dagat puntahan si Neptuno, sertipikado ito ng UNESCO;
Sandaang pulo, sandaang paghayo, sandaang saya, gusto mong sumama?

Bulkang Mayon,
Banaue Rice Terraces,
Chocolate Hills ng Bohol,
Cloud 9 ng Siargao,
Bulkang Taal,
Palawan Subterranean River,
Isla ng Boracay,
Survivors sa Isla ng Caramoan,
Tubbataha Reef, at Hundred Islands:
Ano na sa kanila ang iyong napuntahan?

Isa palang masigabong palakpakan, sa pasaheng piso sa paliparan;
Bawat Juan lipad na ng lipad, sa presyong 'di huwad.
Mga kabataan din’y naiwawaksi, sa masamang bisyo at yosi;
Kasi’y mas hilig nang mag-ekskarsyon, kaysa katawan nila’y malason.
Mas maigi kayang lumibot-libot, tanggalin ang lambong na nakasapot;
Kilalaning maigi ang sarili, bago sa ibang bayan’y mawili;
Nang sa gayon’y maging ganap, iyong pagkataong hinahanap.
Sa Pinas ka rin humugot ng lakas, sa pagdambana ng yamang-likas;
Dahil mapa-lugar, mapa-hayop, mapa-tao o talento:
Siguradong areglado, mapapataas ang iyong noo.

Kung dumating naman ang panahong salapi mo’y limpak-limpak na,
At kaya mo na ring bumili ng maleta;
Kung gusto mong lumibot sa Amerika, o kaya’y magpatianod sa dagat ng Australya;
O kung kailangan mong mangibang-bayan, magtatrabaho sa Gitnang Silangan;
Aba’y ‘wag kalimutang dalhin-pabalik, mga bagong karunungang hitik.
Ano naman kasing mangyayari sa mga maiiwan, kung bawat Pinoy ay lilisan?
Anong maghihintay sa ating mga anak, kung bansa natin’y lalagapak?
Kaya hiling ko sa bawat mong paglalakbay, hawakan mo ang aming kamay.
Sabay-sabay tayong umagapay, isaayos ang ating buhay.
Kaya mga Noypi ngayon na, ‘wag nang ipagpabukas pa!

Ito ang taludturang may kalakip na panalangin para sa Perlas ng Silangan;
Ihanay muli ang ningning ng iyong kariktan sa tamang kinalalagyan.
Ito ang dagundong ng nag-aalab na damdamin para sa kinabukasan;
Dala ang kasagutan, at ang tamang kaparaanan:
Magbalik-loob sa Diyos, magbalik-loob sa Kalikasan;
Balikan ang kinang ng ating nakaraan!


* * *  Ito ang aking Lahok sa Kategoryang TULA ng 4th SARANGGOLA BLOG AWARDS  * * * 






29 comments:

  1. apir! aprub! amen to this entry.

    Goodluck sa SBA bro :)

    ReplyDelete
  2. nakanaks! I wish makagawa ako ng tulang lahok din.

    Good luck sa entry.

    ReplyDelete
  3. Galing mo naman mag compose! Pinoy na pinoy! Goodluck! Sana kaw manalo!

    ReplyDelete
  4. bakit ka sumali! wala na ko'ng pag-asang manalo lol. mahusay! :D

    ReplyDelete
  5. Ang cute ni baby, balot na balot talaga!

    Sa lahat ng nabanggit mong lugarsa Pinas, sa Boracay pa lang ako nakapunta, hehe..

    Good luck! :D

    ReplyDelete
  6. Ganda czad, ang lalalim hehe pero panalo Ito. Goodluck

    ReplyDelete
  7. sabi na ee hehe goodluck sa entry mo nice yan

    ReplyDelete
  8. Si baby na ba ang bunsong kapatid ni bida? Ang cute!:)


    Good luck McRich! Ang galing galing! :)

    ReplyDelete
  9. Good luck McRich!

    at congrats! lumabas na pala ang pangalawang bida :)

    ReplyDelete
  10. mukhang sasalihan lahat ng kategorya sa SBA,
    ako nag balak lang pero ngayon kahit isa wala pa..

    mabuhay ka brod, nawa'y makadagit kahit isang panalo..

    ReplyDelete
  11. Your poem is very compelling! may laban Mc.

    ReplyDelete
  12. Nagustuhan ko ang tula, kitang kita ang mataas na pagtingin mo sa kung anong meron tayo. Ganyan naman dapat talaga ang attitude. :-)

    Gusto ko din ang pamagat at tagline ng blog. May nabasa ako sa isang advice column minsan, "Nobody has been made poorer by travel." Naniniwala ako don. Dapat nag-iinvest tayo sa karanasan, at sa mga makikita. Dahil kayamanan ito ng kaluluwa at inspirasyon nating mga manlilikha. Kudos sa yo!

    ReplyDelete
  13. Magbalik-loob. Isang napakagandang literature, McRich.

    ReplyDelete
  14. Very nice entry. Ang galing mo!

    P.S. Dumating na pala ang ia pang bida. :)

    ReplyDelete
  15. Very nice entry. Ang galing mo!

    P.S. Dumating na pala ang isa pang bida. :)

    ReplyDelete
  16. uy, nandito na pala ang isa pang bida, congrats! at good luck dito sa entry mo, galing! 3/10 ako, kelan ko kaya mape-perfect to? hehe... ;)

    ReplyDelete
  17. nice one...bilib tlga akong sa mga taong nakakasulat ng bongga tagalog! winner!

    ReplyDelete
  18. Superb! very inspiring itong tula mo. It really sounds like it's from someone na malayo na ang narating at alam an importansya ng pagmamahal sa sariling bayan. Goodluck sir.

    ReplyDelete
  19. Ang lupit nito... :D
    nakakabilib.

    Good luck seyo :D

    ReplyDelete
  20. Husay! Maganda ang laban ngayon, nagtagpo-tagpo ang mahuhusay!

    ReplyDelete
  21. Idol.. napakahusay, may hatid na swerte ang bagong silang na sanggol ;)

    ReplyDelete
  22. hi followed you here. congrats on your cute baby.
    follow my blog too..
    grazie-thoughts.com

    ReplyDelete
  23. mahusay.... ang galing ng pagkakabuo ng mga salita... Goodluck sa entry!

    ReplyDelete
  24. wow talagang mahusay ka talaga mac sa mga ganitong aspeto.. gudluck sa iyo at sa inyo na sumali :)

    ReplyDelete
  25. Nganga mode... Cmon! Love your entry Sir... God bless!

    ReplyDelete
  26. In fairness ah, ang tino at may aral! At rhyme hehe kakabilib. Hope you win.

    ReplyDelete
  27. tama ka na saan man tayo magtrabaho at makarating na Pinoy, wag kakalimutan ang ating Pilipinas. Kung may hirap man dito na sanhi ng paglisan... iilan lamang yun sa maraming rason kung bakit ipinanganak kang Pilipino.

    Mabuhay sa iyong entry kuya!

    ReplyDelete
  28. anglalim ng tagalog galing nyo po gud luck! :)

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?