Tuesday, November 13, 2012

Better LATE and Pregnant

Sensya na po, sobrang inaagiw na 'tong mga photos namin.  Gusto ko lang i-share baka sakaling interesado kasi kayo. 

Gusto ko rin sanang magbigay ng BABALA na nakakaumay ang pagmumukha namin.  Try nyo munang magBonamine bago magproceed further. 


1. Nakipagkita kay EMPI sa SM Bicutan para sa donasyon naming old toys ni Caleb para sa proyektong Isang Minutong Smile ni Lord CM.  Nag-very-quick-bite na rin sa Jollibee para makipag-very-quick-kwentuhan na rin kay Empi.










2.  Tuloy pa rin po ang pagbebenta ko ng laman pero nagko-concentrate na po ako sa paggawa ng Burger Patties.  Kung pamilyar kayo sa Angel's Burger (Buy 1 Take 1 Burger), balak naming gumawa ng ganong klaseng negosyo at pangalanan naman itong --- Anghel's Burger






3.  Natutuwa kaming naka-attend na ng Sunday School si Caleb.  Gusto kasi namin na at least once a week ay may makasalamuha syang mga bagets of his age. 







4.  At long last ay nadala na rin namin si Caleb sa Barber's Shop.  Lakas-loob lang 'to kasi madali syang katihin at ayaw nya ng tunog ng razor.  Salamat sa lollipop.   







5. Nagpa-Happy Birthday Caleb sina MA at PA sa Batangas.  So nice na makita ulit ang mga kamag-anak lalo na't game na game sila sa mga palaro.  Musta naman, nung August pa 'to LOL. 








6.  Nagpa-swimming naman kami nung Birthday ni Ate sa Balai San Juan.  Huling swimming din before manganak si Aimee.  Musta ulit, nung September pa 'to.









7.  Syempre hindi mawawala ang  mga photos ng isa pa naming bida na si ETHAN RICH at ng aming SuperAimee .  Salamat BE for being strong all throughout  the 9 months and on the day of the delivery.  And until now. 

We LOVE You MOMMY! 









Maraming SALAMAT din pala sa lahat ng mga bumibisita sa munti kong blog.
1 YEAR na po tayo dito sa Blogspot yey!

30 comments:

  1. Happy Birthday Caleb.
    Congrats sa new baby.
    Happy 1st blog anniversary :)

    ReplyDelete
  2. buti nalang at binasa akala ko talaga taga kuha ng labada si empi..wahahaha

    bumabacktrack ang show, sobrang busy na ba kay bb ethan? ^___^ (hello again ethan cutie! yung usapan naten ha?hehe)

    at syempre happy blogsary sayo rich! more kwento, yes? >_____<

    ReplyDelete
  3. ang bilis ng panahon, one year na pala kagad ang nagdaan. parang kelan lang, pareho tayong baguhan dito sa blogosperyo, ay mali ako lang pala ang baguhan, beterano ka na nga pala, ibang platform lang ang gamit mo. anyway, congrats McRich, update lang ng update para sa marami pang taon ng blogging. happy anniversary dito sa blog mo. :)

    ReplyDelete
  4. Ang cute ni Ethan Rich oh.. fresh na fresh from delivery room! Kakagigil!!

    Gusto ko makita si Caleb!! Promise, ibibili ko siya kahit ilang lollipop pa yan!

    At wow, super tagal na nun ibang pics.. andami ko pa tawa sa mga kamusta moments mo! hehe..

    ReplyDelete
  5. wow an cute nmn ni baby ! at si empi astig ha !

    ReplyDelete
  6. Happy birthday Caleb! And congratulations on your new baby!...Ang cute...:)

    xx!

    ReplyDelete
  7. happy anniversary sa blog mo at congratulations may second baby ka na. ang cute cute pa nya grrrr! hahaha =D

    ReplyDelete
  8. makiki-congrats na rin sa new member ng family at sa 1st year blog anniv, pagpalain pa kayo lalo :)

    ReplyDelete
  9. ang kyut kyut ni caleb ... parang batang ikaw. hahahha

    Hi ethan wag k ng magselos ang kyut kyut mo din :)

    Happy blogsary . more to come bro. hehe

    ReplyDelete
  10. wow dami celebration
    happy birth day caleb at sa new baby
    happy anniversary din kampay!!

    ReplyDelete
  11. Congrats sa blog anniversary! More, more happy times, memories with your lovely family to share in the future :)


    2 na ang bida nyo ka cute pareho! Ang bait pa ni Caleb, willing pamigay ang toys :)

    ReplyDelete
  12. hang cute naman.... Congrats ha ^___^ sana maging happy araw araw...

    Godbless to your family .... pahabol na rin -- Happy Anniversary sa blog mo....

    ReplyDelete
  13. wow. andaming kwento. at happy blogoversary naren.

    ReplyDelete
  14. Happy anniversary po sir sa blog nyo :)

    and nice pics of your entire family!

    ReplyDelete
  15. isang mukha si caleb at ethan rich :)hehehe

    congrats sir!

    jayrulez :)

    ReplyDelete
  16. happy blogversary sir mcrich!


    jayrulez

    ReplyDelete
  17. wa congrats po ng three times sobrang positive ng post na ito.

    congrats sa bagong addition sa family, sa pagdo-donate at sa anniversary g inyong blog dito sa blogspot.

    mabuhay! thank you rin po sa palaging pag-a-update sa aki tungkol sa aking entry. promise kung hindi dahil sa inyo wala akong kaalam-alam.

    ReplyDelete
  18. Happy annivery sa blog mo! family always provide enough reason to see life is good and bless! goodluck!

    ReplyDelete
  19. Hello Rich. . . first time ko rito sa blog mo. nainggit agad ako. you are blessed with wonderful kids. they're heartbreakingly cute, he he. lalo tuloy akong na-homesick.

    ReplyDelete
  20. wow pareho pala tayo ng anniversary month! Happy first!

    Buti naman share mo tong mga pics kesa naman hindi nakita ng madla sayang naman :) Excited ako sa "Anghel" Burger patikim ha :)

    ReplyDelete
  21. Ay may second babay na sobrang saya naman niyan:)
    Like ko yang mag donate din ng mga toys para makapagpasaya:)

    ReplyDelete
  22. Pag OK na business nyo ako ang unang unang bibili ng Anghel's Burger hehehe

    ReplyDelete
  23. Eeeeeeeh! Ako nga uber late na mag comment e. Congrats naman sa bagong (uli) mommy't daddy.

    Marami pa akong kwento sayo pero saka na. hehehehe!

    ReplyDelete
  24. Pwedeng pang humabol -- happy birthday blissfullyrich.blogspot.com! hehe, magdodomain na yan! idol idol idol!

    ReplyDelete
  25. Ang cute cute cute ng little boy lalo nung nagupitan! mahirap yan mabuti at nakasurvive sa gupitan. haha! pero habang lumalaki masasanay din siya. ganyan kami sa little boy namin noon e.

    At shempre napakacute ng bagong bida niyo! ang pogi! at talaga bang sinadya na magpakita ang dapat itago dun sa isang pic niya? hahaha!

    congrats congrats again!

    ReplyDelete
  26. ang daming celebration!
    blogoversary na may bagong baby pa!
    congratz bro!

    ReplyDelete
  27. grabe ang cute ni baby... congratz...

    may tag post ako for u..

    http://forcehash.blogspot.com/2012/12/all-i-want-for-christmas.html#.ULr5w4NA2eY

    ReplyDelete
  28. congrats!!! many congrats!! hahaha i appreciate how u lived ur life, nainggit ako, hahaha so happy looking at those pictures of urs.

    ReplyDelete
  29. hahahah naaaliw ako sa mga post mo, nakakangiti ng isang umaga. aba! at tatay ka na pala ulit hehehe...congrats! my due is on March pa sana ganyan din ka cute ang aking baby ;)

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?