Tuesday, January 10, 2012

BESTFRIEND

Nagtatampo ang MRS ko.  Hindi ko raw kasi na-appreciate yung regalo nya saken. 

Ikaw.  Sa palagay mo.  Kung bibigyan ka nito.  Hindi mo ba to magugustuhan?





Sabi pa don sa envelope, BIG things come in SMALL packagesKaya naman pala ganon ang entrada.  Groupon pala ng BB Playbook ang nasa loob. 

Pero alam nyo, hindi ako don sa laman ng envelope na-excite.  Mas nakatawag-pansin pa nga sakin yung nakasulat sa envelope. 

Thank you raw dahil AKO raw ang HUSBAND nya.  At thank you raw dahil hindi nya lang daw ako basta husband, kundi, BESTFRIEND pa. 

Kinilig ako.  At isa pang KILIG.  Na-touch ng sobra ang puso kong in-ECG kamakailan para sa aking offshore rig license.  Oo, walang kinalaman ang license ko sa istorya.  Wala lang kasi akong maisip na adjective for my heart hihi.

Di ba?  Kumbaga sa friendship, pag sinabing BESTFRIENDs na kayo, ibig sabihin, to the highest level na ang friendship nyo. 

Yung tipong wala nang lihiman.  Alam nyo kung sino ang crush ng isa't isa.  Tapos ipi-FLAMES nyo ng sabay.  Then iho-HOPE or pwede ding i-CAMEL. 

Pati favorite color, book, author, singer, actor, actress, director, cinematographer at screenplay ay dapat alam nyo.     Pati birthday, birthplace, birthmarks, zodiac sign, motto at definition of love o crush e dapat saulado nyo naman.  At higit sa lahat ay kaya nyong sagutin ang what, where, how, why, when at please-expound-in-one-word ang kanyang first kiss

Yun yon.  The PACT of being BESTFRIENDs.  

Kaya nung nabasa kong BESTFRIEND nya na ko,  yii,  answeet lang.   
      

Si  MRS.


Very vivid pa rin saken kung pano tayo unang nagkakilala.  Andun ka.  Sa 3rd floor.  Aantay pumasok sa lab.  Nag-iisa lang.  Papa-cute.  Alam kong wala ka pang masyadong friends nyon.  Kaya inepalan kita.  At nagpa-cute rin ako. 

Buti na lang ginawa ko yon.  Dahil, it was the BEST decision I have made in my entire life.  EVER. 

As in.

Kaya kung tatanungin mo ko, kung sino ang BESTFRIEND ko doon?  Ang isasagot ko, SYEMPRE IKAW LANG! 

HAPPY 2ND YEAR WEDDING ANNIVERSARY BE!
     

43 comments:

  1. anong hnd magugustohan? gustong gusto!! hehe! cguro dahil hnd mo ginawan ng blog kaya akala niya hnd mo nagustohan, lamo naman kaming mga babae, minsan ksp! so dahil na blog mo na matutuwa yon.. gnun kami eh, gusto namin proud yong asawa, kaibigan o anoman sa mga bigay namin.. hnd kami himihingi ng kapalit, yong ma-appreciate bigay namin, enough na yon.. im sure natutuwa na ni MRS dito sa blog mo..

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek ka mommy dahil natuwa nga sya sa pagkaka-blog ko :)

      Delete
  2. Hay be, touch naman ako.

    Out of words naman ako hehe, thank you!

    Starting my day with this, solve na buong araw ko! baka hanapin ko ulit to bukas :)

    ReplyDelete
  3. Happy 2nd Year Wedding Anniversary sa inyo, God Bless your relationship! at sana umabot kayo sa Golden.

    More Power on blogging McRich!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow golden for sure yan sir kiko :) thanks!

      Delete
  4. Grabe, una tayong nagkakilala nung 1997, 15 years ago na pala yon!

    Sa North Building, 3rd Floor, last class nating panggabi - Thermodynamics ba yon? hays...

    Talaga be best decision ever? yiii!

    ReplyDelete
  5. sweet naman!! happy anniversary McRich and McAim! more happy years together... :)

    ReplyDelete
  6. w0w lovers and bestfriend...san ka pa..hehehe

    hanep s pagmamahalan
    ipagpatuloy hanggang katapusan :)

    ReplyDelete
  7. Kakatuwa kayong dalawa. I'm glad there are couples like you. Friendship is a very important part of any relationship. Yan ang sabi ko sa mga partners ko noon. We should be friends firstly before we are lovers in any stage of our relationship kasi there are things that you can not talk about as lovers but you can as friends. More power. Kayo na ang love team ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. agree ako syo rence regarding friendship at yung point na yung can talk as friends, ganong level na kme yey!

      Delete
  8. wow pag ako ang nakatanggap nun, I'm sure, I will never appreciate it. hahaha \


    happy anniversary.

    ReplyDelete
  9. ang sweet, kinilig ako.wahaha gusto ko na tuloy ma-inlove ulit.wahihi

    ReplyDelete
  10. ang galante naman ng "bestfriend" mo :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. sobrang galante nga talaga si Bestfriend :)

      Delete
  11. Ipapabasa ko 'to sa asawa ko...gusto ko ng ganyan regalo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala wag na pressurin si mrs akoni, yakapsul at kispirin ay ayos din naman!

      Delete
    2. ngayon ko lang nalaman na may asawa ka na pala, Akoni

      Delete
    3. at meron na rin syang baby akoni rence!

      Delete
  12. sarap magbasa ng mga ganitong blog, from the heart :)

    ReplyDelete
  13. Wow.. ang ganda ng gip!!!

    Kakakilig naman tong post na to. Parang hayskul lang. hihi.. Bestfriends and lovers. Wow.. :) Happy anniversary po!

    ReplyDelete
  14. My boyfriend is also my best-friend. He once told me that I am not just his girlfriend, I am his bestfriend, too. I was teary eyed hearing this words coming out of my boyfriends mouth. You both are lucky to have each-other and I am happy that I can see and hear a couple so happy together. Greetings to you!

    Novie
    http://misexperienciaspersonales.wordpress.com/

    ReplyDelete
    Replies
    1. nice to hear that you are having the same in your relationship, thanks for dropping by!

      Delete
  15. Aww ang sweetness naman. Kaya pala ang daming langgam dito. Aba bongga ang gift ni Mrs. E ikaw kuya ano gift mo kay Mrs. McRich?

    Happy Anniversary!

    ReplyDelete
  16. Hahaha!!! Sobrang kakakilig talaga at ginawan pa ng blog ... talagang kilig to the bones ... Sobrang Love nyo talaga ang isa't isa. Yan ang nagbibigay-kulay sa pagsasama habang tumatagal. Talagang iba ang Lovers lalo kung BEST FRIENDS FOREVER!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sayang naman, di kita ma-thank you-han by your name, limot mo lagay name mo :( salamat na lang po :)

      Delete
  17. Ang sweet naman.. :) Naalala ko tuloy ang mga espesyal na tao sa buhay ko na malayo ngayon sa akin..

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko tuloy sure kung mabuti bang naalala mo sila or hindi, aww!

      Delete
  18. soo sweet. =D nateary eyed ako. yeah i know kinda lame. pero kasi naman sa estado ng lovelife ko ngayon its really good to see/hear someone else lovelife to be fruitful and real. blessing talaga yun di ba. at lalo pa na itinuturing nyo po ang isat isa as bestfriends. di lahat ng magasawa eh ganyan. =D happy 2nd year anniversary po sa inyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala wag nang ma-teary eyed, meron talagang para syo promise :)

      Delete
  19. ayan di nako nagtatampo :D

    na-appreciate mo nga! hihi

    from Mcaim :D

    ReplyDelete
  20. happy belated anniv! o ha nagbackread ako ha!!!! kakatouch ang kasweetness dito ah!!

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?