Saturday, December 17, 2011

BURJ Mission




Nag-date kami ni Mrs last Thursday night.  Matagal-tagal na rin kasi kaming walang gala.  Huling nood pa namin e Harry Potter 7 Part 2.  Mga ilang buwan din kaming nagtorrent for the latest movies.  Medyo nagtipid kami dahil kinuha nga namin ang aming 3 siblings from Pinas.  At ngayong meron na silang trabaho, medyo nakakahinga na kami ng mas maluwag.  Mas relaxed na.

Habang nanonood kami, bigla akong nagkaroon ng flashback.  Flashback nung 1st time kong nanood ng sine sa UAE.  Medyo na-praning lang ba ko noon.  Biruin mo naman, sa kadiliman ng sinehan, biglang may lumitaw na naka-full-white robe!  Kala ko white lady.  Gusto ko na sanang sumigaw at tumakbo palabas.  Later na-realize ko, nasa Mid East nga pala ko.  At kumusta naman, ang white lady may bigote at balbas?

Haba ng pasakalye no.  Actually, ang gusto ko lang sabihin e nanood kami ng Mission Impossible: Ghost Protocol.  At naka-relate lang dahil may mga scenes don ng Burj Khalifa  (World's Tallest Building). 

Biruin nyo, si Tom Cruise, nag-aadik sa pag-scale ng building?  Kulang na lang e sapot.  Pwede na syang pumalit kay Spiderman.


from Google

from Google



Tapos, gusto ko lang i-post ang mga photos ko nung gala ko dati sa Dubai.

  

Burj Khalifa

Dubai Metro - Burj Khalifa Station


Eto naman yung pinaka-recent with the siblings nung pinasyal namin sila.


Sobrang lapit namin kasi.
Umuulan pa.

McAIM.


Kitam.  Architectural wonder talaga ang Burj Khalifa.  It's a sight to behold even from afar or from an arm's reach.  Kaya kung gusto nyo ring ma-experience ito at mamangha sa mga stunts, nood na ng Mission Impossible. 

Sulit pwamis! 

20 comments:

  1. Planning to watch it. Pag may BRrip na sa torrent. =)

    ReplyDelete
  2. Naku, hindi pa kami nanonood ng non-GP sa sinehan dito sa UAE (puro cartoons lang ba, hehe, palibhasa lagi kasama anak), first time pag sakaling panuorin namin Ghost Protocal next week. Dalawang katrabaho ko kaya um-extra dun :-)

    ReplyDelete
  3. sinama pa tlaga ang ticket.. Hello kay mrs..:)

    ReplyDelete
  4. akala ko "...kung gusto nyo ma-experience at mamangha, punta na ng dubai". heheh!!

    ReplyDelete
  5. napanood ko rin yan noong Friday. nakakagulat naman yong sandstorm doon pang pelikula lang talaga dahil di ko pa yan nararanasan ng ganyan.

    ReplyDelete
  6. @rence - try mo sa sine, mas ok sya!

    @gremliness - talaga, sino don? naks sikat na sila ha!

    @mommy - opo haha para may remembrance :)

    @talinggaw - why not para mas feel di ba?!

    @diamondr - san ka nanood?, kme sa abu dhabi mall! oo nga, exaggerted yung sand storm hehe :)

    ReplyDelete
  7. hinihintay ko to matagal na! aabangan ko sa torrent.hehe

    ReplyDelete
  8. baka gayahin mo si tom cruise ha...baka gawin mong hobby ang mag-scale ng building

    ReplyDelete
  9. @eli - nood na dahil sulit naman, mas maganda sa sine!!

    @sendo - naku di ko kaya mga ganong eksena hehe pang beach bumming lang ang kaya ko :) salamat sa pagbisita!

    ReplyDelete
  10. Basta Mission Impossible laging action scenes on a grand scale talaga, more than the logic eh dapat maporma. Kaya ko sya gusto hehehe.

    ReplyDelete
  11. kayanin natin..talunin natin si tom crosh

    ReplyDelete
  12. better late than never hehehe… kahit hindi naman ako Bibo eh talaga naman binibisita ko itong bahay mo, Mission Impossible panalo yan, meron akong collection at nag aatay din ako ng DVD version nyan dito sa Qatar (na mas mura hahaha)

    My recent post Bangungot ng Bagyong Sendong

    ReplyDelete
  13. @glentot - at ang maganda dito, si tom mismo gumagawa ng stunts nya, walang takot sa buhay, pano na lang ang scientology nya?

    @sendo - haha sige ba!

    @kiko - wow salamat sir, likewise here, kami naman nabuhay muli ang interest sa MI kaya magbackwatch kme hehe.

    blocked ka sa ofc namin, di ko alam kung bakit, di naman porn ang mga post mo,ewan.

    ReplyDelete
  14. Hahaha, funny akala mo white lady :D haha mas nakakatakot siguro yon kung black lady. Hindi ko pa napapanood yung MI, pero sabi nila action packed daw. you gave me an idea - torrent!

    ReplyDelete
  15. kakainggit!!! sobrang after seeing the film gusto ko maranasan ang feeling sa loob ng building na yan.

    sigh.

    ReplyDelete
  16. @rah - sayang, wag ka magtorrent kse maganda talaga yung film, mas maganda sa big screen!

    @gillboard - wag na mainggit dahil hanggang labas rin lang naman kme hehe :)

    ReplyDelete
  17. haha.. natawa naman ako sa inakala mong white lady. nakakaloka.. ang ganda ng burj. sana makita ko din yan. :)

    ReplyDelete
  18. @mayen - siguradong makikita mo ang burj, just keep on believing!

    ReplyDelete
  19. buntis bako dito? hehehe

    nagbubuntis buntisan lang, i hate you rice! hahahaha

    starting today - no rice diet na ko! gudlak!

    from Mcaim :D

    ReplyDelete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?