Thursday, November 17, 2011

Let Me EXPLAIN

Maraming nagtatanong

May tatlong readers na nagtanong

(Okay, magpapakatotoo na nga ko dahil hindi ako sure kung meron talagang nagbabasa ng mga blogs ko at ultimo misis ko e busy.)

Kung sakali lang naman at gusto mong itanong, gusto ko sanang ipaliwanag kung bakit puro old gala photos ang mga pino-post ko.

Ganito nga kasi yon.

Una, napansin ko lang na panahon na para mag-iba ako ng platform sa pagba-blog.  Medyo limited na kasi ang pwedeng gawin sa Multiply.  Old school na old school na.  Nahahalata tuloy lalo ang edad ko hehe. 

Pangalawa, marami rin akong gala photos na nasa Multiply din.  E natatakot akong maging mala-Friendster ang Multiply kaya minabuti kong hanapan ng panibagong tahanan ang mga sweet memories ng aking bagets life.  (Tamad pa naman akong magtransfer ng photos, yung sa Friendster ko nga hinayaan ko na lang hehe.)

Ngayon, sa pagsali ko sa PEBA, napansin kong lahat na lang ng nominees e either naka-blogspot o naka-wordpress o may sariling domain (e hindi naman ako ka-yamanan).  Kaya naisip ko tuloy na magsimula na rin ng panibagong kabanata sa buhay ko.

Kaya eto, taran, Travel Blog!


Aquaventure, Atlantis

Syempre, eemo pa rin ako paminsan-minsan, maglalagay pa rin ng mga hinaing/saloobin/rants/kuro-kuro na sa palagay ko e hindi naman nalalayo sa adhikain ng blogsite ko.

Ang buhay naman kasi e isang malaking adventure. 

Lahat tayo, nagtata-travel lang sa mundo. 

At sa bawat yugto ng buhay natin, maraming lessons, maraming picture-picture, maraming facets. 

Minsan masaya, minsan naman, mas masaya.

Pero kahit ano pa man ang magiging rason ko sa bawat ipo-post ko, sana, makapagdulot ito ng inspirasyon, makapagpasaya, at makapagbigay ito ng rason sayo na ituloy lang ang buhay.

Tuloy lang ang lakad.  Tuloy lang ang takbo.  Kung kinakailangan tumalon, talon lang.  Kung kailangang lumangoy, langoy lang.  Kung hindi talaga kaya, manghiram ka na lang ng salbabida.

Kasi ang totoo, we were ALL created NOT to merely EXIST; but to LIVE the full LIFE that we HAVE.

Kaya:

MagBulakbol, mag-Excursion, Gumala, magLamyerda, mag-Outing, at higit sa lahat, i-enjoy lang ang Travel ng Buhay. 

Samahan mo ko!

11 comments:

  1. Thank you for joining BNP! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the Hall of Fame ;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    ReplyDelete
  2. found your blog on BNP and did followed yeah. hope you could follow me back. i added you in my link. BTW, I like to ride on that one. hahaha. I am the 7th follower. hehe

    have a nice day and GOD BLESS.

    mr837.blogspot.com

    ReplyDelete
  3. @BNP - thanks, thanks!

    @Albert - hi, sorry but your site is blocked on this part of the world. thanks though for dropping by :)

    ReplyDelete
  4. hi McRich! gaya ni Albert, nakita ko ang site mo sa BNP. pwede bang makipag-exchange links, kung ok lang sayo.

    thanks!

    -i ♥ am ♥ Talinggaw

    ReplyDelete
  5. @talinggaw - sure, sige add na kita ha :)

    ReplyDelete
  6. thanks McRich! done adding your site on my blogroll, am following you now. God bless! :)

    ReplyDelete
  7. O ayan McRich, sigurado nang may nakabasa sa mga posts mo, binasa ko buong blog mo, hahaha...adik lang eh, patay na naman ako sa work ko nito bukas, bangenge na naman sigurado ako...heheh!

    salamat ulit, ingats dyan sa Abu Dhabi! :)

    ReplyDelete
  8. oo sasamahan kita be.

    remember, you jump - i jump too! i fall - you fell first hehehe!

    so plano ka na ng next destination naten!

    from Mcaim :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat be :) lapit na ang ating much needed vacation, san ba tyo?

      Delete

Alam mo bang ang KOMENTO mo ang POWER ko?